Chapter 21

10 2 0
                                    

Ilang minuto rin nag-antay si Lolo Generoso kay Liam...

"Nasaan na kaya ang batang iyon? Baka mahuli siya ng mga gwardiya, malapit na ang oras ng hulihan?" sambit ng matanda habang padungaw dungaw malapit sa bahay ng mga Abelino

Ilang saglit namataan na nya si Liam papalapit sa kanya...

"Apo, bilisan mo! Kailangan na natin makauwi bago pa ang oras ng hulihan!" yaya ni Lolo Generoso kay Liam

"Nandito na po lo!!" sambit ni Liam sabay mabilis silang naglakad pabalik sa bahay ni Lolo Generoso

Sa Munting Bahay ni Lolo Generoso..

Naghahanda na ng hapunan ang matanda habang si Liam naman ay tahimik na nakatanaw sa bintana habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan

Nang matapos na ang matanda sa paghahanda ng makakain, nilapitan niya si Liam..

"Tila malalim ata ang ating iniisip apo? Ano bang nangyari sa bahay ng Abelino?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam, tumingin ito sa matanda

"Ayun lo, nakita ko muli ang dalagang nagngangalang Aliya, nakatanaw rin siya sa bintana na tila ba ay may malalim na iniisip, na wari ko ay tungkol ito sa kanila na tinatawag niyang asawa, pero lo sa aking palagay sa itsura ni Aliya nakikita ko ang aking prinsesa na si Aiyana, sa kanyang wangis, sa kanyang kilos, sa ginawa nya sa akin kanina, di po talaga ako maaaring magkamali lo na siya ang babaeng aking hinahanap!" kwento ni Liam kay Lolo Generoso

"Apo, alam kong labis kang nangungulila sa babaeng pinakamamahal mo, ganyan rin ako sa iyong lola nung sila ay umalis sa bayan ito para pumunta sa ibang bansa, di mawari sa iyong isipan ang mga masasayang ala-ala nyo na magkasama, kaya apo! Darating rin ang araw na mahahanap mo uli siya!" sabay hawak ng matanda sa balikat ng apo

"Salamat po sa payo lo! Di po talaga ako titigil, dahil nararamdaman kong siya na talaga si Aiyana!" sambit ni Liam kay Lolo Generoso

"Halina't kumain na tayo ng hapunan, alam kong ikinasaya mo naman kahit papaano ang huntahan nyo ng magandang dilag na iyon!" masayang yaya ni Lolo Generoso kay Liam

"Tama po kayo lo, ramdam ko rin sa babaeng iyon na tila ba ay gusto nyang makalaya sa bahay na iyon, kita ko sa kanyang mga mata ang sabik na makalabas sa lugar na iyon!" sambit ni Liam habang nakain sila ni Lolo Generoso

"Ano naman ang ginawa mo?" takang tanong ni Lolo Generoso kay Liam

"Binigyan ko po sya na hanggang bukas ng gabi para makapagdesisyon kung gusto nyang tumakas sa lugar na iyo upang makita ang ganda ng bayang ito, kaya po lo samahan nyo po ako bukas ilibot ang babaeng iyon sa Santa Cecilia, di ko pa kasi po kabisado itong lugar na ito eh!" sambit ni Liam kay Lolo Generoso

"Naku apo, delikado pag gabi, baka mahuli tayo ng mga gwardiya rumoronda sa gabi!" paalala ni Lolo Generoso

"Anong oras po ba hulihan lo?" tanong ni Liam

"Alas-diyes ng gabi kailangan nasa mga tahanan na ang lahat, kung hindi sa kwartel ka magpapalipas ng gabi!" sambit ng matanda kay Liam

"Edi agahan po natin mga alas-syete ng gabi puntahan ko na po si Aliya at kapag pumayag siya, itatakas ko sya sa bahay na iyon ng palihim!" sambit ni Liam kay Lolo Generoso

"Apo, kakayananin mo bang itakas ang dilag na iyon kung sakaling pumayag siya?" nag-aalalang tanong ni Lolo Generoso para sa seguridad ng apo at ng babaeng nais itakas ni Liam

"Lo, walang imposible kapag ginusto mo ito, ramdam ko rin naman lo na mukhang walang gana ng makisama si Aliya sa asawang kuno nyang yun eh!" confident na sambit ni Liam

"asawang kuno? tila kakaiba ang iyong winika apo?" takang tanong ng matanda sa lintaya ni Liam

"Ibig sabihin po ng asawang kuno lo ay parang nagpapanggap na asawa lang nya yung si Mateo Abelino na yun!" paliwanag ni Liam

"Paano ka naman nakakasiguro apo sa iyong mga paratang laban sa ginoong iyon na di mo pa nakikita?" kwestiyon ng matanda kay Liam

"Malalaman ko rin yan lo bukas kay Aliya mismo!" taas kilay na sabi ni Liam

Samantala...

