(NOT EDITED)
Tatlong araw...
Tatlong araw, tatlong araw, tatlong araw akong naghintay na tila ba isang patay sa mga panahong punong-puno ng lumbay at sa bawat paghihintay ako'y parang mahihimatay. Tatlong araw...
(A/N: charot lang 😂 gays hindi ko na maalis sa isip ko ang esophagus esophagus please help! It keeps repeating in my head putek!)
Tatlong araw na ang nakakalipas matapos kaming kumain sa isang restaurant ni Miss Salvacion. Tatlong araw na ring walang paramdam ito, ni hindi ko maaninag ang anino nito sa mismong bahay nya.
Basta paggising ko kinaumagahan ay walang bumaba na dyosa mula sa ikalawang palapag ng bahay katulad ng normal na gawain ni ma'am.
Akala ko ay nauna lamang ito sa university kaya mabilis kaming tumungo roon ni Xavier matapos ang agahan ngunit walang Miss Salvacion sa paligid. Pumunta pa ako sa opisina nya pero wala rin sya doon. Tanging naiwan doon ay ang kanyang mabangong halimuyak sa buong silid. Well, yeah, it's not locked.
Sinubukan ko na rin na itext ngunit walang reply at tinawagan ko ang phone number nya na naka save sa contacts ko pero unattended or out of coverage area daw.
Nag-aalala na ako. Hindi ko naman alam kung sino ang maari kong lapitan para magtanong kung saan pumunta si ma'am. Oh shit— wait! Baka may alam si boss Aldis! Bakit ngayon ko lang naisip 'to?!
Dali-dali akong pumasok sa opisina ni boss dahil saktong nandito lang din naman ako sa Cafe House habang nagmumuni-muni kung saan ko hahagilapin si ma'am. Iniwan ko muna ang ginagawa kong jiggly cake.
"BOSS!" sigaw ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto.
Naibuga naman nya ang iniinom na kape dahil sa gulat. Nakaupo ito sa mismong lamesa nya. Jusmiyo parang bata.
"What the heck, Paeng?!" mabilis nitong binaba ang tasa at pinunasan ang kanyang labi. "Why are you shouting?" nakasimangot nitong sambit.
"You really sucks, Aldis," tumawa ng mahinhin ang isang babae.
Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon at saka ko lang napansin na narito si Miss Evangeline Walker. Anong ginagawa nya rito?
"Shut up, Eve," pagalit na tugon ni boss sa pang-aasar ni Miss. "Why did you suddenly barged in my office, Sunnie? Is there an emergency?" balik nito sa akin.
"Pasensya na boss. Hindi ko po alam na may bisita ka." Lumingon ako kay Miss Walker. "Hi, Miss. Ang ganda nyo po ngayon."
"Aww. Ngayon lang ba, Sunnie?" nagkunwari itong nasaktan sa sinabi ko.
"Ay araw-araw po pala hehe."
"That's fine. I just realized that it's not a good idea for you to compliment another human being aside from Cor— oops! Nevermind na pala."
Napakamot nalang ako sa kilay ko.
"Sige po aalis nalang ako. Pasensya na po sa abala," tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni boss.
"Sunnie, go ahead. Tell me now what's your reason for coming here."
"Ah.. Eh kase boss itatanong ko lang sana kung alam nyo po kung nasan si Ma'am— I mean si Miss Salvacion po."
"Is there any reason for you to believe that Aldis knows Cornelia's whereabouts?" tanong ni Miss Walker.
"Nagbabakasali lang po, Miss. Tatlong araw ko na po syang hindi nakikita. Wala po kase akong kakilala na pwedeng pagtanungan bukod kay boss since mukhang magjowa naman po sila," I puckered my lips remembering how I first saw them talking in this place. May babe babe pang nalalaman 'to si boss. Tss baduy!
YOU ARE READING
Burn For Me
Fiksi UmumAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...