(NOT EDITED)
Dinala kami ni Miss Ford sa isang wine cellar ng The Grand.
She walked over to the bottles of liquids, which I assume are wines based on their appearance. "There are three wine cellars in this vineyard." She picked a bottle and peered at its label. "You'll be looking for the best bottle of grape-based beverage within this place."
"There are obviously only wines and champagnes in this vineyard, Miss Ford. There won't likely be any differences in the flavor, in my opinion," sabi nung isang matabang lalaki nang nakangisi. Kaklase ba namin 'to?
Lumingon si Miss Ford sa nagsalita at matamis na ngumiti rito, "Wow! The terrific bully is making use of his subpar intelligence." Sumimangot naman ang lalaki at mukhang napahiya. "Anyway, yes. Wine and Sparkling Water specifically, idiot."
"Champagne? Tss," ngisi ni Frankie. Katabi ko pala 'to?
Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko namang inayos ni Naomi ang kanyang salamin at pinipigilang matawa. Habang ang iba ay nakayuko o di kaya'y nakatingin sa malayo.
What's wrong with these people?
"Frankie," tawag ko sa katabi ko.
Masungit naman ako nitong nilingon. "What?" singhal nito sa akin.
"Anong nakakatawa?"
"Am I laughing?"
"Hindi." Sabagay, nakangisi nga lang sya.
"Then shoo. Stop asking me nonsense questions," umalis ito sa tabi ko at naglakad sa unahan na akala mo ay disney princess. Hmp.
"Sungit!" bulong ko sa hangin. As if naman na maririnig nya pa 'yon. Pero lumingon nga ito sa direksyon ko at sinamaan ako ng tingin. Eh?
Nilingon ko ang nasa kanan ko naman. "Pst, Naomi." Siniko ko ito ng marahan.
"Yes?" aniya nang hindi ako nililingon. Busy sa pakikinig kay Miss Ford.
"Yes agad sagot mo wala pa ngang tanong."
Natatawa itong lumingon sa akin. "I mean, what do you need?"
"Anong nakakatawa kanina?"
"What do you mean?"
"Anong meron kanina bakit hindi ako natawa?"
"Pfft, don't mind it, Sunnie."
"Sige na..." pangungulit ko pa rito.
"Ssshh. Makinig ka na kay Miss Ford." Tsk, hindi gumana ang pagpapacute ko.
Kumunot ang noo ko nang marinig ang ring ng isang cellphone. Akala ko ba bawal ang gadgets?
"Carry on. I have to take this call," paalam ni Miss Salvacion kay Miss Ford at naglakad na itong palabas nang hindi hinihintay ang pagsang-ayon nung huli.
Tinignan ko ang papalayong likod ni Ma'am, and oh my ghad. Those curves are one hell of a body.
"Here," kuha ni Naomi sa atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya. Inaabot nya ang isang panyo. "You need this."
"Huh?" walang muwang kong tanong pero kinuha ko naman. What am I gonna do with this?
"You're drooling."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinunasan ang aking bibig gamit ang panyo na binigay nya. Pagtingin ko sa panyo, shit, naloko ako don. Lagi nalang!
"Wala naman ah!" pabulong ngunit madiin kong sabi kay Naomi na tila nasiyahan sa naging reaksyon ko.
YOU ARE READING
Burn For Me
Ficción GeneralAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...