Maingay.
Tunog ng mga nagtatadtarang kutsilyo at pagkakalansing ng mga kawali sa lutoan at kung ano ano pa ang maririnig sa paligid ng Main Kitchen. Tahimik na nanonood ang ilang estudyanteng nasa itaas na bahagi nitong lugar.
Lahat ng mga kaklase ko ay nakakuha na nang kanya-kanyang mga sangkap. Ang bibilis kase nilang kumilos, lahat sila ang daming kinuha. Kaya nung ako na ang kukuha ng sangkap para sa tema ay iyong natira nalang ang nakuha ko. Ito 'yung nakalagay sa lamesa na may takip na puting tela kanina.
Tinignan pa ako ng malamig ni Miss Salvacion nang makita nya na nahuli ako at 'yung tira nalang ang napunta sa akin. Ang mga mata nya'y nanghahamak.
Ngingitian ko sana sya kaso naalala ko na pinilit nya akong pagsuotin ng toque at binigyan ako ng 5 points na deduction kaya naismiran ko tuloy sya na ikinataas lang ng kilay nya.
Dala ang mga nakuha ko, pumunta na ako sa pwesto kong lutuan. Mayroon pang room kung saan pwedeng kumuha ng iba pang sangkap kaya pumunta muna ako doon para mahanap ang mga kakailanganin ko para sa gagawin kong gourmet dish.
Fries, Chicken Nuggets at Vanilla Milkshake.
Ito ang magiging main theme ko. Ayon kay Miss Salvacion, kailangan namin gumawa ng gourmet dish mula sa mga fast food na nakalagay sa lamesang dinala ng men in black kanina. Marami pa akong nakita kaso mukhang nakuha na nila ang mga mas masasarap na fast food katulad ng chicken, spaghetti, burger at kung ano ano pa.
May mga muntik na magreklamo dahil hindi raw ito matatawag na gourmet dahil magmumula sa cheap na ingredients ang pagkain na ihahanda. Kaso, mukhang walang maglalakas-loob na sinoman ang hindi sumunod sa propesora.
True enough. For a dish to be called gourmet, the ingredients used to the meal tended to be rare or hard to cultivate on one continent, thus making it a luxury food. However, a gourmet dish for me is more on how we elaborate the preparation in precision and the presentation in an artful manner, aside from the fact that the taste must be exquisitely divine.
Good thing though, we can still use high quality and unique or hard-to-find ingredients on top of these cheap fast food products.
I would love to argue with these classmates of mine but rather want to show them how I can make a gourmet out of these cheap products from McDonald's, with flying colors.
Napangiti ako sa naisip.
"You look unbothered at all."
Nagulat naman ako sa narinig kong nagsalita sa tabi. Sya yung babaeng nakasalamin. Hindi ko napansin na katabi ko pala sya ng pwesto.
"Ah eh, ano haha," hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya napakamot nalang ako sa kilay.
"Sorry, I haven't introduced myself. My name's Naomi Cortez," nakayuko nyang sabi habang nakalahad ang kanyang kamay. Kinuha ko naman ito para makipag-handshake.
"I'm Sunnie Rae Alarcon," nakangiti kong sagot.
"I know," mabilis nya naman inalis ang kanyang kamay at inayos ang suot na salamin saka bumalik sa pwesto nya para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Pinagmamasdan ko kung paano sya magtrabaho. Mabagal syang kumilos pero nakikita ko kung gaano sya kadetalye sa ginagawa. Napangiti ako. Nakikita ko na magaling ang isang ito. Sabagay, sino ba naman ang hindi magaling sa eskwelahan na ito?
This is the top University in the Philippines! And I'm one of them now hihi.
"Stop ogling at other's work, Alarcon!"
Natigil ang paglipad ng aking isipan at napaigtad ako sa biglang malakas na paghampas ng isang bagay sa lamesa ko. Alam na alam ko na agad kung kaninong boses iyon galing.

YOU ARE READING
Burn For Me
Narrativa generaleAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...