(NOT EDITED)
"You look like an idiot while watching a woman arrange her bonsai," sabi ni ma'am habang patuloy sa pagputol ng ilang sanga ng maliit nyang puno at maingat na inaayos iyon nang naayon sa kanyang gusto.
Minsan napapaisip ako kung Chef ba talaga ito o isang hardinera. Ni isang beses ay hindi ko pa ito nakikitang magluto! Mas madalas ko pa itong makitang magputol ng mga patay na dahon or bulaklak sa hardin nya kesa ang humawak ng kawali o sandok.
Nakapangalumbaba ako habang nakaupo sa katapat nyang upuan dito sa patio nya. Sinong hindi mawiwili na pagmasdan ito? Sinisinagan ng araw ang magandang mukha nito na lalong nagpapadepina ng kanyang makalaglag pangang ganda. Akala mo ay nanonood ka ng isang music video na ang cinematic ng dating at sya ang bida.
"Quit staring, will you?" ibinaba nito sa lamesa ang gunting na gamit sa pang garden at saka inalis ang magkabilaan nyang gloves. "Sunnie, you're on your own world again." Napalunok ako nang makita ang flawless na balat ng kanyang mga kamay at mahahabang daliri nito. They are well-trimmed and super clean. Their delicate lines, elegance, and modesty give them an inherently weak appearance.
Hinaplos nito ang ulo ni Xavier na nagustuhan naman ng huli. Pati ang aso ko ay mas gusto nang tumatabi sa kanya, siguro may crush na rin si Xavier kay ma'am? Pero pwede ba 'yon?
"Sunnie! Come back to me!"
"Ay palaka!" napabalikwas ako matapos marinig ang pagsigaw ng propesora sa pangalan ko.
Bigla naman itong tumayo at pumunta sa likoran kong upuan na tila takot na takot. Kumapit pa ito sa balikat ko. Jusko, iniisip ko pa lang ang mga kamay at daliri nya few seconds ago tapos nakapatong na ito ngayon sa mga balikat ko. What a lucky day today, Paeng! Hihi.
"Where?!" skeptic nitong tanong.
"H-Huh?"
"Where is the frog?!"
"Palaka? Saan?" tanong ko saka nagpalinga-linga upang hanapin ang palaka. Masarap iprito 'yon, parang fried chicken lang. Pero joke lang, hehe. 'Yong palakang bukid na malinis lang ang pwedeng kainin lol.
"Mierda! Are you pulling a prank on me, ha?"
"Hala, hindi po."
"Then where is the fuckin' frog, Alarcon?!"
"Aba malay ko sa inyo, ma'am. Quiz po ba ito?"
"Oh gosh," humawak nito sa noo na parang naubusan ng lakas. "Ewan ko sayo," aniya saka mabilis na umalis ito sa harapan ko. Inikutan pa muna ako nito ng mata. "Sometimes it's hard for me to accept that I'm close to getting head over heels— blah blah blah..."
Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni ma'am dahil unti-unting humina ang kanyang boses habang papasok ito sa loob ng kanyang bahay.
Ang masasabi ko lang? Ang bango nya!
Ilang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyaring activity sa Renaissance. Hindi man ako naging satisfied sa ending dahil hindi tinikman ni ma'am ang gawa ko, at least ay naipasa ko naman ito.
Nagsimula na rin ang pagco-coach ni ma'am sa aming dalawa ni Frankie noong isang araw. Tungkol sa instructions ng kompetisyon at kung ano ang magiging arrangements namin ang mga napag-usapan.
Isa pa, naurong ang petsa nito. Gagawin na iyon sa Disyembre bago mag holiday season na ikinaluwang ng loob namin dahil mahaba na ang oras ng preparasyon namin. Ngunit, hindi kami dapat makampante dahil ibig sabihin lamang nito ay magiging marubdob din ang preparasyon ng aming makakalaban.
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...