*Beep*
Umalarma ang de keypad kong cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Mag-aalas tres na ng hapon. Halos patakbo kong tinungo ang ballroom hall ng pasilidad dala ang isang instrumento. Nakakabinging katahimikan ang aking nadatnan.
Muntik pa akong madulas, aguy!
Puno ng pula at puting lobo ang makikita sa loob. May isang mahabang lamesa sa kaliwang gilid ng entablado at puno ng pagkain na handa para sa isang mahalagang oksyon. Samantalang sa kaliwa ay ang naglalakihang speakers, ngunit hindi na gumagana ang mga ito dahil matagl na din itong hindi nagagamit.
Kaya naman, nagsimula na akong tumipa sa lumang gitara na ipinahiram sa akin ni tatay Jun upang makuha ang atensyon ng iilang matatandang narito. Medyo may kalakasan ang bawat pagkalbit ng mga daliri ko sa kuwerdas nang sa gayon ay marinig nila ito at tumapat na ako kung nasan ang mikropono.
Kung tayo at matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, nasaan man
Ito ang pangarap ko...Sumilay ang ngiti sa labi ng isang sitenta y nueve na lalaki at may kaunting pagkabigla ang bumalatay sa sistema ng isang sitenta y sinco na babae. Yawa, nagulat ko na naman si 'la Belen. Napangiwi ako sa isip.
Tumayo si tatay Jun mula sa pagkakaupo at nilapitan kung saan naroon si lola Belen. Masuyo nya itong itinungo sa entabladong may kaliitan. Magkayakap na ang dalawang magkasintahan habang mabagal na nagsasayaw sa gitna at naaninag ko na bumubuka ang bibig ng ginoo na tila naghahayag ng pagsinta.
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang sa pagtanda natin...Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko...Nang matapos akong kumanta, mabilis kong pinuntahan ang dalawang bituin ng araw na 'to.
"Paeng!" itinaas ni 'tay Jun ang kanang kamay para tawagin ako at palapitin sa kanila.
"'tay Jun, 'la Belen! Happy 4th Anniversary po sa inyo. Mahal ko po kayo," mahigpit ko silang niyakap at hinalikan sa mga pisngi.
Kapwa sumalangit na ang kani-kanilang asawa. Nagkakilala lamang itong si 'la Belen at 'tay Jun limang taon ang nakaraan dito sa San Rapael Aged Care Institute. May kanya kanya nang pamilya ang apat na anak ng matandang babae at wala ni-isa ang piniling alaagan ito. Samantalang, boluntaryong pumunta ang nag-iisa na lamang sa buhay na matandang lalaki sa pasilidad na ito matapos sumakabilang-buhay ang kabiyak.
"Aba, mabuti at nakarating ka. Sobrang nalulungkot na itong itay Jun mo. Kulang na lamang ay magmukmok ito sa kanyang silid," sumbong ni 'la Belen.
"'tay naman, isang buwan pa lang po ako mula ng makaalis dito sa San Rapael. Namiss mo na ako kaagad hahaha," sinubukan kong pagaanin ang kanyang loob.
"Ikaw na bata ka, aba'y sinong hindi makakamis sa'yo? Lahat kaming narito ay nangungulila sa presensya mo. Kung maaari lamang ay pinigilan na kita sa pag-alis," ani itay.
"Hala, isa nga po kayo sa nagpilit sa akin na umalis dito, hindi ho ba, 'la Belen?" tudyo ko.
"Ano ka ba, Junior? Sobrang ganda ng oportunidad ang naroon sa syudad para kay Paeng. Hindi sya maaring mabulok dito sa isang tahanan na puno ng matatandang katulad natin," may bahid ng pagkalungkot na pahayag ni lola. Tinago ko ang kalungkutan ko sa aking pag ngiti.
Ang totoo nyan ay namimiss ko na rin ang mga gurang dito. Sila na ang tumayong pamilya at magulang sa buhay ko mula nang mapadpad ako sa lugar na ito.
Isang buwan pa lamang noong lumipat ako sa syudad para mag-aral ng ika-apat na taon ko sa Bachelor of Science in Culinary Arts. Dati akong nag-aaral sa nag-iisang State College dito sa aming bayan.

YOU ARE READING
Burn For Me
General FictionAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...