Nanlaki ang mga ni Aliya at Liam ng makita si --
"Patricio? Papaano--" takamg tanong ni Liam kay Patricio
"Matapos natin mag-usap kanina ay nagmadali akong umalis dahil papalapit na ang mga guwardiya sibil, kaya minabuti kong mauna muna sa inyo baka ako ay makilala, ngunit nakita ko kayong nakamasid sa di kalayuan sa bahay ng Abelino, matapos nyong marinig ang sinabi ng senyor sa Alferez ay nagmamadali kayong umalis kaya minabutimg sundan ko kayo, wag kayong mag-alala walang nakasunod sa akin!" kwento ni Patricio kay Liam
"Mabuti kung ganon! Sya nga pala Patricio, di mo ba sya nakikilala?" sambit ni Liam at itinuro si Aliya
Tinitigan ni Patricio mabuti si Aliya...
"Senyorita? Kayo ho ba yan? Di ko kayo nakikilala sa inyong bihis at ayos!" nagulat si Patricio ng mamukhaan nya si Aliya
"Ako nga Patricio, mahirap ng makilala ng iba kay nakabihis ako ng ganto!" sambit ni Aliya
"Siyang tunay senyorita, hindi talaga kayo makikilala sa ayos nyong iyan at nakabigote pa ho kayo, di talaga kayo makikilala, ngunit senyorita kahit na nakabihis kayo ng ganyan, nababanaag pa rin ang inyong pagiging mestiza de sangley!" masayang sambit ni Patricio kay Aliya
"Salamat Patricio, meron ka bang kailangan sa amin?" tanong ni Aliya kay Patricio
"Marahil hindi nyo pa nababasa ang aking ibinigay na piraso ng papel?" sambit ni Patricio sa dalawa
"Sandali" agad na kinuha ni Liam ang piraso ng papel sa kanyang bulsa at ito ay kanyang binuklat
"Anong nakalagay?" silip ni Aliya sa papel na hawak ni Liam
"Kung nais nyong malaman ang aking nalalaman ay magkita tayo sa kagubatan ng Santa Cecilia ng alas singko ng hapon!" pagbasa ni Liam sa sulat sa piraso ng papel
"Ano ang iyong nalalaman Patricio?" sambit ni Aliya
"Senyorita, marahil hindi ito ang magandang lugar para atin itong pag-usapan dahil nasa bungad pa tayo ng kagubatan baka tayo ay makita dito ng mga guwardiya, saan ba mas magandang lugar?" tanong ni Patricio kay Liam at Aliya
"Pwede sa bahay ng aking lolo Generoso, medyo malayo layo lang ito mula rito at madalang ang nakakapunta roon!" sambit ni Liam kay Patricio
"Maaari Liam doon ko na sabihin ang aking nalalaman, tayo na? Para maaga rin akong makabalik sa mansyon?" nauna ng maglakad si Patricio
"Nauna na sya eh, tayo na?" tingin ni Liam kay Aliya
"Tayo na at baka di ko napigilang magwala dito dahil kanina pa tayo walang kinakain dito!" reklamo ni Aliya at hinila na nya si Liam para sundan si Patricio
Makalipas ng ilang minutong paglalakad...
Nakarating na sila Liam sa bahay ng kanyang lolo Generoso, nakita nya ang matanda na nakaupo sa papag na tila hinihintay ang kanilang pagbabalik..
"Lo!" tawag ni Liam, agad na tumingin si Lolo Generoso at sinalubong si Aliya at Liam
"Mga Apo, bakit tila yata hapon na kayo nakabalik?" tanong ng matanda kay Liam
"Mahabang kwento po lo, sya nga po pala, si Patricio po lo, kaibigan ko po at katiwala doon sa bahay ng mga Abelino, wag po kayong mag-alala, mabait po ito!" pakilala ni Liam kay Patricio
"Nakikita ko nga mabait siya, ano ang kanyang pakay at siya ay naparito?" tanong ng matanda
"Bago po tayo mag-usap usap, maaaring sa loob na po tayo baka ho kasi may makakita sa atin dito lalo na po at guwardiya sibil na ang naghahanap kay senyorita Aliya, kaya doon na po tayo sa loob kung maaari po?" sambit ni Patricio
"Bueno, mahirap ng may makakita sa atin rito, halina sa loob at kumain na rin kayo, alam kong di pa kayo nakain!" sambit ng matanda at pumasok na sila sa munting tahanan ng matanda
Umupo muna sila Patricio at Liam papag sa may munting sala habang naghahanda sila Aliya at Lolo Generoso ng makakain nila..
Habang naghihintay sila Liam at Patricio..
