"You brought a new chic with you again, Sofia. And you're late."
Pumunta kami ni Sofi sa cafeteria matapos namin ayusin ang mga libro sa shelf na naka assign sa kanya. Hinila nya ako sa parehong pwesto kung saan ko nakasabay sa lunch si Miss Espasol kahapon. At hindi na ako nasurpresa na narito sya ngayon na nakatingin na naman ng masama sa akin.
"Ey, don't call her that, Gene." Pinaghila ko ng bakanteng upuan si Sofi. Natigilan pa ito bago sya umupo atsaka naman ako umupo sa katabi nya. "Thanks luv," binigyan ako nito ng mapaglarong ngiti at nginitian ko lang din sya pabalik bilang tugon. "Mrs. Gomez caught me smoking inside the library and as a punishment, she asked me to rearrange the books in 5 freakin shelves. Thank god, this lady right here, helped me."
"In the library? Really Sofi? How many times do we have to tell you to quit smoking?" sabi nung isang babaeng singkit ang mga mata. "Anyway, that was such a gallant deed. Is she part of the rainbow community?"
"I only puffed one stick and that's it. And I don't think so. I mean, just look at her. She appears so frail and couldn't even crack a plate," sagot ni Sofi.
"What's the last part suppose to mean? That's not even related to the question, idiot," paismid na hayag nung isa pang babae na hanggang balikat lang ang maitim nitong buhok. "You're stereotyping again."
"Looks can be deceiving, Sofia," malamig na sumabat itong si Miss Espasol.
"You girls keep on antagonizing me!" sagot ni Sofi na ikinatawa nung singkit.
Wala akong nauunawaan sa pinag-uusapan nila dahilan ng pananahimik ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya nilabas ko na 'yung baon kong pananghalian. Pag-angat ko ng tingin ay apat na pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Ha? Gusto ba nilang bigyan ko sila?
"Gusto nyo ba?" alok ko ng medyo alanganin. Konti lang kase yung niluto ko dahil hindi ko naman akalain na marami akong makakasabay ngayong araw na 'to sa pananghalian.
"Oh my, this is the first time I've encountered someone bringing a lunch box in my entire student life hahaha," sabi nung singkit.
"Well, she's a culinary arts student, Gene." Humarap si Sofi sa akin bigla at pinaikot-ikot yung dulo ng buhok ko. "Speaking of, magkablock ba kayo nito ni Frankie?"
Sus, marunong naman pala 'to magtagalog. Akala ko lahat ng nag-aaral dito ay nakakaunawa lang ng tagalog pero hindi marunong magsalita nito, o di kaya'y ayaw lang talaga nila gamitin.
"Frankie?" tanong ko dahil hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy nya.
"Yes, Francesca Morin."
"Aah," nag-alangan ako kase baka isa lang sya sa mga nakalimutan kong pangalan pero wala talaga. Never ko pang narinig ang pangalan na yun, ngayon pa lang. "Artista ba 'yon?"
"Pfft. Bwahahahaha!" Nagsitawanan naman sila maliban kay Miss Espasol. Nakakahiya naman kung hindi ako makikisama kaya nakisabay na rin ako ng tawa, kahit alanganin.
"Hahahahaha- aray!" sabay sabay kami natigil magsitawanan dahil bigla nalang lumipad sa direksyon ko ang cellphone ni Miss Espasol. Buti medyo nakailag ako at nasalo ko kung hindi masisira 'yon kapag nalaglag. Mukhang mamahalin pa naman.
Biglang tumahimik yung paligid naming apat. "Miss, 'wag kang nagtatapon ng kung ano-ano. Sayang naman," sabi ko kay Miss Espasol saka inabot 'yung cellphone nya.
"I can buy a whole store of that phone, so what?" masungit na tugon nito.
"Hindi rin naman masama ang magpahalaga sa mga bagay bagay kahit kaya mo nang bilhin ang lahat," ngiti kong sagot.
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...