Pagpapatuloy..
"Singsing?"
"Yan ang singsing na ibinigay ni Anton sa akin nung niyaya nya akong magpakasal, sa totoo nyan, sobrang tanda na ng singsing na yan, di ba po ma?" sambit ni Lea
"Totoo yan apo, henerasyon na ang nagdaan kung baga, nagsimula pa raw iyan sa lola Amelia ko sabi ng Inang Alena ko, yan rin kasi ginamit na singsing ng Papang Juan ko sa kanya at di ko rin akalain na ibinigay rin ni Inang kay Julio ang singsing na iyan kaya ayun hanggang sa umabot na nga kay Anton at Lea!" kwento ni Lola Alicia sa pinagmulan ng singsing
"Ibig po palang sabihin ay nasa ikalimang henerasyon na po itong singsing na ito?" tanong ni Liam kay Lola Alicia, ngumiti ang matanda
"Tama ka don apo, kayo na ang ikalimang henerasyon na magmamay-ari ng singsing na iyan!" sambit ni Lola Alicia
"Kahit na ilang henerasyon na po ang dumaan ay napakaganda pa rin po ng singsing na ito, alam po ba ni Aiyana ang tungkol sa singsing na ito?" tanong ni Liam
"Hindi Liam, kabilin bilinan kapag kami ay nagkaanak ni Anton ng babae ay wag mo itong ipapakita o ipapaalam sa kanya, hintayin raw namin na magdalaga si Aiyana at kapag meron ng lalaking napusuan siya at kung nagtagal man at nakapagdesisyon na ang lalaki na yayain ang anak ko, dun namin ibibigay ang singsing na iyan, parang tradisyon na rin iho na ipasa pasa namin ang singsing na iyan, kaya kapag nakasal na kayo dun mo sabihin sa kanya kung saan galing yan singsing!" bilin ni Lea kay Liam, kinuha ni Liam ang maliit na kahon at ang singsing kay Lea
Pinagmamasdan mabuti ni Liam ang singsing..
"Pangako po Tita, Lola Alicia, pakaiingatan ko po itong singsing na ito hanggang sa araw na tanungin ko po si Aiyana at kapag nakasal na po kami, akin pong sasabihin sa kanya ang tungkol dito!" pangako ni Liam
"Tandaan apo, ang pagyayaya ng kasal ay di biro, dapat handa ka na talagang makasama sya habang buhay, mamahalin ang isa't isa kahit anong pagsubok ang dumating!" payo ni Lola Alicia kay Liam
"Tatandaan ko po iyon, maraming salamat po tita at Lola Alicia sa pagbibigay ng payo at sa pagsang-ayon sa aking plano para kay Aiyana, salamat rin po sa pagbibigay tiwala sa family ring nyo pong ito na kasama nyo po sa mga nagdaang henerasyon, salamat po talaga!" masayang sambit ni Liam kay Lea at Lola Alicia
"Walang anuman apo! Pitong taon na kayo ni Aiyana kaya nasa takdang edad na rin kayo para ipagpatuloy ang buhay nyo ng magkasama!" sambit ni Lola Alicia
"Kaya iho, tiisin mo ha ang ugali ng anak ko, alam mo naman yun!" say ni Lea
"Opo tita! Nagawa ko na pong tiisin ang ugali ni Aiyana ng pitong taon kaya handa na po akong alagaan at pagpasensyahan siya for the rest of my life!" pangako ni Liam kila Lea at Lola Alicia, natawa na lang si Lea at Alicia sa description ni Liam kay Aiyana
Balik sa kasalukuyan....
Bumalik si Liam sa kanyang sarili ng may tumawag sa kanya...
