(NOT EDITED)
Isang oras na akong gumagala at nag-iikot-ikot dito sa loob ng mall pero wala akong mahanap na susuoting damit na babagay para sa tema ng charity event na gaganapin sa Cebu.
Pinuntahan ko naman ang boutique na sinabi ng sekretarya ni boss Aldis sa email pero nagtanong lang ako kung magkano ang isang dress ay ang sama na agad ng tingin nila sa akin. Sinubukan ko naman ipaliwanag na may appointment ako pero hindi nila ako pinaniwalaan. Ang dami nilang dinahilan na kesyo may aso raw ako at bawal si Xavier sa loob etsetera etsetera.
Problema ng mga 'yon?
Ang kamalas-malasan pa ay hindi ko naman alam kung paano kokontakin si boss ngayon dahil hindi ko naman alam ang personal na numero nya. Sumagot na rin ako sa email ng sekretarya nya pero wala naman itong sinagot pabalik hanggang ngayon.
So, now I'm out here in a mall trying to find an alternative dress but no to avail.
Kapag ako nainis, pupunta ako ng charity event na 'yon na nakapantulog. Buset na mga sales lady ng botique na 'yon. Pinahirapan pa ako!
Umupo muna kami ni Xavier sa isang bench, kase ang sakit na ng mga paa ko. Saka naman biglang tumunog ang cellphone ko, 'yong tatskrin.
Hot Mami is calling...
Aba, urgent ba 'to? Mas madalas itong magtext eh. Sinagot ko ang tawag dahil baka bugahan ako ng apoy nito pag-uwi nya.
"Hello, ma'am?"
"Where are you?" lumuwag ang dibdib ko dahil mukhang good mood siya ngayon.
"Nasa mall po."
"What are you doing there? Are you seeing someone else again? Are you with George?" Joke lang pala. Hindi pala sya good mood.
"Hala, bakit naisip nyo naman pong kasama ko si Miss George?"
"Last time I checked, you were dating her in a mall," naiimagine ko na tumirik ang mata nito.
"Eh? Isang beses lang 'yon ma'am," pagdedepensa ko. Pero syempre, papatalo ba sya?
"So it's not enough? You want to see her more often?"
"Ay pwede naman po kung gusto nya."
"Esa perra," bulong bulong nito pero narinig ko naman.
"Ano po? Wala akong pera ma'am." Credit card lang ni boss 'yong dala ko kase.
"Stay there wherever you are and wait for me. Do you understand?"
"Sige ma'am, ingat po kayo!"
Mabilis naman nitong tinapos ang tawag. Wala man lang paalam. Haayys.
Ginawa ko nalang ang inutos nya.
Tumayo kami ni Xavier sa tabi ng isang stall ng nagbebenta ng hotdogs. Nilalanghap na lang namin ang amoy ng lutong hotdog dahil kanina pa kami nagugutom. Literal na wala akong pera. Saktong pamasahe lang pala ang nadala ko at ang credit card ni boss. Hindi naman daw tumatanggap ng credit card as payment 'yong nagbebenta ng hotdogs.
"Miss, umalis na kayo ng aso mo dyan sa tabi ng tindahan ko," sabi nung babaeng nasa edad mid 20's na nagbebenta ng hotdogs. "Hindi ako makabenta ng maayos dahil halos ubusin nyo na ang amoy ng paninda ko. Kanina ka pa singhot ng singhot dyan. Isa pa, natatakot 'yong mga customer sa aso mo Ay kalaki nyan eh."

YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...