(NOT EDITED)
"Aray! Kanina mo pa ako sinasabunutan ah!"
"You deserved it, moron!"
"At bakit naman?!"
"We're losing!"
"Ikaw kaya maglaro dito? Nangangalay na kaya 'yong mga braso ko!"
Parang aso't pusa kaming nagtatalo ni Frankie ngayon dito sa may arcade, specifically dito sa may basketball. Bali kinuha muna namin si Xavier kanina sa bahay ni ma'am bago kami gumala. Kaya lang, ang sama na naman ng timpla ng mood ni ma'am. Lalo syang sumusungit lately. Ano kaya problema no'n?
"Let's stop that. Di ka naman pala marunong," ito pa isang masungit na kasama ko. Haays.
Naparami na rin ang mga nasubukan namin laruin ni Frankie dito sa arcade. Pero iilan lang ang nilaro nya. Puro kaartehan lang din naman kase ang lumabas sa bunganga nya.
"Marunong naman ako magshoot ng bola, ayaw mo lang akong tulungan kaya hindi natin matalo yung high score," I pouted.
"Tss. I don't even wanna hold that ball. That's too many germs for sure," pag-iinarte pa nito. "Let's eat. I'm famished."
"Saan naman tayo kakain?"
"Sapore de Italia."
"Hindi pwede," pagtutol ko.
Bukod sa napakamahal ng mga pagkain doon, malayo pa iyon mula dito sa mall na kinaroroonan namin ngayon. Pang budget meal nalang ang perang dala dala ko.
"And why not?" she crossed her arms then raised her eyebrow. Jusmiyo, ang taray talaga ng babaeng 'to. Ganito kaya ang mga matitipuhan ni ma'am? Ay leche, naisingit pa ng braincells ko 'yon. Sumakit tuloy puso ko ng slight hehe.
"Fourty five minutes away from here ang restaurant na iyon. Baka nakakalimutan mong nagcommute lang tayo papunta dito sa mall?"
Tila nag-isip ito sandali at saka tumingin sa akin.
"My driver is one call away."
Napakunot ako ng noo sa sinabi nya. Eh bakit ngayon nya lang naisipan na tawagan ang driver nya? Sana hindi nalang pala kami nagcommute kanina. Ang arte pa naman nya sa jeep, nasa kanya na ang atensyon ng mga pasahero dahil napakareklamador nito at dinig na dinig ng lahat ang complaints nya. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba at mag taxi nalang kami. Ayan tuloy, naubos na ang budget ko ngayon.
"Hindi pwede."
"You love opposing me, noh?!"
"Kase nga matatagalan pa 'yon. Nagugutom na rin ako, gusto ko nang kumain."
"And what do you suggest?"
"Halika, may alam akong masarap na kainan," hinawakan ko ang kamay nito para hilahin ngunit hindi naman ito kumibo. Bumaba ang mga mata nito sa magkahugpo naming mga palad. "Ano? Tara na."
"Is that necessary?"
"Ang alin?" Sinundan ko ang masamang tingin nito sa mga kamay namin. "Ah, edi 'wag. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mawawala sa kalsada."
Nag-umpisa na kaming maglakad ni Xavier. Sinilip ko lang saglit sa likod si Frankie para masiguradong nakasunod ito sa amin. At ayun, medyo padabog na sumunod naman.
Napahinto ako sa kalagitnaan ng pagtawid sa kalsada nang tumahol si Xavier. Sinundan ko ng tingin kung sino ang tinahulan nya. Si Frankie na parang tuod na nakatayo lang doon sa tabi ng kalsada. Malapit nang mag green light ulit kaya dali-dali kaming bumalik ni Xavier kung nasaan si Frankie.
![](https://img.wattpad.com/cover/335821677-288-k623059.jpg)
YOU ARE READING
Burn For Me
Genel KurguAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...