Chapter 7

6 2 0
                                    

Nauna ng mag-out si Liam at hinihintay na lang nyang matapos ang shift ni Aiyana...

Ilang minuto ang lumipas...

"Bye Aiyana! Night Shift tayo bukas ah!" nagpaalam na sina Colleen at Nadine kay Aiyana

Sinalubong naman si Aiyana ni Liam..

"Akala ko mag-oovertime ka na sa shift mo eh?" tanong ni Liam, sabay na silang naglakad papunta sa parking area kung saan nakapark ang sasakyan ni Liam

"Madami lang endorsement sa next shift eh kaya medyo na late.." simpleng sambit ni Aiyana, ngunit halata sa kanya na meron pa rin syang iniisip na iba..

While on the road...

Di napigilan ni Liam ang tanungin ang girlfriend kung bakit parang tulala at tahimik sya..

"Aiyana? May problema ba?" pagbabasag ni Liam ng katahimikan habang nagmamaneho

"Medyo pagod lang sa trabaho Liam, yun lang.." matamlay na sagot ni Aiyana, biglang pinihit ni Liam ang manibela at nagpark sa gilid

"Aiyana, alam kong may iba kang iniisip bukod sa trabaho, sabihin mo sa akin, baka makatulong ako?" tanong ni Liam kay Aiyana

"Wala nga sabi Liam ang kulit mo naman eh!! Pagod lang ako kaya pwede ihatid mo na lang ako sa bahay!!" inis na sambit ni Aiyana, nagulat si Liam sa inasal ng nobya

"Okay fine!!" hindi na umimik si Liam at nagmaneho na lang ulit

Nasa harapan na sila ng bahay ni Aiyana, wala pa rin sa mood si Aiyana lumabas ng sasakyan ni Liam, hindi na nag-abalang ihatid ang nobya sa tapat ng pinto nila na lagi nyang gawi dahil mainit ang ulo nito..

Nagmaneho na si Liam pauwi sa kanila, habang nasa biyahe siya, tinawagan nya si Colleen, yung friend ni Aiyana na ka-duty rin nya kanina...

*Phone Convo*

"Hello? Colleen?" si Liam

"Oh? Liam napatawag ka? " takang tanong ni Colleen

"Colleen, may problema ba si Aiyana? Tinatanong ko sya kanina, imbis na sagutin ako, sinigawan lang ako, mukhang mainit ang ulo? May nangyari ba?" sunod sunod na tanong ni Liam kay Colleen

"Alam mo Liam yan rin ang pinagtataka ko eh, after kong makwento sa kanila ni Nadine tungkol dun sa nangyari sa isang nars na kasamahan ko last year, naging weird na ang kinikilos ni Aiyana eh.." kwento ni Colleen sa phone kay Liam

"Bakit? Ano bang nangyari dun sa kasamahan mong nurse dati?" tanong ni Liam

"Bigla nalang kasing nawala na parang bula yung kasamahan namin yun at di na nakita, isang taon ng nakakalipas after nya makipagkita dun sa doktor Mateo Avellino.." sagot ni Colleen

"Teka? Nawala yung nurse ng parang bula? Napaka imposible naman non?  Tsaka sino naman yung Doktor Mateo Avellino na yun?" takang tanong ni Liam

"Neurologist doctor yun Liam, pero huling kita ko don sa doktor na yun a year ago pa yung bago mawala yung nurse namin na kasamahan noon.." say ni Colleen sa phone

"Sa tingin mo may connect yung doktor na yun sa pagkawala ng nung kasamahan nyong nurse a year ago?" say ni Liam na medyo nawiweirduhan na sa mga kinukwento ni Colleen

"I think so, tsaka ibang makatingin ang doktor na yun sa mga nurse na may itsura at maputi.." medyo naalarma si Liam dahil mukhang alam na  nya kung bakit weird ang kinikilos ni Aiyana after Lunch kanina

"Colleen, nakaharap ba ni Aiyana ang doktor na yun kanina?" deretsahan tanong ni Liam kay Colleen

"Oo, naiwan kasi sya kanina sa station at nauna na kami ni Nadine bumaba sa Cafeteria para mag-lunch, tatapusin lang daw nya yung charting sa isang patient kaya ayun, bigla daw dumating yung doktor na yun para mag-rounds sa isang nirefer na patient sa kanya, nagulat nga raw si Aiyana dahil first time nyang makilala ang doktor na yun na mukhang weird.." pagkukwento ni Colleen kay Liam

"Colleen, sa tingin ko alam ko na kung bakit weird ang kinikilos ni Aiyana, thanks sa info ah!" say ni Liam kay Colleen and he drove straight home

Meanwhile...

Walang ganang kumain ng dinner si Aiyana at agad naman napansin yun ng Lola nya at Mama nya...

"Apo? May problema ba?" takang tanong ni Lola Alicia kay Aiyana

"Wala po Lola, medyo pagod lang po sa trabaho.." say ni Aiyana na halatang malungkot at tila ang isip ay nasa malayo

"Sigurado ka Anak? Magsabi ka lang nandito kami ng Lola mo.." say naman ni

"Okay lang po ma, sige po akyat na po ako sa taas" walang ganang sambit ni Aiyana at umakyat na sa kwarto nya

Naiwan nagtataka si Lea at Lola Alicia sa kinikilos ni Aiyana

9pm in the evening...

Nakatulala lang si Aiyana sa kisame ng kwarto nya habang nakahiga sa kama nya..

"Bakit ganon? Bakit bigla akong kinabahan after ikwento ni Colleen yung nangyari sa isang nurse last year? At malakas ang kutob kong may kinalaman ang doktor Avellino na yun, iba syang makatingin sa akin kanina" sambit ni Aiyana sa kanyang isipan ng biglang nag-ring ang phone nya

*Phone Convo*

"Hello?" sagot ni Aiyana sa phone

"Aiyana, buksan mo bintana mo!" say ni Liam sa kabilang linya, napatayo si Aiyana at tumingin sa may bintana nya, may anino agad agad niyang binuksan ang bintana, tumambad sa kanya ang nakahood and jacket na grey na si Liam nakasampa sa isang mahabang ladder

End Convo...

"Anong ginagawa mo dito? Nang ganitong oras ha?" takang tanong ni Aiyana sa get up ng nobyo

"Magsuot ka ng jacket bilis!" mando ni Liam

"At bakit naman aber?" pinagtaasan ng kilay ni Aiyana si Liam

"Basta! Mag jacket ka na bilis may papahangin lang tayo dali!" pagmamadali ni Liam kay Aiyana

"Wow! alas-nuebe ng gabi magpapahangin sa labas, galing mo naman Liam eh no? Ano naman ang irarason mo sa mama ko kapag nalaman nyang itatakas mo na naman ako hah?" urirat ni Aiyana kay Liam, hilig talaga ni Liam na itakas si Aiyana kahit dis oras ng gabi ng walang paalam sa mama nito

"Sus! Ako ng bahala kay tita Lea, bilisan mo na kaya baka magising pa yun eh!" wala ng choice si Aiyana dahil mapilit ang nobyo nito

After magbihis ni Aiyana ng jacket, dahan dahan syamg bumaba sa ladder at inalalayan naman sya ni Liam, sumakay na sila sa sasakyan ni Liam at papunta na sa lugar kung saan sya dadalhin ni Liam...

===================================

Next: Chapter 8



Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now