Alas-diyes na ng gabi...

Hindi pa rin madapuan ng antok si Aliya kahit na siya nakahiga na sa kanyang kama, isang dahilan ay ang ginawa ng estrangherong lalaki kakakilala pa lang nya..

"Bakit ganoon ang aking nararamdaman sa lalaking iyon? Tila ba ay siya ay mahalaga sa akin kahit na ngayon ko pa lang siya nakilala!" sambit ni Aliya sa kanyang isipan

Biglang tumunog hawakan ng pintuan at nagtalukbong bigla ng kumot si Aliya para magpanggap na tulog..

Habang papalapit ang yabag sa tabi ng kama nya, tahimik lang syang nakikinig sa kung ano ang sasabitin ng taong nasa loob ng kanyang silid..

"Tunay nga natulog ka na ng maaga Aliya, mahal kong asawa, patawarin mo ako kung ako ay labis na nagalit sa mga kinikilos mo, ako ay labis lang nag-aalala kapag ikaw ay lumabas ng bahay na ito, naway ako ay iyong maintindihan sa aking ginagawa para sayo!" sabay hawak sa buhok ni Aliya ang ginoong si Mateo, matapos ay naglakad na ito palabas

Nang magsara na ang pinto at wala ng yabag na naririnig, inalis ni Aliya ang kumot sa kanyang mukha at inayos ang kanyang upo

"Ano na namang kahibangan ang nais iparating ng lalaking iyon? Tila sa mga nagdaan araw at buwan napapansin kong lagi na lang akong sinasaktan ng Mateo iyan? Pakiramdam kong di asawa ang turing sa akin ng lalaking yun!" nagdadalawang isip na si Aliya sa nadidiskubreng niyang ugali ni Mateo

Kinabukasan ng alas-syete ng umaga..

Maagang naghanda ng agahan si Mateo para sa kanyang asawa na lagi nyang gawi, ngunit tila hindi nalabas ng kwarto si Aliya..

Naiinip na si Mateo dahil hindi naman ito gawi ng kanyang asawa na bumangon ng tanghali, pinatawag niya si Elena

"Bakit po senyor?" tanong ni Elena kay Mateo

"Gisingin mo nga si Aliya, di naman ganyan iyan nagpapahuli sa paggising ng maaga!" utos ni Mateo kay Elena at agad agad itong nagpunta sa kwarto ni Aliya

Pagbukas nya ng kwarto agad agad nyang binuksan ang pintuhan ng makitang walang laman ang silid ni Aliya, nataranta na si Elena at may nakita siyang liham sa nakapatong sa kama ni Aliya, binasa nya ito

Nilalaman ng Liham..

Elena, alam kong ikaw ang uutusan ni Mateo para gisingin ako, alam kong natataranta ka na kung bakit ako wala ngayon sa aking silid, huwag kang mag-alala aking kaibigan, ako lang naman ay maglilibot lang sa Santa Cecilia, babalik rin ako mamaya bago ang tunog ng kampana mamayang alas-diyes ng gabi, pakisabi na lang kay Mateo na ayaw kong magpa-istorbo sa aking pamamahinga kaya kung pupwede wag na muna siya pumasok sa aking silid por pabor Elena, ikaw bahala magsabi sa kanya hanggang sa makauwi ako mamayang gabi! Salamat kaibigan!

-Aliya

"Naku Aliya, anong pumasok sa iyong kokote at naisipan mong tumakas ng walang paalam na naman!" sambit ni Elena sa kanyang sarili

Sa Bayan ng Santa Cecilia..

Nagbihis si Aliya ng ordinaryong kasuotan ng mga kababaihan sa Santa Cecilia upang siya hindi mamukhaan ng mga tao doon

"Kay sarap talagang maglamiyerda ng walang nakamata sa iyo, iyong iyo ang oras at araw mo sa pamamasyal na walang limitasyon!" masayang sambit ni Aliya habang naglalakad lakas sa palengke ng Santa Cecilia

"Tila napaaga ata ang desisyon mong lumamiyerda magandang dilag!" napatigil si Aliya sa paglalakad at lumingon siya taong nagsalita at laking gulat niya si--

"Ginoong Liam?" nagcrossarms si Aliya ng makita si Liam na ang lapad ng ngiti nakatingin sa bagong ayos ni Aliya na tila isang simpleng dalaga ng Santa Cecilia na nakalugay ang buhok

====================================

Next: Chapter 22

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now