"Kumusta na sa bahay ng Abelino?" tanong ni Liam kay Patricio
"Malungkot Liam.." simpleng sabi ni Patricio
"Malungkot? Bakit naman?" takang tanong ni Liam kay Patricio
"Narito na ang pagkain kumain na muna kayo.." inilapag ni Aliya ang makakain sa maliit na mesa sa sala
"Salamat senyorita nag-abala pa po kayo!" sambit ni Patricio kay Aliya
"Wag mo na akong tawagin senyorita, Patricio wala na ako sa bahay na yun para tawagin mo ako ng ganyan, tsaka ramdam ko naman na pareh pareho lang tayo ng estado ng buhay!" sambit ni Aliya sabay upo sa tabi ni Liam
"Mukhang mas naging malapit na kayo dalawa ni Liam" sambit ni Patricio habang nakatingin sa kanilang dalawa
"Di naman masyado.." nahihiyang sagot ni Aliya kay Patricio
"Aliya, may sasabihin ako sayo" sambit ni Patricio kay Aliya
"Ano yun?" tanong naman ni Aliya pabalik
Nagbuntong hininga si Patricio bago magsalita muli..
"Aliya, wala na si Elena.." malungkot na sambit ni Patricio, nanlaki ang mga mata ni Liam at lalo na si Aliya
"Patricio, hindi magandang biro yan, sabihin mo sa akin na isang biro lang yan.." di naniniwala si Aliya sa sinambit ni Patricio
"Mabuti sana kung biro lang Aliya na wala na talaga si Elena, kaso hindi, wala na talaga si Elena" sambit muli ni Patricio
"Anong nangyari!? Papaano!!? Sinong gumawa!? Anong dahilan!? Patricio sabihin mo sa akin!!!" nangangatal na sa galit at pighati si Aliya dahil sa nangyari kay Elena
"Patawarin mo ako Aliya, di ko siya nailigtas sa kamay ng matapobreng senyor na iyon!!!" bumuhos mulo ang luha sa mga mata ni Patricio
"Anong sabi mo!? Si Mateo ang pumatay kay Elena!? Siya ba!? Patricio!!" nanginginig na sa galit si Aliya at tumango lang si Patricio bilang pagtugon
Di mapigilan ang luhang dumadaloy sa mga mata ni Aliya, agad naman siya inalalayan ni Liam at hinimas himas ang likod nito..
"Walang pusong lalaking yun!! Hayop siya!! Anong akala nya sa mga tao, parang mga ibon kung kailan nya papatayin, papatayin na nya lang!! Walanghiya siya!!" di mapigil ang pagbuhos ng luha ni Aliya sa galit at bighati
"Aliya! Kalma ka lang!!" pagpapakalma ni Liam kay Aliya
"Paano ako kakalma? Sabihin mo nga!! Liam namatayan ako ng kaibigan!! Siya lang ang naging tunay kong kaibigan sa loob ng impiyernong bahay na yun!!! Tapos ngayon malalaman ko na lang na patay na siya!!" sumbat ni Aliya kay Liam na patuloy pa rin ang pagdanak ng luha sa kanyang mga mata
"Alam ko yun, sa tingin mo ba maibabalik ng luha mo ang buhay ng kaibigan mo? Di ba hindi! Kaya kailangan mong maging matatag sa bawat oras at araw na darating, dahil ramdam kong di titigil ang lalaking yun hanggang sa hindi ka naibabalik sa poder nya!!" sagot naman pabalik ni Liam, natahimik na lang si Aliya
"Liam!!! Ang sakit sakit na!!! Di ko akalain na magkakatotoo ang paniginip ko!!!" humagulgol na si Aliya at niyakap na lang siya ni Liam para kahit papaano ay maibsan ang kanyang nararamdaman
"Marahil hanggang dito muna ang aking palalahad ng aking nalalaman, kailangan ko ng bumalik sa mansyon baka makahalata ang senyor na ako ay wala pa sa bahay" akmang papaalis na si Patricio ng
"Kailan ka ulit namin makakausap?" saad ni Liam kay Patricio habang yakap yakap pa rin si Aliya na pinapakalma nya
"Sa muli nating pagdadaupang palad kaibigan!" isinuot na ni Patricio ang kanyang subrero, bago siya tuluyang lumabas ng pintuan, humarap siya muli kay Liam
"Pakaingatan mo si Aliya kaibigan! Napakabait at makatao niya sa isang tulad namin, wag mo syang papabayaan! Adios amigo! Hanggang sa muli!" sambit ni Patricio at tuluyan na siyang lumabas ng pintuan
"Pangako kaibigan! Poprotektahan ko siya dahil alam kong magiging maliwanag rin ang lahat!" sambit ni Liam sa sarili
====================================
Next: Chapter 37
YOU ARE READING
Prince of Time: Memories From The Present
أدب الهواةA Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after on hold, the bride to be disappear with just a click of an eye, the groom almost loose hope on finding her, what could possibly happen? Can...