Taon 1890
Sabay nag-aagahan sila Don Mateo at Maria Aliya, di mapigilang di hawakan ng senyor ang kamay ni Aliya, ngunit inilayo agad ito ni Aliya..
"Bakit mahal ko?" takang tanong ni Mateo kay Aliya
"Wala, parang gusto ko munang magpahangin sa labas, maaari ba?" hingi ng permiso ni Aliya kay Mateo
"Walang problema mahal kong asawa, sapagkat ako'y aalis lang saglit para pumunta sa mga kasamahan kong mga doktor sa isang pagtitipon kasama ang Alkalde ng Bayan ng Santa Cecilia, bueno, maiwan muna kita!" sambit ni Mateo sabay halik sa ulo ni Aliya
Hindi mawari kay Aliya ang kanyang mga napapanaginipan at pumapasok sa kanyang isipan, napagpasyahan na lang niyang magpahangin sa hardin..
Sa Hardin ng Abelino..
Umupo muna si Aliya sa may upuan bato malapit sa isang puno roon at biglang humampas ang hangin, isang malamig na samyo ng hangin ng bigla na lang niyang naalala ang kanyang napanaginipan kagabi..
"Bakit kaya pamilyar sa akin ang lugar na nasa aking panaginip?" tanong niya sa kanyang sarili
"At sino ang lalaking iyon na kasama ko sa lugar na para bang napakaimportante sa akin? At kasama ang lalaking iyon?" pilit na iniisip ni Aliya ang kanyang napanaginipan hanggang sa--
"Senyora?" napatigil sa pag-iisip si Aliya ng tawagin siya ni Elena
"Senyorita na lang, napakabata ko pa para tawaging senyora!" sambit ni Aliya kay Elena, umupo ito sa tabi ni Aliya
"Tila ikaw ay may malalalim na iniisip, matagal ko ng napapansin na tila tumatabang ang inyong pagsasama ng senyor? May problema ba Senyorita?" tanong ni Elena kay Aliya, tumingin si Aliya kay Elena na may blangko itsura sa kanyang mukha
"Noong una, maganda ang aming pagsasama ngunit noong mga nagdaan buwan na simula nung may napapanaginipan akong ibang lugar at ibang tao, tila ba ay parang may koneksyon sa akin yung mga napapanaginipan ko at yung mga alaala na pumapasok sa akin isipan, napakalabo ng kanyang itsura sa aking isipan pero bakit tila pakiramdam ko kilala ko sya.." kwento ni Aliya kay Elena, napaisip si Elena sa mga sinasabi ni Aliya
"Ano po bang pakiramdam nyo sa senyor, na ngayon tila nagiging matabang na ang iyong pagtingin sa kanya?" tanong muli ni Elena
"Di ko alam Elena, pakiramdam ko kasi may kulang na para bang may ibang tao akong gustong makasama parang ganun! Ang hirap Elena, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong isang taon namin magkasama ni Mateo.." naguguluhan na si Aliya sa kanyang nararamdaman kay Mateo
"Senyorita, kulang lang siguro kayo sa saya at pang aliw, simula kasi nung ikinasal kayo ng senyor di na kayo nakakalabas ng tahanang ito, bakit di kaya maglalabas ka naman kung minsan senyorita?" payo ni Elena kay Aliya
"Siguro nga, kulang lang siguro ako sa pasyal at aliw kaya kung ano ano ang aking naiisip, samahan mo kaya ako sa bayan at tayo ay mamili ng mga pansahog sa iluluto kong ulam mamaya bago dumating si Mateo" sambit ni Aliya kay Elena
"Di kaya mapagalitan ako ng senyor kapag ikaw ay lumabas ng tahanan nyo? Mali atang binigyan pa kita ng ideyang lumabas ng bahay" nag-aalinlangan sambit ni Elena kay Aliya
"Wag kang mag-alala Elena, ako ang bahala sa iyo, ano payag ka na?" tanong muli ni Aliya
"May magagawa pa ba ako kung samahan kita.." sambit ni Elena
"Yes!!!Thank you!!!!" biglang niyakap ni Aliya si Elena, nagulat si Elena sa kakaibang lenguahe na namutawi sa bibig ni Aliya
Kumalas si Aliya sa yakap...
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...