"Lola Amelia kayo ho pala?" sambit ni Liam ng tawagin siya ng matanda
"Ano yang iyong pinagmamasdan?" sabay lapit ni Lola Amelia kay Liam sa may lagayan ng mga alahas at salamin nito
"Itong singsing pong ito, parang may naalala po kasi ako.." sabay sulyap ni Liam sa singsing
"Yan ang singsing na ibinigay sa akin ng aking asawang si Lucio nung niyaya nya akong makasal sa kanya!" sambit ni Lola Amelia, napangiti na lang si Liam ng marinig iyon
"Tunay ngang napakaganda po ng singsing na ito kahit na ilang henerasyon na ang pagdadaanan nito!" nanlaki ang mata ni Lola Amelia ng sambitin ni Liam ang mga katagang ito
"Anong ibig mong sabihin apo?" tanong ni Lola Amelia kay Liam
"Kung di nyo po tatanungin, ang singsing na ito ay umabot na po sa limang henerasyon na salinglahi, ibig pong sabihin ang singsing po ito ay umabot na po sa amin ng inyong apong si Aiyana!" kwento ni Liam
"Tunay ba ang iyong sinambit apo? Umabot na ang singsing na ito sa panahon nyo ni Aiyana?" tanong ni Lola Amelia
"Siyang tunay po Lola!" masayang sambit ni Liam sa matanda, namangha si Lola Amelia sa tagal ng inabot ng singsing niya
"Di ako makapaniwala apo, labis na natutuwa ang aking puso na itong singsing na ito ay umabot na sa inyo na apo ko na sa talampakan, labis mo akong napasaya apo sa sinambit mong iyan dahil talagang iningatan at inalagaan ang singsing na ito sa tagal ng panahon!" labis ang saya ni Lola Amelia sa mga sinabi ni Liam sa kanya
"Iyang singsing na rin pong iyan ang ibinigay sa akin ng ina ni Aiyana at ng inyong apo na si Lola Alicia ng ako ay humingi ng permiso sa kanila na kung maaari ko nang yayain si Aiyana magpakasal!" kwento pa ni Liam
"Ngunit apo? Nasaan nga ba ang singsing iyon? Di ba ay nayaya mo na si Aiyana magpakasal? Saan na napunta ito?" sunod sunod na tanong ng matanda kay Liam, biglang nalungkot si Liam
"Na kay Mateo Abelino po Lola, ang lalaking nilason ang utak ni Aiyana na ngayon ay si Aliya na dahil sa kasinungalingan ni Mateo, itinago nya ng isang taon mahigit amg singsing na iyon, una't huling nakita ko po iyon nasa kanya po.." sambit ni Liam na may panghihinayang sabay yuko dahil nahihiya siya kay Lola Amelia
"Apo, di mo naman ginusto ang mga nangyari, sadyang sinusubok lang kayo ng tadhana, malay po may maging tulay para makuha muli iyon at sa oras na makuha mo iyon, baka iyon pa ang maging daan para bumalik muli sayo si Aiyana!" pagbibigay payo ni Lola Amelia kay Liam
Tumingin si Liam kay Lola Amelia
"Salamat po at di kayo galit sa akin dahil sa singsing.." simpleng sagot ni Liam, sinuklian ni Lola Amelia ng ngiti si Liam
"Alam kong di ka pabayang tao apo, kaya wag kang mag-alala, ang mahalaga alam mo kung nasaan iyon.." sambit ni Lola Amelia
"Salamat po ulit sa payo at pagbibigay pag-asa po Lola Amelia!" ngiting sambit ni Liam kay Lola Amelia
"O sya, halika ng maghapunan at para makapagpahinga na rin kayo ng lolo mo!" pagyaya ni Lola Amelia kay Liam
"Sige po Lola, susunod na lang po ako!" sambit ni Liam
"Sumunod ka na apo ah, masamang pinaghihintay ang hapag, bueno mauna ma ako sa iyo sa hapag ng makapaghanda ng ating hapunan! Dyan ka na muna apo!" sambit ni Lola Amelia at nagtungo na ito sa hapag kainan para maihanda ang hapunan
Dumungaw muna sandali si Liam sa bintana at pinagmasdan ang paglubog ng araw, ilang sandali pa ay nagpasya na syang sumunod sa hapag ng may isang ibon dumapo sa bintana
"Anong ginagawa ng isang ibon ng papalubog na ang araw?" sambit ni Liam at nilapitan nya ang ibon
Napansin ni Liam na may nakatali sa paanan ng ibon..
"Ano ito?"
====================================
Next: Chapter 45
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...