KABANATA VII

2.7K 110 22
                                    


(NOT EDITED)

A/N: Thank you so much for my new cover ! 


.....



1 New Message


From: Hot Mami

WHERE THE HELL ARE YOU RIGHT NOW, ALARCON?!




Muntikan ko nang mabitawan yung cellphone ko matapos mabasa ang nakacapslock na message ni Ma'am. Napasign of the cross ako bigla.

Jusko, ano ba kasing pumasok sa isip ko at namalengke ng ganito kaaga?

Sya nga pala, ife-flex ko lang ang bago kong cellphone hehe. Binigyan ako ni Ma'am ng bagong cellphone na tatskrin. Nakita ko sa may kitchen counter na may phone at may sulat kamay na note na nakalagay "Use this, Alarcon".

Mukang madali naman gamitin hehe.



To: Hot Mami

Chill ka lang Ma'am, pabalik na po ako sa bahay nyo.




Nakasakay ako ngayon sa jeep pabalik sa subdivision nila Ma'am kasama ko si Xavier.

Grabe, naglakad pa kami papunta sa guardhouse tapos wala pang sasakyan na dumadaan sa harap ng gate ng subdivision na 'yon. Mabuti nalang at mabait yung isang manong guard at ginamit nya yung parang mini cart na sasakyan nya para ihatid kami hanggang sa main road kung saan pwede ng mag-abang ng jeep.

Hindi kase ako sanay nang hindi nagluluto ng agahan. At kailangan ko pang ipagluto rin si Kuya Tonyo dahil iiwan ko si Xavier ulit sa kanya ngayon. Since, sabi nga ni Ma'am kahapon na magkakaron kami ng one day tour ngayong araw...




From: Hot Mami

What the hell are you doing outside?! It's 5 in the morning, mierda!




To: Hot Mami

Gusto nyo po ng mirienda? Wrong typing po kayo Ma'am. Tsaka wala pa pong mirienda ngayon, sobrang aga pa po.

Pauwi na po ako Ma'am 😘




Sinubukan kong magselfie para pruweba na pauwi na ako at sinend kay Ma'am.


From: Hot Mami

Jesus Christ, Alarcon! Just get your ass back in here ASAP! At sino yang kasama mong lumabas???



Napatingin ako sa picture na sinend ko. Napatampal naman ako sa noo ko bigla kase nahagip pala ng camera yung estudyanteng katabi ko. Parang nagselfie kaming dalawa kase nakatingin rin sya sa camera, parang sumilip. Lumingon ako sa katabi ko at napansin kong mabilis nyang iniwas ang tingin sa akin. Though I see his ears turning really red.



To: Hot Mami

Si Jerwin po.






Burn For MeWhere stories live. Discover now