Sabay na dumating sa komedor si Aliya at Liam, naroon na sila Lolo Generoso at Lola Amelia
Umupo na si Aliya at Liam para makasabay sa agahan..
Habang nakain ng agahan...
"Mga apo kumusta naman ang tulog nyo?" tanong ni Lola Amelia
"Mabuti naman po lola, napasarap lang po ng tulog tong maganda nyong apo kaya di po agad ako nakabangon!" paliwanag ni Liam at bigla na lang siyang sinikuan ni Aliya
"Pasensya na po at nahuli po kami ng gising.." ngumiti na lang si Aliya at tumuloy sa pagkain ng agahan
Matapos ang agahan...
Nasa Azutea (Veranda) si Aliya habang binabasa ang huling liham ni Patricio..
Matapos basahin ang liham..
"Totoo nga na nilinlang lamang ako ni Mateo, hindi ko siya talaga asawa, pinaikot nya lang ako! Natagpuan nya lang ako kung saan o di kaya --" bago pa matapos ni Aliya ang kanyang sasabihin ay may nagsalita mula sa kanyang likuran
"Kinuha ka nya sa tunay mong mundo, sa tunay mong buhay at higit sa lahat sa tunay mong mahal.." nagulat si Aliya dahil buong akala nya si Liam ang nagsalita yun pala ay si Lola Amelia
Lumapit si Lola Amelia kay Aliya...
"Lola Amelia?" sambit ni Aliya ng makalapit si Lola Amelia sa kanya
"Aliya apo, yun ba ang nais mong sabihin?" sambit ni Lola Amelia kay Aliya
"Bakit may ganoong klaseng tao?" tanong ni Aliya kay Lola Amelia, tumingin sa paligid si Lola Amelia
"Marahil siguro dala ng kalungkutan, Nang labis na pangungulila o di kaya pagmamahal.." tanging sagot ni Lola Amelia
"Pagmamahal? Parang di ko po yata naramdaman kay Mateo iyon Lola?" sagot ni Aliya
"Dahil ba pakiramdam mo may kulang sa iyong pagtao ganun ba? O marahil dahil hindi talaga siya ang nilalaman ng puso mo, marahil hirap makaalala ang iyong isipan ngunit ang puso ay kailanman di makakaalimot!" sambit ni Lola Amelia sa kanya
"Pakiramdam ko po kasi na parang di ako kabilang sa mundong to, sa panahong to? may mga salita akong nababanggit na di naman akma sa panahon ito at marami ang nagtataka sa aking wangis at itsura.." kwento ni Aliya
"Dahil tunay kang kakaiba apo, alam mo kung bakit?" sambit ni Lola Amelia
"Bakit po?" tanong ni Aliya
"Dahil matapang ka at kaya mong lumaban at makipagsabayan sa mga kalalakihan dito, di tulad ng mga ordinaryong kababaihan dito na pawang nakulong na lamang sa pagbabasa at pagiging tagasunod ng mga kalalakihan, ngunit ikaw ay hindi, base sa kwento sa akin ni Liam at ng kanyang Lolo, marunong kang lumaban at di ka nagpapatalo, ikinatutuwa ko nga na ikaw ay nanggaling sa aming lahi, di ako makapaniwala na ikaw ay aking apo sa talampakan.." masayang sambit ni Lola Amelia
"Tunay nyo po akong apo?" tanong ni Aliya sa kay Lola Amelia
Hinawakan ni Lola Amelia ang mga kamay ni Aliya at tinignan ito sa mata...
"Siyang tunay Aliya, nanggaling ka sa aming lahi.." sagot ni Lola Amelia
"Pero paano po nangyari yun?" tanong ni Aliya
"Gaya ng sinabi ko sayo apo, ang isip man ay nakakalimot ngunit ang puso mararamdaman at mararamdaman ang tunay na pagmamahal, kaya alam kong malapit mo na maalala ang tunay mong pinanggalingan, maghintay ka lang apo, malapit ng maging maliwanag sa iyo ang lahat!" sambit ni Lola Amelia at niyakap niya si Aliya
Nagulat man si Aliya sa ginawa ni Lola Amelia, ngunit pakiramdam nya ang importansya ng matanda sa kanya kaya niyakap nya na rin ito..
Kumalas rin sa yakapan ang maglola ng dumating si Liam...
"Nakaistorbo po ba ako?" nahihiyang tanong ni Liam
"Hindi naman, nag-uusap lang kami ni Lola Amelia!" sambit ni Aliya kay Liam
Lumapit si Liam sa dalawa...
"Liam apo, tila yata ay nakapustura ka? Saan ang lakad mo ngayon?" tanong ni Lola Amelia
"May sinabi po kasi si Lolo Generoso na isamg burol po dito sa Santa Cecilia na malapit nais ko po sanang puntahan para makapagpahangin" sambit ni Liam
"Abay kung gayon ay isama mo na si Aliya para naman ito ay makalibang rin naman kakagaling lang nito sa isang mahabang tulog at marahil pag-iisip, Aliya, mabuti pa ay mamasyal muna kayo sa burol ni Liam.." sambit ni Lola Amelia kay Aliya
"Hindi po ba delikado? Baka umaaligid na naman po ang mga guwardya sibil?" nag-aalangan sabi ni Aliya
"Apo, ligtas sa burol na iyon, tahimik at wala pang ni sinong guwardiya sibil o alagad ng gobyerno ang nakakapunta roon, tsaka malapit lang yun rito apo.." paliwanag ni Lola Amelia
"Sabagay po kaysa naman manatili ako rito ng buong araw marahil kailangan ko rin ng sariwang hangin" sambit ni Aliya kay Lola Amelia
"Paano? Magbihis ka na?" yaya ni Liam kay Aliya
"Oo na! Magbibihis na!" sambit ni Aliya kay Liam sabay bangga sa balikat nito
"Sakit non ah?" inda ni Liam matapos banggain ni Aliya
"Kayo talagang mga kabataan tila ang dami ng pagbabago sa makabagong henerasyon!" sambit ni Lola Amelia
"Ganoon ho talaga siguro ang makabagong babae, mas malakas pang bumangga kaysa sa mga lalaki!" paliwanag ni Liam
"Nabasa na nya apo ang liham apo mula sa iyong kaibigan.." sambit ni Lola Amelia
"Mukhang alam na nya ang totoo ngunit di pa nya ito magawang maalala.." si Liam
"Tama ka dyan apo, naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari at mukhang labis na ang pagkamuhi nya kay Mateo Abelino dahil sa nagawa nitong panlilinlang sa kanya" kwento ni Lola Amelia
"Yung singsing po kaya Lola? Di ko po kasi nakita sa kuwarto nya ng ako ay pumunta muli don?" takang tanong ni Liam
"Wag kang mag-alala apo, nakita kong hawak hawak nya ang singsing na iyon at pinagmamasdan kanina matapos basahin ang liham.." si Lola Amelia
"Natanong nya po ba ang tungkol don?" tanong ni Liam sa matanda
"Mukhang hindi ako ang dapat nyang tanungin tungkol don kaya di ko na inabala pang tanungin sa kanya ang tungkol don, mas mabuti siguro kung ikaw mismo ang magkwento sa kanya patungkol sa singsing na iyon.." payo ni Lola Amelia kay Liam
Ilang minuto pa nag-uusap si Lola Amelia at Liam ng lumabas si Aliya na bihis rin ngunit nakalugay parin ang kanyang buhok
"Tayo na?"
====================================
Next: Chapter 49
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
FanficA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...