Chapter 28

8 2 0
                                    

Mabilis na nakalabas ng bayan sila Liam habang kalong kalong si Aliya..

"Liam? Baka nahihirapan ka na pwede naman akong maglakad tutal nasa labas na tayo ng bayan eh?" suggest ni Aliya kay Liam

"Okay lang, kaya pa naman eh, baka sumakit na naman yang paa mo kapag ibinaba kita, kita mong napakatarik ng gubat na ito papunta kila lolo Generoso!" sambit ni Liam habang patuloy silang naglalakad sa kalaliman ng gabi

"Baka nakakabagal ang pagpasan mo sa akin, baka mahuli pa tayo ng gwardiya sibil, alam kong kahit sa kagubatan nag-iikot ito!" pag-aalalang sagot ni Aliya

"Kaya ko to okay? Kaya Aliya hayaan mo na lang akong pasanin ka hanggang sa makaabot tayo ng ligtas sa bahay ni Lolo Generoso!" sambit ni Liam at nanahimik na lang si Aliya at nagpatuloy sila sa paglalakad sa gitna ng kagubatan

Ilang minuto rin ang lumipas at nakaarating na rin sila ng maayos at ligtas sa bahay ni Lolo Generoso, nakita nilang nakatanaw ang matanda sa kanyang bintana..

"Oh Apo? Bakit ngayon ka lang at bakit kasama mo muli ang binibini, di ba hinatid mo na sya pabalik?" tanong ng matanda kay Liam

"Papasok po muna kami lo, baka dumating na ang guwardya sibil pwede po ba?" sambit ni Liam at agad silang pinapasok ng matanda sa loob ng bahay

Nang makapasok na sila Liam at Aliya sa bahay ni Lolo Generoso, ibinaba na ni Liam si Aliya at pinaupo muna sa papag..

Isinara na ng matanda ang pinto at bintana dahil oras na ng pagroronda ng mga gwardiya sibil, humarap si Lolo Generoso sa dalawa..

"Bakit kasama mo muli ang binibini apo?" tanong muli ng matanda na may pag-aalala sa kanyang mga mukha

"Lolo, pauwi na po sana ako nung malaman ko mula sa katiwala ng bahay ng mga Abelino na ikinandado ng Mateo Abelino na yun si Aliya sa kanyang silid, nag-alala po ako baka mapano po siya kaya ito po.." paliwanag ni Liam sa lolo nya

"Ideya ko po ito lolo Generoso na sumama sa kanya, di ko na po kinakaya ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Mateo, di ko po lubos maisip na ganun po pala siya kapag siya ay sinusuway at sa totoo po yan ay di ko po maintindihan ang sarili ko na para po bang di ko maramdaman sa kanya ang sayang hinahanap ko po.." paliwanag naman ni Aliya kay Lolo Generoso, napatingin ang matanda kay Liam

"Aliya, apo? Di ka ba natatakot na baka hanapin ka ng Mateo iyon dahil tumakas ka muli sa poder nya?" tanong ni Lolo Generoso kay Aliya

"Natatakot po lolo, kaso di ko po talaga maintindihan na para bang may nagtutulak sa akin na tumakas at sumama kay Liam na kahit delikado, naguguluhan po talaga ako!" sagot ni Aliya sa matanda

"Lo, pwede po bang maghapunan na muna po kami bago nyo po kami tanungin sa nangyari, kumakalam na po kasi eh!" sabay hawak ni Liam ng tyan niya na ikinatawa ni Aliya

"Bueno, kumain na nga muna kayo rito at nag-iwan na ako ng tirang pagkain, Aliya, apo, sanay ka ba sa simpleng pagkain lamang? Di kasi ako marangyang tao tulad ng asawa mong si Mateo, okay lang ba sa iyo?" tanong ng matanda sa kay Aliya

"Wala pong problema sa akin kahit ano pong kainin di naman po ako maselan katulad ni Mateo, kaya okay lang po sa akin ang simpleng pagkain, salamat po lolo Generoso sa pagpapatuloy sa akin dito sa munting tahanan nyo ng biglaan" simpleng sabi ni Aliya

Napansin ng matanda na nakatitig lang si Liam kay Aliya habang kausap siya..

