"I need you to fill out these papers."
Tinulak niya 'yong mga papeles na nakalagay sa ibabaw ng lamesa paabante sa akin. Kinuha ko naman ito agad.
Walang duda na kay Professor Salvacion ang opisina na ito. Bukod sa pangalan nya'ng nakatatak sa isang magandang klase ng hinulmang kahoy, amoy na amoy ko ang halimuyak nya sa buong silid; a blend of delicate floral smell and oriental scent.
"Para saan po ang mga ito?"
"I need more information coming from you aside from the background check we have on the school records about yourself," tumayo ito at naglakad patungo sa mini island counter at nagsalin ng wine sa isang kopita. Malaki nga ang kanyang opisina. "Nonetheless, I find it incomprehensible that Mr. Thompson, who is breaking his own law, accepted a transfer from a State College and that is almost graduating. I wonder what kind of sorcery did you do?" pino at mahinhin itong tumikim ng wine. Nagkibit balikat lang ako at ngumiti.
"P'wede ko po bang gawin ito pagkatapos kumain?" gutom na talaga ako sobra.
"No. I want them done in 5 minutes."
Wala na akong nagawa at sinunod ito nang sa gayon ay makakain na ako. Umupo ako sa bakanteng silya na nasa tapat ng kanyang lamesa at doon pinunan yung mga tanong sa papel na binigay ni Professor Salvacion.
"Ah, Ma'am," lumingon ako sa direksiyon nya at nahuli ko itong taimtim na nakatingin sa akin. "Wala po akong social media account," sabay kamot ko sa kanang kilay ko.
"Are you for real?" mangha'ng tanong nito. Ngumiti lang ako ng alanganin bilang tugon. "Then create one, Miss Alarcon."
"Sige po mamaya dadaan ako ng computer shop para gumawa ng facebook account," tumayo na ako at naghanda sa pag-alis.
"Why? Do you not own a phone?" uminom ulit ito ng kaunti mula sa kopitang hawak.
"Meron Ma'am, ito po." Sabay ipinakita ko yung de keypad kong cellphone.
"I didn't know that that Jurassic phone still exists."
Ano daw? Jurassic?
Iniwan nya ang kopita sa counter at lumapit sa akin. "There's a computer laboratory in this school. You can go there instead."
"Puntahan ko nalang po pagkatapos kong kumain," kumulo bigla ang tiyan ko at tinaasan lang ako ng kilay ng babaeng sobrang...teka bakit sobrang lapit nito sakin?
"You will be reporting to me directly every Friday as per the school owner," aniya habang malalim na nakatingin sa aking mga mata na tila may hinahanap. May dumi ba?
"Ano po ang irereport ko sa inyo Ma'am?" ngiti kong sagot. Naamoy ko kasi 'yung wine na ininom nya. Naalala ko na kung ano ito.
"What are you freakin' smiling at?"
"Ikaw po." Mahilig ba sya sa wine? Ipakilala ko kaya sya sa isang vintner na kakilala ko?
"Why? Was there any reason for you to smile at me?"
"Meron Ma'am."
"Spill it," mataray nitong tugon.
"Hm," napapikit ako dahil sa nalanghap ko na naman 'yung wine na ininom nya mula sa kanyang bibig. "Chateau Cheval Blanc 1947." Nanlaki naman bigla ang mga mata nito ngunit agad nyang ibinalik ang malamig na ekspresyon sa mukha. Parang nalasing ako sa paraan ng pagkakatingin nya at panandalian akong nailang.
"Alis na po ako Ma'am." Hinila nya ang braso ko para pigilan sa paglabas kaya napaikot ang katawan ko paharap sa kanya.
"Hold on, how did you know?" namamangha nitong tanong sa malamig na tono dahil nahulaan ko ito kahit na wala namang label yung bote. Isa pa, medyo malayo yung counter dito sa pwesto ko para makita ng malinaw kung ano man iyong ininom nya.
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...