Chapter 7: Betrayed
Zeira's POV
"Sino ka ba?" Naiinis na tanong ko sa babaeng nagpakilalang Aurora. I don't know her. Ngayon ko lang rin siya nakita. Ni hindi ko alam kung paano niya nalamang ako ang prinsesa.
"I've already told you, heiress. I'm Aurora." Sarcastic na naman na sabi niya. Hindi ba siya makakausap ng matino? At bakit ba niya kami pinadukot? Ano'ng problema niya? Bigla siyang tumingin kay Ully kaya napatingin rin ako sa katabi ko. "Long time no see, Wolf." She smirked at him. Wait. Magkakilala sila?
Ully glared at her. Napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin rin siya sa 'kin. My heart skipped a beat when my eyes met his. He looks worried and scared. Hindi ko alam pero parang bigla kong nakita si Wren sa kanya. At hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang expression niya.
Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan magsisimula kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka nalang tumingin kay Aurora. Nakangiti pa rin siya ng malademonyo sa 'kin.
"Ano'ng kailangan mo samin?" Ully asked. Halata sa boses niya ang pagkairita at galit.
Lumapit si Aurora sa Invisible Wall na nakapaligid samin ni Ully. She tapped it at kitang kita ko kung paano ito unti-unting naglaho. Kasabay ng paglaho ng invisible wall ay ang paglabas ng ibang Witches na nakapaligid samin. Napakunot ang noo ko nang makitang nakapalibot sila samin at hindi manlang gumagalaw. So illusion lang ang invisible wall na nakikita namin kanina? Ginamit lang nila 'yon para itago ang paligid kasama na rin ang mga Witches na nakapaligid rin samin ngayon. Ully's right. Maaaring may plano nga sila kaya ginawa nilang mas madaling basagin ang wall na 'yon. I'm so stupid!
"You're actually wrong, Ullyses. Kayo ang may kailangan samin." Nakatingin sa 'kin na sabi niya. I want to erase that playful smirk off her face. Lalapitan ko sana siya nang bigla akong pigilan ni Ully. Tinignan ko siya ng masama pero umiling lang siya.
"Hwag kang padalus-dalos, Zeira."
I rolled my eyes at him at saka ko marahas na kinuha ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Bigla namang tumawa ang bruha na nasa harap namin.
"I hope you know what you're doing, Ullyses. Sigurado akong hindi siya matutuwa kapag nalaman niya ang nararamdaman mo," she said. Umiiling pa siya habang parang tuwang-tuwang nakatingin kay Ullyses. Anong pinag-uusapan nila? Sino ang hindi matutuwa? Anong nararamdaman?
"Shut the fuck up." Ully said angrily. Ngayon ko lang siyang narinig na ganito. He looks really mad na parang gusto na niyang pumatay pero hindi ko na 'yon pinansin. Kung ano man ang pinag-uusapan nila, hindi ko na dapat 'yon pakialaman. Dahil for sure, hindi naman ako involved do'n.
Aurora shrugged. "As you wish." Tumingin siya sa mga kasama niya. "You may now start." Then, she stepped back. Bigla akong kinabahan nang dahil do'n. Anong gagawin nila?
May isang witch na lumapit samin. Nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha nya dahil sa cloak na suot niya. Ganoon rin ang ibang Witches na nandito. Para silang kulto na gagawa ng orasyon. Kinabahan ako nang may ilan ring Witches na sumama sa kanya at lumapit samin. Napaatras ako pero nakapalibot sila samin kaya napahinto rin ako sa pag-atras.
"A-anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa dalawang Witch na bigla akong hinawakan ng mahigpit.
"Bitawan niyo siya! Shit!" Napatingin ako kay Ully na hinawakan naman ng ibang Witches na lumapit samin. Unti-unti nila siyang inilalayo sa 'kin pero pumipiglas siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Hindi dahil sa nangyayari kung hindi dahil nilalayo nila si Ully sa 'kin.
Parang... parang yung panaginip ko dati no'ng tinurn ako ni Roanna sa pagiging Vampress. Napailing ako nang maalala ko si Wren. Ang expression ng mukha niya habang nakatingin sa 'kin at nagpupumiglas para makalapit. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hinawakan ng isa sa kanila ang ulo ni Ully. She looks like she's putting him under a spell dahil bigla nal ng siyang nawalan ng malay.
"U-ully! Anong ginagawa nyo?!" Sigaw ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot pero unti-unti rin iyong naging galit. "Bitawan nyo siya!" Nagpupumiglas ako sa dalawang Witches na nakahawak sa 'kin hanggang sa makawala ako sa kanila. Mabuti nalang at bumalik na sa 'kin ang kapangyarihan ko. Ngayon ko lang rin napagtantong nasa Wrediff City kami pero wala na ang malaking Magic Circle dito.
Mabilis akong lumapit kila Ully pero bago pa man ako makalapit, bigla nalang unti-unting naging abo si Ully at saka sumabay sa ihip ng hangin. Napahinto ako habang gulat na gulat sa nangyari. Pakiramdam ko, nawalan ako bigla ng lakas kaya napaupo ako sa sahig habang nakatingin pa rin sa same spot na kinatatayuan ni Ully kanina. What happened?
