(NOT EDITED)
"Paeng!"
Nakapikit ako at dinadama ang masarap na pakiramdam ng pagdampi ng sariwa at malamig na hangin dito sa San Rapael. Nakahiga ako sa paborito kong spot sa may burol, ilang kilometro ang layo mula sa SRACI. Mag-a-alas sais na ng hapon at malapit na rin lumubog ang araw.
"Paeng, huy!"
Minsan ipaalala nyo sa akin na sakalin itong si Bituin ah? Lagi nalang ginagambala ang nananahimik kong mundo.
"Paeng, ano ba?!" inangat niya 'yong sumbrero na nakatakip sa mukha ko, napadiin ang pagpikit ko dahil sa liwanag. "Kanina pa talaga kita tinatawag. Natutulog ka na naman dito."
I groaned in response. "Ano ba 'yon?" sabay tumagilid ako sa pagkakahiga, ipinatong ko ang mga palad ko sa gilid ng aking ulo para gawing unan at nanatiling nakapikit ang mga mata.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Tumahol naman ng dalawang beses si Xavier na ilang hakbang ang layo mula sa pwesto ko. Malamang si Star lang 'yon. Ang kulit talaga ng babaeng 'to.
"Bakit ka ba narito? Hinahanap ka na nila tatay Jun at nay Belen, nag-aalala sila sayo. Pangalawang araw mo nang tumatambay dito sa San Rapael ah. Wala ka bang pasok sa eskwela?"
Nanatili ako sa aking pwesto.
"Wala," maikli kong sagot.
"Weh? Wala ka bang trabaho sa Cafe House?" patuloy na pagtatanong nito na ani mo'y hindi naniniwala sa sagot na narinig mula sa akin.
"Wala," I'm not really in the mood to talk. Gusto ko lang magrelax ngayon. Nagpaalam naman ako kay boss Aldis na hindi muna ako makakapasok ngayong buong linggo.
"Wala bang naghahanap sayo roon sa syudad?" May bahid iyon ng panunukso.
I decided to open my eyes, but still laying on the ground full of bermuda grass. Malinis ang paligid at natural na tumutubo ang ganitong klase ng damo lugar na ito kaya paborito ko itong tambayan.
Naalala ko na naman kung bakit ako biglang umuwi rito sa San Rapael. Napatiim-bagang ako dahil sa inis. I am frustrated like hell.
"Wala..."
Sino naman ang maghahanap sa akin doon?
For the 20th time, that gorgeous face of the only woman who can make my heart beat stop crossed my mind. Ang totoo ay hindi ko na talaga mabilang kung gaano kadalas na syang sumasagi sa isip ko nitong mga nakaraan.
Matapos ang charity event sa Cebu ay hindi ko na nakita si ma'am. Isa sa mga personal guard nya ang umalalay sa akin para dalhin ang mga box na nasa hotel room ko. Maingat na dinala ng men in black ang tatlong items na in-auction noong gabing iyon.
Hindi pa man ako nakakatanggap ng verbal confirmation mula kay Miss Salvacion ay sigurado na akong sya nga ang bidder number seven. Sya lang naman ang nakakaalam ng room number ko, hindi ba? Idagdag mo pa iyong note na nakita ko. Wala naman akong ibang nakaaway ng gabing iyon kung hindi sya lang.
Ang tanong ko lang eh, bakit sa akin nya binigay ang mga mamahaling prutas na iyon?
Sinusuyo ka nya dahil hindi kayo okay ng gabing 'yon.
Bakit naman nya ako susuyuin? Isang hamak na estudyante nya lang naman ako.
"Are you sure about that?"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang kilalang boses na nagsalita mula sa likoran ko.
Fudge. Di nya lang pinapatigil ang tibok ng puso ko. Kaya nya rin pabilisin ito ng ganon kadali. Simpleng marinig ko lang ang kanyang boses na kala mo laging bagong gising, nagwawala na ang kalooban ko.
YOU ARE READING
Burn For Me
Ficción GeneralAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...