KABANATA V

5.4K 205 135
                                        



Napalingon ako sa likod upang malaman kung sino ang tumapik sa balikat ko.


"Naomi," ani ko nang makita sya habang nakangiti.

"Hi, Sunnie. I just wanna give you this," inabot nya sakin ang paper bag na hawak.

"Wow, salamat. Para sa'n 'to?" Sinilip ko ang nasa loob at isang box ang naroon.

"That's the pizza cheesecake I made last Friday. Sabi mo kase gusto mong matikman 'yan. And as a token of appreciation of what you've done to help me with my anxiety, I made it earlier this morning for you. Hindi na rin kasi kita mahagilap noong Biyernes."

"Salamat! Kakainin ko 'to mamaya paglunch. Gusto mo sabay na tayo?"

"Sure!"


Ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang klase namin kay Miss Salvacion. Wala namang masyadong nangyari noong nakaraang araw maliban sa dinner na naganap noong Sabado ng gabi kasama sila Tanda.

Naramdaman kong uminit ang magkabilaan kong tainga sa biglang pagbabalik-tanaw sa tagpo namin ni Ma'am kaya napailing-iling ako ng ilang beses. Ewan ko ba, halo-halong emosyon ang binibigay nya sa akin sa tuwing magtatagpo kaming dalawa.

Ngunit nangingibabaw ang pagrarambulan ng kung ano-ano sa tyan ko kapag nalalapit sya sa akin. Minsan pa nga, mahuli ko lamang syang nakatingin sa akin ay parang nanlalambot ang aking mga tuhod.

Ito na ba 'yon? Yung crush na tinatawag nila?

"Crush who?"

"Ay yawa ka!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang may nagsalita sa tabi ko bigla. "Nandyan ka na pala Frankie."

"Keep your nasty thoughts to yourself, Alarcon," sabi nito nang hindi ako nililingon.

Napanguso nalang ako at hindi na sya pinansin.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan at tumahimik na ang paligid. Iyong tunog na lamang ng takong ni Miss Salvacion ang maririnig habang palapit ito sa gitna ng platform.

She's wearing an all white outfit today. White coat, white sando inside, white trousers with matching black stilleto. Tila bumagal ang pag-inog ng mundo nang dahan dahan nyang tanggalin ang suot na black shades. Ang hahaba ng mga pilikmata.

She looks stunning as always. Haays.

"What are you smiling at, Alarcon?"

"Ha?" nakanganga kong tanong. Muntik pa akong mabilaukan sa sariling laway.

"I said, why are you smiling?" pagdidiin nito na tila nainis dahil pinaulit ko pa yung sinabi nya. Pansin ko na tila ba pet peeves nya yung pinauulit sya sa sinabi nya.

"Ay ahhh... ano kase Ma'am," napakamot ako sa kilay ng di oras habang nag-iisip ng palusot at luminga-linga sa paligid. "May nakita po kase akong ano.. a-ano.. n-nakakatawa hehe." Shet bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko? Yawa ka Paeng.

"Ah," lumapit ito sa harap ko. "You think I'm funny to look at?"

"Hala Ma'am hindi ko po sinabi na ikaw!"

"Are you seeing another creature in front aside from me, hmm?"

"W-wala po," medyo kinabahan kong sabi.

"Then why are you smiling while looking at me?!" Ang aga-aga galit na naman ito. "Do I look like a clown to your eyes?!" Huhu Lord send help.

"H-hindi po Ma'am."

Burn For MeWhere stories live. Discover now