Chapter 2: The Witches

24.3K 706 98
                                    

Chapter 2: The Witches

At the Lost World
Zeira's POV


"Wait, Ully!" Hinabol ko si Ully nang bigla siyang tumakbo palapit sa Magic Circle na nasa harap namin. It was a Mirror Magic Circle. Kumbaga, dalawang magic circle 'yon na magkatapat. Ang isa'y nasa lupa at nakalutang naman sa ere 'yong isa. Ang pinagkaiba lang nila, walang symbols 'yong nasa baba. Siguro ay para ma-balance ang power na nanggagaling mula sa buong Magic Circle kaya gano'n.

"I don't get this. Hindi tayo pwedeng gumamit ng Light o Dark Magic dito sa Lost World. Paanong nagkaroon ng Magic Circle?" he asked and looked at me. Umiling ako at ibinalik ang tingin sa Magic Circle na 'to. I don't know either. Nakatingin lang ako do'n nang mabaling ulit sa mga symbols na nasa loob ng malaking bilog ang atensyon ko. Life, Death, Reincarnation.

"Posible kayang may iba pang Welshes dito?" tanong ko sa sarili ko. Napansin ko ang pag-iling ni Ully.

"That's impossible, Zeira." Seryosong saad niya.

"Impossible?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Five years kang nandito, Ully. But you still saw me, right? Hindi imposibleng may iba pang Welshes na nandito." Giit ko sa kanya. Totoo naman ang sinasabi ko. Paano kung may iba pang Welshes dito? Paano kung malapit na namin silang makita? Paano kung sign na 'to na pwede kaming makabalik sa Otherworld?

He heaved out a deep sigh. "Kung nandito lang sila, bakit hindi natin sila nakikita? Five years na akong nandito. Pero ikaw lang ang kaisa-isang Welsh na nakita ko dito," he said intently.

Based on what I can see, sumuko na si Ully sa paniniwalang may Welshes dito. Na may tutulong pa samin na makaalis dito. Pero ako hindi. I need to get out of this place. Kung patay na nga ako, then I shouldn't be here even from the start, right? Maybe I'm not really dead. Siguro may pag-asa pa akong makabalik sa Otherworld. And by just looking at this Magic Circle, parang unti-unti nadadagdagan ang pag-asang 'yon sa puso ko.

"Exactly! Nakita mo pa rin ako. It doesn't matter kung matagal. What matters the most is we still met. And, yes. Hindi nga natin sila makita. But how can you explain this?" tanong ko at tumuro sa Magic Circle. Hindi siya sumagot kaya lumapit ako kay Ully at hinawakan ang kamay niya. Mukhang nagulat siya kaya hindi siya agad nakapag-react. I smiled at him when he looked at me. "Don't lose hope, Ully. May pag-asa pa tayong makaalis dito. I can feel it." I said, determined.

"Hindi ko na alam, Zeira."

Nalungkot ako nang bigla siyang naglakad palayo sa 'kin. Ni hindi manlang siya lumilingon. Nawalan na ba talaga siya ng pag-asa? Napapailing akong sumunod sa kanya. "Where are you going, Ully?" Tanong ko. Napansin ko kasing papalapit na siya kay Uno at Wuwu.

"Maghahanap ng pwedeng pagstay-an, Zeira. Bakit? Balak mo bang matulog d'yan hanggang sa malaman mo kung bakit may ganyan dito sa Lost World?" Pilosopong sagot nya. Sasagot pa sana ako dahil naiinis ako sa ugali nya kaso bigla siyang huminto sa paglakad. Ayoko kasi talagang pinipilosopo ako. Isang tao lang ang pwedeng pilosopohin ako. Si Wren lang.

"O, bakit ka humin--" Hindi ko na natapos ang tanong ko nang wala pang isang iglap, nahila na niya ako papunta sa isang malaking puno. Napapalibutan kasi ng gubat ang magic circle na 'yon. Habol-habol ko ang hininga ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Bakit niya ako dinala rito? Napatingin ako sa kanya nang masama pero mukha siyang nag-aalala habang nakatingin sa lugar kung nasaan ang Magic Circle. Napansin ko ring naglaho sila Wuwu at Uno. Hindi ko alam kung saan sila pumunta pero alam ko namang babalik sila dito. May kapangyarihan kasi ang mga White Dragon na maglaho bigla kapag may na-se-sense silang panganib.

Dahil sa expression ng mukha ni Ully, parang bigla rin akong kinabahan. Tumingin ako sa tinitignan niya at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mali. Sa mga nakikita ko. "What's the meaning of this?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa halos sampung tao na nakapalibot sa malaking Magic Circle. The Magic Circle glowed wildly as they chant some spells. Naririnig ko ang mga china-chant nila. Pero hindi ko alam kung para saan ang mga 'yon. They can do Light in the Lost World. But how?

The Heiress 2: The Lost WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon