Nanatiling nakatingala sa liwanag ng buwan si Aliya at Liam, biglang may naalala si Liam na nasa kanyang bulsa..
Kinapa nya ito at kinuha mula sa kanyang bulsa..
"Ano naman yan?" sambit ni Aliya ng makita ang maliit na papel na nakabalot
"Di ko pa nga alam eh, may ibon na dumapo sa may bintana sa labas kanina, palubog na ang araw, kaya kinuha ko, bubuksan ko na sana, dumating bigla si Lola Amelia kay inilagay ko na lang sa bulsa ko!" palwanag ni Liam kay Aliya
"Buksan mo na, baka importante!" sambit ni Aliya
"Sigurado ka?" nag-aalangan tanong ni Liam kay Aliya
"Buksan mo na kasi baka nga mahalaga yan!" pagpupumilit ni Aliya kay Liam
Nagbuntong hininga si Liam at binuksan ang papel, biglang may nahulog na isang bagay galing sa papel..
Pinulot ni Liam ang bagay na iyon laking gulat nya ito ang --
"Ang singsing!" laking tuwa ni Liam na nakita na nya muli ang singsing
"Anong meron sa singsing na iyan?" tanong ni Aliya kay Liam
Humarap siya kay Aliya na naluluha sa saya..
"Bakit ka naman naluluha dyan? Ano bang meron dyan sa singsing na yan?" litong lito na si Aliya sa mga reaksyon ni Liam
Bago sagutin ni Liam ang katanungan ni Aliya, binasa nya muna ang sulat..
Laman ng Sulat
"Kaibigan, kung nababasa mo ito, marahil wala na ako sa mundong ito, salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan kahit na sandali lamang tayo nagkakilala, kakaiba ka sa lahat, di mo kami tinuring na mababa, gaya ng ipinangako ko sayo, gagawin ko ang lahat maibalik lamang sa iyo ang singsing na iyan, alam kong kay Aliya yan pero alam kong di Aliya ang tunay nyang ngalan, di na rin pala nagawang masabi sa inyo ang sinabi sa akin ni Elena bago siya ay mawala, sabi nya sa akin na hindi tunay na asawa ng senyor si Aliya, nilinlang ng senyor si Aliya, nakita ni Elena na suot suot ni Aliya ang singsing na iyan ng siya ay dalhin ng senyor sa mansyon ng duguan at walang malay, patawad kaibigan kung sa sulat mo na lamang nabasa ang katotohanan sa tunay na pagkatao ni Aliya, naging mabuti sa akin si Aliya, kaya! Kaibigan ipangako mo sa akin na aalagaan at poprotektahan mo siya ano mang mangyari, kaya ayan ang singsing ni Aliya, alam kong mahalaga yan sa kanya at sa iyo dahil nararamdaman ko na siya talaga ang babaeng hinahanap mo! Maraming salamat kaibigan, adios! Hanggang sa muli! Paalam!" Patricio
Napaupo na lamang si Liam sa kama at tuluyang umiyak, hindi mawari ni Aliya ang nangyayari kay Liam kay tinabihan nya ito..
"Ano bang nangyayari sayo?" pag-aalalang tanong ni Aliya sabay hawak sa kamay ni Liam habang hawak hawak nito ang sulat at ang singsing
"Wala na si Patricio, Aliya.." naiiyak na sambit ni Liam
"Liam hindi magandang biro yan?" ayaw paniwalaan ni Aliya ang sinabi sa kanya ni Liam
"Eto basahin mo ang unang istansa ng sulat para malaman mo.." pinabasa ni Liam kay Aliya ang unang istansa ng sulat, hindi na magawang ipagpatuloy ni Aliya ang pagbabasa dahil tuluyan ng bumuhos ang luha sa kanyang mga mata
"Anong klaseng buhay to!? Nagising ako tapos malalaman kong may nawala, tapos dalawa pa sila!? Una si Elena, ngayon naman si Patricio!? Sino pa ang susunod!!? Bakit ganto!!?" humagulgol na si Aliya sa labis na pighati, dalawa sa kinilala nyang kaibigan ang tuluyang namaalam
Niyakap na lang muli ni Liam si Aliya para maibsan ang labis na kalungkutan nararamdaman nito..
