Hapunan
Nasa harap na ng hapag si Mateo at nakahanda na ang makakain, ilang minuto pa ay lumabas na si Aliya..
"Akala ko hindi ka na lalabas sa silid mo?" tanong ni Mateo, umupo na lang ng walang imik si Aliya at kumain ng tahimik
"Mahal ko, patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo kanina, di ka kasi nagpapaalam kung saan ka pupunta!" panunuyo ni Mateo kay Aliya
"Isang taon mo na akong ginagawang prisonera sa loob ng tahanang ito, Ni hindi ko man lang makita kung anong meron sa labas ng apat na sulok ng bahay na to, ngayon na nakatikim na ako ng sinag ng araw ngayon mo ako pagbabawalan.." sumbat ni Aliya kay Mateo
"Ano bang meron sa labas ng bahay na ito na wala dito sa loob na hindi ka makuntento? Hindi normal para sa asawa ng kilalang doktor at ginoo sa bayan ito ang nakikitang palabas labas lang sa bahay na ito na hindi ko namamalayan!" medyo nagtaas na naman ng boses si Mateo kay Aliya
"Pagpasensyahan mo na ang napangasawa mo ay hindi marunong makuntento sa apat na sulok ng bahay na ito!! Nawalan na ako ng gana!!" nagpunas na ng labi si Aliya at dali daling tumayo at naglakad pabalik sa kanyang kwarto at padabog na sinarhan ito
"Hay! Bakit ba naibigan ko pa ang matapang na babaeng ito ng makabagong panahon!?" bulong ni Mateo sa sarili
Samantala...
Matagumpay na nakasampa sa bakod si Liam at dahan dahan bumaba, tahimik syang naglalakad para di mapansin ng mga tao roon..
Habang nagmamasid sa paligid napansin nyang may nakabukas na bintana malapit sa may hardin, napansin niyang biglang may dumungaw na babae, lumapit siya ng kaunti para maaninag ng maayos ang babae, nang sya makalapit na, nagulat siya kung sino ito..
"Sinasabi ko na ba ikaw rin ang una kong makikita sa liwanag ng buwan na ito.." sambit ni Liam sa sarili
Nakadungaw lamang sa bintana si Aliya habang pinagmamasdan ang napakagandang buwan na lumiliwanag sa dilim..
"Sa loob ng isang taon pagkakakulong ko sa bahay na ito, ngayon ko lang naranasan maging malaya kahit sa sandaling oras na iyo, nakita ko ang ganda at saya sa labas ng piitang ito, ngunit bakit pakiramdam ko na hindi ako kabilang sa mundong ito?" tanong ni Aliya habang nakatingin sa kawalan ng biglang--
"Dahil hindi ka talaga nabibilang sa mundong ito binibini!" nagulat si Aliya ng may nagsalita, lumingon sya sa may kaliwa at nakita nya ang pamilyar na lalaki
"Ikaw na nama? Anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok!?" tanong ni Aliya
Sumampa si Liam sa bintana para makapasok sa silid ni Aliya..
"Anong ginagawa mo sabi dito!?" naiinis na tanong ni Aliya kay Liam, nginisian nya lang ito at umupo sa may gilid ng bintana
"Narinig kong nagdadalawang isip ka kung kabilang ka ba talaga sa mundong ito o hindi" sambit ni Liam, nagulat si Aliya na narinig pala ni Liam ang mga pinagsasabi nya kanina
"At bakit ka nakikinig sa pinagsasabi ko ah!!" sabay hampas ni Aliya kay Liam sa balikat
"Namiss ko yan ah? Yang mga pahampas na ganyan! Di ka pa rin nagbabago, magaan pa rin yang kamay mong yan!" ngiting sabi ni Liam kay Aliya na lalong ikinainis nito
"Ang sabi ko anong ginagawa mo dito!?" tanong muli ni Aliya
"Gusto mong makita ang ganda ng Santa Cecilia?" tanong ni Liam sa kanya
"Bakit naman?" tanong pabalik ni Aliya
"Tinatangon nga kita, gusto mo bang makaranas muli lumaya sa piitang ito?" tanong muli ni Liam kay Aliya
"Gusto, kaso may nakamatang asawang napakaistrikto dinaig pang ama kung umasta!" nagcrossarms si Aliya at nag pout, natawa si Liam sa itsura nito
"Grabe! Yang nguso mo kulang na lang humaba sa inis mo sa asawa mong yan! Teka nga? Talaga bang asawa mo ba yang sinasabi nilang tanyag na doktor na yan ng Santa Cecilia? Alam mo kahit hindi ko pa nakikita yang sinasabi mong asawa mo, palagay ko mas makisig ako don!" pagmamalaki ni Liam sa sarili
"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo Ginoong mataas ang tingin sa sarili!" banat ni Aliya kay Liam
"FYI!! Senyorita Maria Aliya Abelino y Flores, alam kong ikaw yan Aiyana, kaya wag mo nang ipagkaila na mas makisig ako sa asawang kuno mong iyon!" sambit ni Liam kay Aliya
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako yung babaeng hinahanap mo!!" pandiin na sinabi ni Aliya kay Liam mata sa mata
"Di ako maaaring magkamali sa aking kutob na ikaw ang babaeng hinahanap ko!" buwelta pabalik ni Liam kay Aliya
"Sabi ng hindi!! Pwede ba kung wala kang matinong sasabihin, pwede ba umalis ka na!" pagtaboy ni Aliya kay Liam
"Sandali lang! Eto naman, grabe mantaboy ng bisita!" say ni Liam
"At sinong may sabi na bisita kita rito na kanina ko lang naman nakilala aber!!" sambit ni Aliya
"Okay okay fine! Titigil na ako mangulit sayo, eto na lang! Gusto mo bang tumakas at makita muli ang mundo sa labas ng tahanang ito?" tanong ni Liam
"Ang kulit naman ng lalaking to, paano naman ako makakatakas sa mga mata ng mapanakit na asawa na yun hah!?" tanong ni Aliya kay Liam
"Napakasimple ng problema mo senyorita, itatakas kita!" simpeng sabi ni Liam kay Aliya, nanlaki ang mata ni Aliya
"Ano?" si Aliya
"Itatakas kita dito, kung gusto mo ngayon na eh!" yaya ni Liam kay Aliya
"Pero paano, alangan naman sumampa ako sa napakataas na bakod na yan hah?" reklamo ni Aliya kay Liam
"Eto na lang! Bibigyan kita ng oras para makapag-isip okay? Hanggang bukas ng gabi gantong oras babalik ako rito, sana bukas ng gabi may desisyon ka na!" nagbigay ng panahon si Liam kay Aliya para makapag-isip
"Seryoso ka dyan sa sinasabi mo at ako pa talaga ang binigyan mo ng oras para mag-isip eh ngayon lang naman tayo nagkakilala ah!" reklamo ni Aliya kay Liam, ngitian nya lang ito
"Maniwala ka sa akin Aliya, matagal na tayong magkakilala, makalimot man ang isip, pero ang puso hindi!" sabay turo ni Liam sa kanyang dibdib
"Ang dami mong salita, umalis ka na nga baka may makakita pa sayo rito, ikulong ka pa sa kwartel nyan! Alis na!" sambit ni Aliya kay Liam
"Bueno! Aasahan ko ang iyong sagot bukas ng gabi Aliya, adios!" sambit ni Liam kay Aliya sabay mabilisang hinalikan ang pisngi ni Aliya na ikinagulat nito sabay talon sa bintana
"Hoy!! Hindi makatarungan yang ginawa mo!!" sigaw ni Aliya kay Liam, lumingon si Liam sa kanya
"Pasalamat ka hindi kita hinalikan sa labi Aliya, tandaan mo! Natural na sa iyo ang gawi kong yan, di man maalala ng isip mo, malakas ang paniniwala kong matatandaan yan ng puso mo!" huling sambit ni Liam at nagmadali na siyang sumampa sa bakod dahil naikot na ang mga bantay sa bahay ng mga Abelino
Imbis na sigawan muli si Liam, hinayaan na lang nyang makatakas ito, sabay dampi sa kanyang kanang pisngi na ninakawan ng halik ng estrangherong kakakilala pa lang nya
"Bakit ganon? Hindi inis o irita ang naramdaman ko sa halik na iyon kung di saya at pagmamahal?" tanong ni Aliya sa kanyang isipan
====================================
Next: Chapter 21
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
Fiksi PenggemarA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...