KABANATA XII

3.3K 115 61
                                    

(NOT EDITED)



Nagising ako sa lamig ng hangin na tumatama sa aking mukha. Hindi naman gano'n kalamig ang ibang parte ng katawan ko dahil sa kapal ng comforter na ngayon ay nakabalot sa akin, pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko. I love the feeling of the warm comforter on my body.


Inilibot ko ang paningin sa paligid. Natulala ng saglit. Napapapikit dahil sa kakaibang bango ng paligid, the smell is so relaxing katulad ng pabango ni ma'am. Matapos matameme ay napabalikwas ako ng bangon dahil saka lamang nag sink-in sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Wala nga pala ako sa sariling kwarto!


Mabilis kong tinignan ang tabi ko at ganon na lamang ang pagbuga ko ng hangin dahil sa ginhawa nang wala akong nakitang Cornelia Salvacion. Hindi nyo ako masisisi. Hindi ko rin naman alam ang dapat kong gawin kung sakali man na madatnan ko ito sa aking tabi.


"Cornelia..." mahina kong turan na tila ba mabilis na tinangay sa hangin. Ang sarap banggitin ng unang pangalan nito.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kanyang isipan at hinalikan nya ako. Mabilis lamang iyon ngunit ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang mga labi. Napahawak ako sa aking mga labi bigla.


At isa pa, bakit sya nagpaliwanag sa akin? Siguro ay katanggap tanggap pa ang pagpapaliwanag nya kung bakit sya nawala ng tatlong araw, ngunit ang pagsabi sa akin na wala syang boyfriend at namiss nya ako ay hindi naman kailangan considering the fact that I'm just her student.


Hanggat maari ay ayaw ko na bigyan pa ito ng mas malalim na kahulugan. Pero yawa talaga! Paanong hindi? Eh may pahalik-halik pa syang nalalaman! Nagtatalo na naman ang isip ko, jusko.


Normal lamang ba iyon sa kultura nya? As far as I know, hindi naman ito lumaki sa Pilipinas. 


I was so preoccupied last night dahil sa mga nangyari kaya ngayon ko lamang naisip ang mga bagay na ito.


I started shaking my head, as if doing so would put an end to these thoughts.


Hindi... ayaw kong bigyan ng kahulugan ang mga iyon. I hate expectations. I don't want to be disappointed at the end. I thrive on adventure and relish in taking chances, but my heart plays things safer. My heart is the only certainty in my unpredictable life. Like a delicate piece of glass, it must be handled with care as it is fragile and susceptible to being shattered.


Bumangon ako at bumalik sa aking silid para maghilamos at magsipilyo. Saka ko naisipan na bumaba sa kusina para mag asikaso ng agahan at pagkain ni Xavier. Nagtimpla na rin ako ng sariling kape. Matapos kong mag-asikaso at pakainin si Xavier ay pumunta na ako sa patio ng bahay.


There, enthroned on a sleek Mamagreen lounge like a modern-day Aphrodite, was the most stunning woman I had ever seen. Sunbeams caressed her flawless visage as she nonchalantly reclined, an open book clasped in one elegant hand while the other held a steaming cup of coffee. Her dark brown hair cascaded freely over her shoulders as she crossed her lithe legs with the poise of royalty, emanating confidence and grace. She was the epitome of beauty, a divinity in repose who commanded awe and arrested the gaze of any mortal blessed to glimpse her splendor.

Burn For MeWhere stories live. Discover now