Chapter 37

6 2 0
                                    

Ilang minuto matapos makaalis ni Patricio ay nahimasmasan na si Aliya..

"Liam?" tawag pansin ni Aliya kay Liam

"Oh? Okay ka na?" sambit ni Liam kay Aliya

"Medyo, nasaan na nga pala si Patricio?" tanong ni Aliya

"Kakaalis lang, sa muling pagkikita na lang natin siya makakausap muli, labis ka ng nasaktan sa nangyari kay Elena eh" sambit ni Liam sa kanya

"Masakit pa rin kasi na buong akala mo na okay ang kaibigan mo sa mansyon, yun pala mababalitaan mong wala na siya.." paliwanag ni Aliya kay Liam

"Makakayanan mo rin ito, ano pa at sobrang tapang mo at daig mo pang babae kung kumilos kung magpapatalo ka lang di ba?" pagbibigay ng suporta ni Liam kay Aliya

Ngumiti naman si Aliya sa kanya..

"Yan dapat lagi kang nangiti, di bagay sayo ang naiyak at nakakunot ang mukha!" pagpapataw ni Liam

"Wala ka ng ginawa kung di magbiro!" sagot ni Aliya

"Birong totoo! Eh totoo naman!! Nakakapangit ang laging nakakunot at salubong ang kilay, kailangan lagi nakatawa ng ganyan!" di na tinigilan ni Liam si Aliya hanggang sa --

"Mabuti pa kumain na tayo!" sabay hila ni Aliya kay Liam para saluhan si Lolo Generoso sa hapag

Samantala....

Nakapabalik na ng maayos si Patricio sa bahay ng mga Abelino ng makita siya ng senyor..

"Oh Patricio? Tila ginabi ka na ng uwi? Saan ka nanggaling?" takang tanong ni Mateo kay Patricio

"Dyan lang ho senyor sa bayan, nagbabakasakaling mahanap ko rin ang senyorita!" sambit ni Patricio sa senyor

"Ganun ba? Huwag mo ng pagkaabalahan pang hanapin ang nawawala dahil nagpatulong na ako sa mga guwardiya sibil at sa Alferez na mahanap ang pasaway kong asawa at ang tumulong sa kanyang tumakas, tatlong araw na ang nakakalipas, ngunit nakakasiguro akong matutunton siya ng mga guwardiya sibil!" sambit ng senyor kay Patricio

"Masusunod po senyor!" sabay yuko ni Patricio

"Pumasok na sa loob!" sambit ng senyor sa kanya at nagmadali itong pumasok sa loob

Habang nainom ng vino ang senyor ay inilibas nya muli ang isang maliit na bagay na tila pagmamay-ari ni Aliya at pinagmasdan tong muli..

"Malapit lapit ka na ring bumalik sa akin mahal ko! Sisiguruhin ko na di mo ito magagawang makuha dahil parte itong pirasong bagay ito sa tunay mong pagkatao!" sambit ni Mateo

Tila nakamashid si Patricio sa may pintuan at nakita ang hawak ng senyor..

"Isang singsing na pagmamay-ari ni Aliya na susi sa kanyang tunay na pagkatao, iyan na ata ang binanggit sa akin ni Elena bago siya malagutan ng hininga!" sambit ni Patricio sa kanyang sarili at pumasok na muli sa loob ng bahay para di mapansin ng senyor na siya ay nakamashid

Sa Bahay ni Lolo Generoso

"Lo?" tawag ni Liam kay Lolo Generoso na papahiga na

"Bakit apo?" tanong ng matanda

"Nakita nyo po si Aliya?" tanong ni Liam

"Baka nasa taas na apo, tignan mo na lang at ako ay matutulog na!" sabay talukbong ng kumot ng matanda

"Sige po lo, salamat po!" sambit ni Liam at pumanik na siya sa taas at tama nga ang kanyang lolo na naroon nga si Aliya nakaatulala sa bintana, pinagmamasdan ang liwanag ng bituin

