Kinabukasan...
Naghahanda na si Aliya at Liam na bumaba sa bayan..
"Apo? Sigurado na ba kayong bababa kayo ng bayan?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam
"Wag po kayong mag-alala lo, mag-iingat po kami ni Aliya, tsaka nakapang lalaking kasuotan si Aliya kaya di po sya makikilala ng mga tao sa bayan!" pagsisiguro ni Liam
"Lo, mag-iingat po kami, lalo na po ako, gusto ko lang naman po makibalita sa nangyayari sa mga kaibigan ko sa mansyon, tsaka nandyan naman po ang apo nyo!" sambit ni Aliya kay Lolo Generoso
"Alam ko mag-iingat kayo, ngunit nangangamba ako dahil si Mateo Abelino ay di pangkaraniwang senyor ng Santa Cecilia, sya ay maraming koneksyon!" paalala ni lolo Generoso sa dalawa
"Alam po namin yun lo, saglit lang po kami pagkatapos ay babalik na rin kami, pangako!" sambit ni Liam sa kanyang lolo
"Ganyan ba talaga ang ugali ng mga makabagong tao?" tanong ni Lolo Generoso
"Lo, masasanay rin po kayo sa ugali ko!" sambit ni Liam
"Hay bahala na kayo, kayo talagang mga kabataan kayo oo!" wala ng nagawa si Lolo Generoso at pinayagan na rin ang dalawa sa plano nila
Samantala....
Dumating ang isang grupo ng guwardya sibil sa tahanan ng mga Abelino upang makipagkita sa senyor...
"Buenas Dias mga magigiting na Alagad ng Kapayapaan, tuloy kayo sa aking tahanan!" malugod na sinalubong ng senyor ang isang grupo ng guwardya sibil sa pangunguna ng Alferez
"Buenas Dias! Senyort Abelino!!" pagbati ng Alferez
"Mabuti naman Alferez ay pumayag ka sa aking nais at di ka na nagdalawang isip!" masayang sambit ng senyor sa Alferez
"Ipagpaumanhin mo ang aking inasal nung isang araw ng dumulog ka sa aking tahanan!" yumuko ang Alferez bilang paghingi ng pasensya
"Wala na yun butihing Alferez lalo pa ngayon ay talagang handa na ang iyon grupo ng mga guwardiya sibil sa aking ipagagawa!" sambit ng senyor Mateo
"Malugod po namin susundin ang inyong utos doktor Abelino!" sambit nung isang guwardya sibil
"Bueno!! Nais kong halughugin nyo ang buong bayan ng Santa Cecilia para mahanap ang aking nawawalang asawa na si Maria Aliya Abelino y Flores!!" utos ng senyor sa mga guwardiya sibil
"May larawan ho ba kayo senyor sa wangis ng inyong asawa?" sambit ng isa pang guwardiya sibil
"Wala akong larawan nya, ngunit alam kong madali nyo siyang mahahanap dahil siya ay may kakaibang ganda na parang isang Mestiza de Sangley" sambit ng senyor
"Ngunit senyor, mayroon po ba kayong ideya kung papaano siya nakalabas ng inyong bakuran?" tanong ng Alferez
"Malakas ang aking kutob na may tumulong sa kanya upang tumakas sa bahay na ito!" sambit ng senyor Mateo
"Ano po ang nais nyo naming gawin sa tumulong sa inyong asawa senyor?" tanong ng isa pang guwardiya sibil
"Kung meron man tumulong dahil ramdam kong may tumulong sa kanya, kaya ang gagawin nyo ay iharap nyo sa akin ang sinong indiong tumulong kay Aliya para makatakas! Intiendes?" sambit ni Mateo
"Si senyor! Masusunod!" yumuko lahat bilang pagsang-ayon sa ipinag-uutos ng senyor
"Bueno! Humayo na kayo at balitaan nyo na lang ako sa magiging resulta nyo ng paghahanap kay Aliya!" at umalis na ang isang grupo ng guwardiya sibil
Habang nagwawalis si Patricio malapit sa pintuan ng mansyon bigla syang napahinto ng makita ang isang grupo ng guwardiya sibil..