"Aliya, halika na kumain at mukhang busog na si Liam sa kakatitig sa maamo mong mukha!" sambit ni Lolo Generoso, napahiya ng bahagya si Liam sa sinabi ng matanda

"Lolo naman eh!" kamot ulo na sabi ni Liam na ikinangiti ni Aliya ang ekpresyon ng mukha ng binata

Sabay sabay na silang nagsikainan dalawa habang si Lolo Generoso ay naghahanda na ng matutulugan ng dalawa..

Habang nakain ang dalawa ng tahimik..

"Aliya?" tawag pansin ni Liam kay Aliya

"Bakit?" tugon ni Aliya

"Pagpasensyahan mo na si Lolo kung sobrang dami nyang tanong ah!" paghingi ng pasensya ni Liam kay Aliya, ngumiti lang si Aliya sabay subo muli ng kinakain

"Wala naman sa akin yun, ako nga dapat humingi ng dispensa dahil naabala ko kayo ng lolo mo sa pagtakas kong ito, paumanhin kung biglaan ang aking desisyon na umalis sa pamamahay na iyon!" sambit ni Aliya sabay inom ng tubig

"Wala naman problema sa akin yun, kung pwede nga lang iuwi na kita sa kasalukuyan ginawa ko na yun eh kahapon pa!" bulong na sabi ni Liam ngunit narinig ni Aliya yun

"May binubulong ka ata?" takang tanong ni Aliya kay Liam, napakamot ng ulo si Liam

"Wala, ang sabi ko, walang problema sa akin na tulungan kitang tumakas doon di ba? Ano pa at kaibigan mo ako kung di kita tutulungan di ba?" palusot na sabi ni Liam

"Tama ka naman don!" simpleng sabi ni Aliya

"Tapusin na nga natin kumain baka mapagalitan pa tayo ni lolo nyan eh, alam ko sa panahon ito di dapat nagkukwentuhan habang nakain kaya mabuti pa tapusin na natin kumain!" sambit ni Liam at nagpatuloy na silang kumain

Matapos kumain ng dalawa, si Liam na ang naghugas ng pinggan..

"Sigurado kang ikaw na maghuhugas pwede naman ako na ang maghugas?" prisinta ni Aliya

"Wag na ako na, bisita ka dito kaya nakakahiya kung sayo ko pa iatang tong simpleng gawain ito!" sambit ni Liam kay Aliya habang abala kaghugas ng pinggan

"Bibihira ang ganyang mga lalaki na marunong maghugas ng pinagkainan, si Mateo di mo mapaghuhugas yun, masyadong mitikoloso ng taong yun, di ko rin maintindihan bakit sobrang kakaiba ang turing nila sa mga ordinaryong tao, pare-pareho lang naman tao tayo di ba?" kwento ni Aliya kay Liam

"Di mo talaga maiintindihan ang pamumuhay sa panahon ito dahil di ka naman talaga kabilang sa panahong ito, kagaya ko!" say ni Liam kay Aliya

"Ayan ka naman eh, gaya ng sinabi ko sayo di ako yung babaeng tinutukoy mo nung una tayong nagkita" sagot naman ni Aliya pabalik

"Hindi naman kita pinipilit kung di pa talaga maliwanag ang lahat sa iyo, palagay ko may dahilan ang lahat bakit nangyayari to!" sambit ni Liam at tumahimik na lang siya at tinapos na lang ang paghuhugas ng kanilang pinagkainan, sabay akyat sa isang kwarto sa munting kubo

Kabababa lang ni Lolo Generoso sa kwartong iyo kung saan pumasok si Liam..

Takang taka si Aliya bigla na lang siya hindi kinibo ni Liam..

"Lolo Generoso, ano pong problema ni Liam? Bigla na lamang po ako hindi kinibo matapos maghugas ng pinagkainan namin?" takang tanong ni Aliya sa matanda

"Marahil nangungulila pa rin sa babaeng kanyang mapapangasawa sana ngunit bigla na lang ito nawala sa kanya!" simpleng sabi ni Lolo Generoso kay Aliya

"Mapapangasawa?" tanong ni Aliya

====================================

Next: Chapter 29

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now