"Tila bay tutunawin mo na ang buwan sa lagkit ng tingin mo sa kanya!" sambit ni Liam sabay upo sa tabi ni Aliya at tumingin rin sa buwan

"Parang nung ikaw rin nung isang gabi, tinutunaw rin sa tingin ang buwan!" sagot naman ni Aliya, nakatingin pa rin siya sa buwan

"Palagay ko ang buwan ang nakakapagbigay ng gaan at katahimikan sa atin kapag siya ay ating pinagmamasdan, walang sing kalmante ng buwan kaya nais rin natin siya tularan kung paano na siya lumiwanag sa kabila ng kadiliman nakapalibot sa kanya!" kwento ni Liam kay Aliya

"Pansin ko lang na para tayong mga sirang plakang nakatitig lamang sa buwan na gabi gabi ganto ang ating ginagawa sa tuwing may nadidiskubre tayong nakakagimbal at nakakatakot na pangyayari!" natatawang sambit ni Liam sabay tingin kay Aliya

"Siyang tunay! Nababaliw na ata ako sa kakaisip kung bakit nangyayari ang lahat ng ito!" tumingin rin si Aliya kay Liam at nagtagpo ang kanilang mga mata

"Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na dumarating nanatili akong matatag at di nawawalan ng pag-asa na isang araw ay maging maliwanag rin ang lahat!" di mawala ang tingin ni Liam kay Aliya

"Ako ay magiging matatag rin kahit na tila ba ay nadurog na ang aking puso sa pagkawala ng aking kaibigan, ngunit dahil sa pagbibigay lakas mo, ramdam ko sa aking sarili na makakaya ko to!" tila ba ay tumigil ang mundo ni Aliya

Tumagal ang titigan nila Liam at Aliya na para bang silang dalawa lang ang nasa bahay na iyon, unti unting naglalapit ang kanilang mga mukha hanggang sa --

"Lumabas ang mga tao riyan kung ayaw nyong masunog ng buhay!!" isang sigaw mula sa labas ang umalingawngaw sa tahimik na paligid

Napahinto si Aliya at Liam..

"Anong meron?" tanong ni Aliya kay Liam

"Hindi kaya--" bago pa makapagsalita si Liam

"Apo!!!! Bumaba kayo madali!!!" sigaw ni Lolo Generoso mula sa baba

Nagmamadaling bumaba ang dalawa sa baba at nakita nila si Lolo Generoso na hawak na ng mga --

"Guwardiya Sibil!!" sambit ni Liam ng makita ang isang grupo ng guwardiya sibil sa loob ng pamamahay ng kanyang lolo, agad nagtago sa likuran ni Liam si Aliya na takot na takot

"Tila ba ay pinapaboran kami ng tadhana at dito pa namin matatagpuan ang pobresitang asawa ni Senyor Mateo!" natatawang sambit ng isang guwardiya sibil

"Anong ibig niyong sabihin?" patay malisyang sambit ni Liam sa mga guwardiya sibil

"Tila mga tonto ang mga indiong tulad mo na di marunong umintindi, mabuti pa ay ilabas mo na mula sa iyong likuran si Aliya?" utos ng namumuno sa grupo ng mga guwardiya sibil

"Anong pinagsasabi nyo mga tontong guwardiya sibil na parang mga tutang sunod sunod sa mga utos ng mga patapobreng senyor? Anong akala nyo sa akin kukunin ko sa senyor na iyon ang kanyang asawa? Nagkakamali kayo! Asawa ko ang nasa likuran ko kaya pwede ba mawalang galang na umalis na kayo rito at pakawalan nyo na ang lolo ko!!!" matapang na sagot ni Liam na ikinagulat naman ni Aliya, sabay hampas sa balikat ni Liam, lumingon si Liam sa kanya

"Anong asawa mo!?" pinandilatan ni Aliya si Liam, kinindatan naman siya nito

====================================

Next: Chapter 38

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now