KABANATA XVI

5.7K 224 107
                                        

(NOT EDITED)



Hindi na ako hiniwalayan ni Benjie simula nang magkita kami kanina. At hindi na rin nawala ang sama ng tingin na pinupukol ni Miss Salvacion sa akin matapos ang makapigil-hiningang tagpo namin.

Nawala naman kaagad ang kabang nararamdaman ko nang makita kung paanong yakapin ni Vincent si ma'am at halikan ang pisngi nito, napalitan na ng di maipaliwanag na inis. Hindi na nito tinanggal ang pagkakapulupot ng kamay nito sa likod ng bewang ni ma'am.

Malapit na akong mawalan ng gana sa event na ito dahil puro mga mayayaman na tao lang rin naman ang nakikita ko at ang kasweetan na tila magnobyang si Vincent at Miss Salvacion. Sabi nya wala syang boyfriend? Ano yan? Kung makadikit talo pa ang asawa. Tsk.

Na saan na kaya si Star? Gusto ko nang maglibang.


"Hala ka may dyosaaa!"

Speaking of the devil..

Napalingon ako sa likod ko dahil narinig ko si Bituin na medyo tumili. Tumakbo ito palapit sa akin na akala mo hindi babaeng naka long gown. Bagay sa kanya ang suot nyang black mermaid V neck lace sequins.

"Wow, sexy natin ngayon ah," komento ko sa suot nya.

"Hoy gaga! Nakita mo ba 'yang sarili mo sa salamin bago ka pumunta dito?" tinampal nya pa yung braso ko nang sabihin nya iyon. "Pa'no ka naging ganyan kaganda? Hindi pa sana ako maniniwala pero ang dami kong naririnig kanina na may nakita silang magandang babae na pula ang buhok. Ikaw agad ang una kong naisip! Jusmiyo totoo nga!"

"Anong pinagsasabi mo dyan? Eh halos lamunin na ako ng buhay sa mga tingin nila."

"Inggit lang iyong mga ganoon ang tingin sayo. Pero inday! Head turner ka ngayong gabi!" maligalig pa nitong dagdag komento.

"That's right, you look marvelous, Sunnie," panggagatong naman ni Benjie sa usapan namin.

"Ay jusko! Sino 'yang fafa na katabi mo, Paeng?" nagniningning ang mga mata ni Star habang tinitignan si Benjie.

"Si Benjie 'yan," ngisi kong tugon.

"Holy shi— seryoso?!" nanlaki ang mga mata nito.

"Long time no see, Star." Iminuwestra ni Benjie ang mga braso upang hintayin na yakapin sya ni Star.

"Ampogi-pogi mo na lalo fafa Benjamin!"

Matapos magyakapan ng dalawa ay nagsimula na itong magkamustahan. Sa ilang beses na pagdalaw-dalaw ni Benjie sa SRACI noon ay nakilala na sya nila Star at ng ilang matatanda roon bukod pa kay Ryanne.


Nagkaroon pa ng kaunting announcements at ilang pagtatanghal sa mga sumunod na oras. I enjoyed watching some group of elderly people who dance and sing as they perform. What I love about this charity event, the cause will proceed to abandoned home for the aged all over the Philippines. Natutuwa ako na may nag-organisa ng ganitong klase ng event para sa matatandang hindi na nabibigyan ng pansin ng lipunan. I would definitely want to personally thank the organizer of this event.

Habang nagkakatuwaan kaming tatlo nila Star at Benjie sa aming lamesa, biglang lumapit ang isang grupo sa amin. Grupo ito nila Miss Salvacion, Vincent at ni Mr. Thompson. Nanlaki ang mga mata ko at tila nabato dahil sa isa pang babaeng kasama nila.

I've seen her! Where did I see this woman again?

"Benjamin, hijo. Kumusta ka?" tanong ni tanda at saka kinamayan si Benjie.

Burn For MeWhere stories live. Discover now