(NOT EDITED)
Kumpleto na ang lahat ng estudyante dito sa loob ng malaking kusina ng Renaissance. Kaming lahat ay nakasuot na ng kanya kanya naming chef suits. Lahat sila at nakasuot din ng toque, except for me. I'm wearing my bandana. Good thing hindi naman ako pinagalitan ni Miss Walker.
Laglag panga ako nang makita kung gaano kalaki ang kusina na ito kase sino ba namn ang hindi? Eh mas malaki pa 'to sa apartment ko.
Wait, in the first place, hindi ko dapat kinukumpara ang apartment ko sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa Thompson U, kase nga, isang hamak na hampaslupa lang ako.
High tech ang mga kagamitan at malalaki ang storage ang nandito. Halatang hindi basta-basta ang kung ano man ang makikita rito.
"Today, I'm asking each of you to create a confection that will truly impress me," Miss Walker began. I can feel her excitement about today's activity, and I can't help but wonder why. "Only rule is that I forbid everyone of you to use a mixer." Stepping into the center, she instructed some staff to take away the mixers. "I'll pick the best pastry or bread to feature on the menu and in the Renaissance gallery. And, of course, each of you will be graded accordingly."
Nagsinghapan ang lahat at nang tumingin ako sa paligid ay ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ng karamihan sa kanila. Some of them are very excited, nervous and scared. Base lang naman iyon sa obserbasyon ko.
"Omg! This is the first time!"
"Sana mapili 'yung sakin!"
"Asa ka naman!"
"Goodluck nalang sa atin. Kumpleto ang Rank 10 ngayon kaya siguradong wala na tayong pag-asa."
"Sabagay... Bigla akong nawalan ng gana. Paniguradong mapapanalo na 'to ni Frankie."
"Of course not! Hindi 'yon magiging madali para kay Frankie, nandyan pa si papa Caden. Kyaahh!"
Those are some of the things na narinig ko sa bulungan ng mga kaklase ko. Napadako ang tingin ko kay Caden na nasa kaharap kong linya at sakto rin naman na nakatingin ito sa akin saka ako binigyan ng isang kindat. I made a face na parang nandiri tapos sabay kaming natawa.
I like him. Not 'like' na parang ano ha. Ibig kong sabihin ay, mukha syang mabait at magaan ang loob ko sa kanya.
"Hail Mary, Mother of God, Pray for us-"
"Huy! Tigilan mo 'yan!"
Narinig ko ang dalawang kaklase ko sa likod kaya napalingon ako. Iyong isang babae ay magkasaklop ang mga palad at nakapikit habang nagdadasal. Tapos 'yong katabi nito ay tinakpan ang bibig nung nagdadasal.
"Ano ba?! Alisin mo yang kamay mo sa bibig ko."
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...