"Hindi maganda ito, gumamit na ng kapangyarihan ng gobyerno ang senyor, ang guwardiya sibil! Santa maria!! Kailangan ko na talaga makita ang senyorita bago pa maunahan ako ng mga guwardiya sibil!" sambit ni Patricio sa kanyang sarili at agad nya itinabi ang kanyang walis at nagmamadaling umalis ng mansyon
Samantala...
Kagubatan ng Santa Cecilia..
Tahimik na binabaybay nila Liam at Aliya ang kagubatan pababa ng bayan ng Santa Cecilia..
"Mukhang kabisado mo itong kagubatan kahit na ilang araw ka pa lang namamalagi rito?" sambit ni Aliya kay Liam
"Marahil di naman mahirap makabisado ang kagubatan ito, kaya naging madali na rin sa akin ang lumabas pasok sa bayan ng Santa Cecilia!" pagmamalaki ni Liam habang sabay silang naglalakad pababa.ng bayan
"Para sa isang misteryosong ginoong katulad mo, labis mo akong pinapahanga sa bilis mong makibagay sa lugar na ito!" hangang sagot ni Aliya kay Liam, tumingin naman si Liam sa kanya
"Tunay nga kahanga hanga ang isang tulad ko, ngunit mas maipapamalas ko ang aking kakisigan sa ibang bagay kapag bumalik na sa aking piling ang aking pinakamamahal!" tanging sambit ni Liam kay Aliya
"Aiyana ba ang kanyang ngalan?" tanong ng ni Aliya at napatigil si Liam sa paglalakad at humarap sa kanya
"Aiyana Flores, isang mestizang dalaga na sobrang tapang at kisig sa lahat ng bagay, kahit na solong anak lang sya, matapang siya, akala ko nga di gagana sa kanya yung tangka kong pagpapatiwakal eh" kwento ni Liam kay Aliya, seryoso naman ito nakikinig sa kwento
"Nagpatiwakal ka?" nagulat si Aliya sa sinabi ni Liam na iyon
"Muntik na, pero paraan ko lang naman yun para mapapayag ko siyang ligawan ko siya dahil simula nung una ko siyang makita, nagbago ang lahat sa akin, parang isang mahika ang nangyari sa akin ng makilala.ko siya, matalinong babae siya, laging nangunguna sa klase namin!" pagmamalaki ni Liam kay Aliya
"Ibig sabihin ikaw ang unang nahulog sa kanya?" tanong ni Aliya
"Parang ganun na nga, alangan naman siya! Ni hindi nga ako pinapansin nun eh! Kailangan ko pang ilagay sa alanganin ang buhay ko para mapansin nya ako eh! Kailangan palang magpakamatay muna kunwari para mapansin nya ang aking intensyon sa kanya!" sambit ni Liam, natawa naman si Aliya sa sinabi ni Liam na iyon
"Talagang itutuloy mo yung balak mong kung di siya pumayag?" si Aliya
"Talagang itutuloy ko yun, isa akong lalaking may isang salita eh mukhang bumigay na rin siya sa akin kaya ayun!" pagmamayabang ni Liam kay Aliya, hinampas na naman siya ni Aliya
"Ngayon ko lang naman nalaman na may pagkahambog ka pala, yung tipo bibigay ang isang babae para sayo?" sambit ni Aliya matapos hampasin si Liam sa balikat
"Ganyan ang ugali nya! Manghahampas ng bigla!" sabay himas ni Liam sa balikat nyang naisahan na naman ni Aliya
"Tara na nga bago pa tayo abutan ng tanghali sa daan napakainit pa naman ng panahon!" sabay hila ni Aliya kay Liam pababa ng bayan
====================================
Next: Chapter 35
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...