(NOT EDITED)
"Welcome back to The Grand, iha."
Umasim ang mukha ko matapos marinig ang sinabi ng matanda. Ay, si Senyor nga pala ito. Pero ano daw? Welcome back? Imposible.
"Nagkakamali ho yata kayo tatang. Ngayon lang ho ako nakarating dito," kamot ko sa aking kanang kilay.
"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo natatandaan. Alam kong may problema ka sa utak, iha." Muntik nang malaglag ang aking panga dahil sa sinabi ni tatang.
"Grabe ka tatang! Sinasabi nyo ho bang baliw ako?"
Tumawa ang matanda at saka dahan-dahang nagbukas ng isang kahon na naglalaman ng malalaking sigarilyo.
Kumuha ito ng isang piraso at akmang magsisindi. "Do you mind?" tanong nito sa akin.
"Yes, I do mind. Masama sa kalusugan ang paninigarilyo tatang. Pero teritoryo nyo to kaya malaya ho kayong gawin ang gusto nyo."
Ngumiti ng malawak ang matanda at saka binitawan ang kakaibang panindi na hawak pati na ang isang rolyo ng malaking tobacco. Yep, it's a cigar.
"Old habits die hard, iha. My apologies," aniya saka tumayo ng marahan sa kanyang upuan habang maingat na humahawak sa isang classic walking cane. Lumapit ito sa isang wine rack na nasa likod lamang ng kanyang upuan then he grabbed a bottle of wine from the middle shelf.
"Cuban or Dominican Republic?" I asked him referring to the type of cigar he's trying to take earlier. Tumingin ito sa akin saglit at saka ipinagpatuloy ang pagsalin ng wine sa isang wine glass.
"What do you think, iha?" panghahamon nito sakin.
"Maari ho bang maupo muna?" magalang kong tanong.
"Make yourself comfortable."
Umupo naman ako sa harap ng kanyang lamesa sa may left side. Katapat ko ang picture frame na pinakita nya sa akin kanina.
"Kung ipo-profiling kita tatang, I can say na mayaman ka dahil tinawag kang Senyor ng isang trabahador. Maari ho na malaki ang kontribusyon mo sa lupain na ito kaya ganon ang tawag nila sayo. Unless, Senyor ho talaga ang pangalan nyo sa birth certificate nyo," natawa na naman ang matanda sa sinabi ko.
Kanina pa tawa ng tawa to ah. Yawa.
"Base ho sa mga inilahad ko, maaring Cuban ang tobacco na nasa lamesa nyo," pagpapatuloy ko.
"But then? Go on, iha. Alam kong may gusto ka pang idagdag," sumimsim ito ng wine sa kanyang kopita. Biglang nagflash sa ala-ala ko ang mala devilish angelic face ni Miss Salvacion. Hala? Bakit ko naman sya biglang maaalala? Tsk!
I internally shake my head because of that thought.
"But my answer is, it's Dominican Republic, specifically, Arturo Fuente. I could be wrong na mayaman ho kayo dahil sa paraan ng pananamit nyo."
I ran my eyes to the old man's outfit. Masyadong simple. Halos katulad na ng pananamit ng mga lalaking trabahador nya sa baba.
"Are you saying na hindi ko kayang bumili ng Cuban cigar dahil sa pananamit ko?"
"Hindi ho. Nasabi ko lang iyon dahil mostly, ang gumagamit ng Cuban cigars ay mga drug dealer base sa mga movie na napanood ko. Mukhang hindi naman kayo ganon. Bali, nanggaling ho ang sagot ko base sa tatak na nakita ko sa tobacco nyo tatang. Medyo malabo mula rito sa pwesto ko, ngunit sa tingin ko ay letrang A at F ang nakatatak na logo sa cigar nyo," I answered him matter-of-factly. "But I might still be mistaken. Baka may iba pang brand ng cigars na may AF na logo."
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...