(NOT EDITED)
"Ryanne?"
"I'm gonna answer your questions when we reach our destination, Sunnie."
Hindi na ako sumagot matapos marinig kung gaano sya kaseryoso.
Ang dami kong gustong itanong ngunit sa sobrang bilis rin ng pangyayari ay hindi ko na alam kung ano ang unang dapat kong sabihin o maramdaman.
Papalag pa sana si ma'am sa pag-alis namin pero pinigilan ko na ito. I saw how much she tried to compose herself and not to burst out when I put myself in their middle. Hinila nalang ako ni Ryanne palabas ng bahay na iyon at isinakay sa sasakyan nyang nakaparada lamang sa labas ng gate ng bahay ni Miss Salvacion. Ni hindi ko na nadala ang kahit na anong gamit ko bukod kay Xavier.
And right now, seeing how skeptical Ryanne is while driving bothers me a lot. Knowing how composed she is as a lawyer, this is a new emotion that I just came across.
The next day, may pasok kami at si Ryanne mismo ang naghatid sa akin papunta ng school. Fake news yung sinabi nya na mag-uusap kami pagdating namin sa bahay nya kagabi. Nabusy agad ito sa telepono nya at hindi ko na ito nahintay dahil sa sobrang antok ko. Nagising nalang ako na may nakabalot nang kumot sa akin since sa sofa lang din ako nakatulog sa loob ng kwarto ni Ryanne.
I tried talking to her this morning, pero hindi ako nakakasingit dahil maya-maya ang tingin nya sa iPad nya at may tumatawag-tawag rin sa kanya sa cellphone nya. Ayaw ko naman na abalahin ito. Paniguradong makakapag-usap rin kami ng maayos sa ibang oras.
Nakakapag-alala lang talaga dahil napansin kong parang sobrang pagod na ito at stressed. Ngayon ko palang sya nakitang ganito ang itsura. I know that her profession is too difficult and stressful but she's never been like this before. Ryanne is such a great lawyer. She's never lost any case in her career so seeing her a mess like this is new to me.
"I'll fetch you after school. What time are you going out?" tanong nito habang tinutulungan akong alisin ang seatbelt sa aking katawan.
"Huwag na, Ryanne. Kaya ko naman umuwi kasama si Xavier. Ayaw kong maabala ka pa," I smiled at her.
"No, I need to make sure you're safe."
"I'm safe. Ano bang ikinakabahala mo?"
She sighed, "Nothing, Sunnie." She touched my cheeks and looked at me lovingly. "I missed you."
Napangiti ako sa sinabi nito. Sa ilang buwan naming hindi pagkikita at pag-uusap ay namiss ko rin ito ng sobra. "I missed you too, Ryanne."
"Go now, we will talk later. Sorry, I let you sleep on the couch last night."
"Ay 'sus, wala 'yon," I laughed then get out of her car. Nang masara ko na ang pinto ay sumilip pa akong muli sa bintana nya. "Mag-iingat ka!"
"You too, Sun. Take care, okay?"
Natawa nalang ako at nagwave sa kanya bago pumasok sa loob ng school.
Pagkarating ko sa room namin ay abala ang bawat isa sa pagpaplano ng darating na cruise tour sa susunod na linggo. As usual, makikita mo kung gaano ka-competetive ang mga ito. Ang sampung nasa Rank ay wala rito dahil may meeting daw sila. Wala rin daw kaming mga klase ngayon, at least ang mga graduating ng Culinary Department. Kami lang naman kase ang mga kasama sa cruise na iyon. I wonder why.
"Sunnie, pinapatawag ka ni Frankie," tinapik ako ni Naomi at ginising mula sa pagmumuni-muni ko.
"Ha? Wala naman akong natanggap na tawag," akma ko pang hahanapin ang cellphone ko.
YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...