"Bakit ganon!!? Kailangan magbayad ng dalawang buhay para sa kaligtasan ko!!? Bakit!!? Wala naman silang kinalaman dito!!?" iyak ng iyak si Aliya habang patuloy na inaalalayan siya ni Liam
"Aliya, tahan na!! Kakagising mo lang sa mahabang pagkakatulog tapos ganto, huy! Isipin mo ang sarili mo, may dahilan ang lahat ng nangyayari, alam kong mahalaga sila pareho sayo pero kailangan natin tanggapin.." sambit ni Liam habang pinapatahan si Aliya
"Ang sakit sakit Liam ng ginawa ng hayop na Mateo yan!! Di ko siya mapapatawad!!" sambit ni Aliya
"Tahan na Aliya.." patuloy na pinapatahan ni Liam si Aliya
Matapos ang ilang minutong iyakan...
Medyo nahimasmasan na si Aliya..
"Ano pa pala ibang nakasulat sa liham?" sabay punas ni Aliya ng natitirang luha sa kanyang mga mata
"Kaya na ba ng puso mo?" tanong ni Liam kay Aliya
"Medyo.." simpleng sagot ni Aliya kay Liam
"Pwede naman bukas mo na lang basahin, dami mo ng pinagdaanan, namatayan ka na ng kaibigan, napuruhan pa ang ulo mo, nabugbog pa ako ng malala, kaya pwede bukas mo na lang basahin to?" pag-aalalang sambit ni Liam kay Aliya
"Sabagay nakakabagod ding umiyak ng umiyak, pakiramdam ko kasi parang ako ang may kasalanan sa nangyari kila Elena at Patricio, nang dahil sa akin ang inosenteng buhay nila ay nawala!" ayan na naman si Aliya paiyak na naman
"Oh! Ayan ka na naman iiyak ka na naman, sinabi ko na eh, tama ng umiyak, ang ganda ng iyong mukha ay nawawala, kung ako sayo itulog mo na lang ang iyak mong yan!" biro ni Liam, napatawa na lang si Aliya
"Ibang klase ka talaga!" sabay hampas sa balikat ni Liam
"Oh di ba? Mas maganda ka kapag nakangiti kaysa naiyak!" sambit ni Liam
"Sabagay, di ko na naman sila maibabalik sa iyak, kailangan ko na rin talagang maging matatag para sa sarili ko.." sabay tingin sa bintana ni Aliya
"Tama!" sambit ni Liam, tumingin muli si Aliya kay Liam at ngumiti
"Salamat sa pagtatyagang alagaan ako ah, pakiramdam ko kasi talaga na may kulang sa akin na kapag nandyan ka, napupunan lahat ng iyon, na para bang may sinasabi sa akin puso na matagal na tayong magkasama, di ko alam! Basta yun ang nararamdaman ko kapag kasama kita.." sambit ni Aliya kay Liam
"Kung naaalala mo na sana ang lahat, pwede na kitang iuwi sa atin, sa mama mo at sa lola mo kung pwede lang.." sambit ni Liam sa kanyang isipan
"Pahinga ka na, ngayon ay may malay ka na, maaari na akong bumalik sa kabilang kwarto.." sambit ni Liam at inilapag ang singsing at liham sa may maliit na mesa sa tabi ng kama ni Aliya
Humiga na muli si Aliya sa kanyang kama at
akmang papalabas na ng silid ng hawakan ni Aliya ang braso nya"Pwedeng dumito ka muna?" nahihiyang sambit ni Aliya
"Bakit naman? Wag mong sabihin na --" tanong ni Liam at hinampas na naman sya ni Aliya sa braso
"Kung ano ano naman yang iniisip mo, dumito ka muna, natatakot kasi akong mag-isa.." sagot ni Aliya
"Pwede naman dumito muna ako, ngunit saan naman ako matutulog niyan kung di ako babalik sa silid ko?" tanong ni Liam sabay tingin sa paligid ng kwarto dahil isang kama lang ang naroon at mesa at upuan lamang ang nandon
"Sige na, dito ka na sa tabi ko matulog.." nahihiyang sagot ni Aliya, isang malapad na ngiti ang namutawi sa mukha ni Liam at agad agad na pumuwesto sa tabi ni Aliya
Nanatiling nakatalikod si Aliya kay Liam dahil parang di siya komportable na tulad ng unang beses na magkatabi sila ni Liam sa iisang higaan..
Sumilip si Aliya sa likuran nya at nakitang tulog na si Liam na may kasamang hilik..
Napagpasyahan na rin humarap ni Aliya kay Liam..
"Kagaya ng dati, nauuna ka pa ring matulog sa akin.." sabay ayos ni Aliya ng buhok ni Liam
"Pangako aalagaan at poprotektahan kita prinsesa ko.." nagulat si Aliya sa sinambit ni Liam habang ito ay natutulog
"Prinsesa ko?"
====================================
Next: Chapter 47
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanfictionA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...