"A-anong ginawa nyo sa kanya?" My whole body is trembling dahil sa magkahalong takot at galit na nararamdaman ko. What did they just do? Gustong gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. It's more frustrating dahil wala akong kaalam alam sa nangyayari sa paligid ko. "Anong ginawa nyo kay Ully?!"
Pakiramdam ko, bumalik ako sa dati. Lahat ng sakit sa mga napagdaanan ko sa Mortal at Otherworld, ngayon bumabalik sa 'kin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang gustong gusto ko nalang magpahinga. Hindi ko na kaya. Ilang beses ko bang mararamdaman na iniwan ako?
"He's gone, Zeira. Hindi siya patay at hindi rin siya buhay. Maybe he's wandering around, maybe not. Hindi natin masasabi." May demonyang nagsalita mula sa likod ko kaya napatayo ako at napatingin sa kanya. Hindi natin masasabi?! What the freak!
"Ibalik niyo dito si Ully." Nakatingin ako ng masama kay Aurora. Hindi ko ininda ang biglang paglakas ng ihip ng hangin sa paligid. Kita ko rin kung paano naging marahas ang paggalaw ng mga punong nakapaligid samin. Napaatras lahat ng witches at warlocks na nakapaligid. "Ibalik nyo siya!" Wala akong pakialam kahit sobrang lakas na ng energy na pinapakawalan ko. I just want all of them to vanish like what they did to Ully. Pero wala manlang reaksyon ng pagkatakot na mababakas sa mukha ni Aurora.
She's just looking at me na parang gustong-gusto niya ang ginagawa ko na mas ikinagalit ko. Itinaas ko ang mga kamay ko at inipon lahat ng energy don. I thought of water at unti unti ring nahaluan ng tubig na may lason ang hangin na iniipon ko kanina. Umakyat iyon sa langit at naging isang maliwanag na ulap. Tumingin ulit ako sa mga Witches na nandito. Ang iba ay nakanganga at gulat sa ginawa ko pero nakangiti lang sa 'kin si Aurora. Hindi nagbabago ang expression ng mukha niya.
Hindi ba siya natatakot? Isang pitik ko lang, maaari silang maglaho ng parang bula.
Ibinaba ko ang kamay ko at papakawalan na sana ang ginawa kong poisonous rain nang bigla akong makarinig ng malakas na pagsabog.
Napatingin ako sa likod ko at nakita ang ibang Witches na nakahandusay sa sahig. Unti-unti silang nagiging abo na sumasabay sa hangin. Katulad ng nangyari kay Ully kanina.
"Zeira! Control your emotions!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita at nakita ko si Red. What is she doing here? Nakita kong nagsilapitan sa kanya ang ibang Witches at balak siyang atakihin. I motioned my hand on them kaya mabilis na nagsibagsakan yung mga tubig na may halong lason sa kanila. Kung titignan, isa lang iyong mabigat na ulap na naglalabas ng ulan pero kapag palapit na ito sa gusto kong patamaan, nagiging dagger na ang tubig. Gaya ng ginawa ko dati sa training namin ni Yana. Lahat ng nagtangkang umatake kay Red, ay naging abo at sumabay sa ihip ng hangin. "Heiress!" Gulat na gulat na tawag ni Red sa 'kin. Napakunot ang noo ko nang tumingin siya sa taas. Napatingin rin ako do'n.
Then, I saw the familiar Magic Circle na umiilaw at napapalibutan ako. Mas lalo akong nagtakha. Anong nangyayari? Wala naman 'to kanina. Mas lalo pa akong nagtaka nang biglang magkaroon ng symbol sa ibaba ng Magic Circle. Walang symbol 'yon dati pero ngayon unti-unti iyong lumabas. Symbol of Pain and Hatred.
"Hindi ako nagkamali. Ikaw nga ang susi para mabasag ang wall." Napalingon ako kay Aurora nang magsalita siya. Anong ibig niyang sabihin? Anong ako ang susi?
"Zeira! Umalis ka na diyan!" Sigaw ni Red. Sinunod ko ang sinasabi niya kahit naguguluhan pa rin ako. Mabilis akong tumakbo palabas ng Magic Circle kaya bigla iyong nawala.
"Pigilan niyo siya!" Aurora said. Gagamitan ko sana sila ng Light pero pinigilan ako ni Red.
"Don't use your Light, Heiress," she said at saka pinatamaan lahat ng nagtangkang humarang sa 'kin. Nang mapatumba niya lahat ng Witches na nandito, bigla siyang sumipol. "We are outnumbered." Pagpapatuloy niya.
Napatingin ako sa langit nang makitang paparating sila Wuwu at Uno para sunduin kami. Mabilis siyang sumakay kay Uno at ako naman kay Wuwu. Paalis na kami nang makita ko si Aurora. May iilan pang Witches at Warlocks na nakatayo sa likod niya. Nakatingin sila sa 'kin ng masama na parang sinasabing magkikita pa kami ulit.
"Tara na, Wuwu." Mahinahong sabi ko at saka kami lumipad paalis sa Wrediff City.
--
Hindi ko alam kung ilang oras na kami naglalakbay para humanap ng bagong matutuluyan kung saan hindi kami makikita nila Aurora. Sigurado kasing babalikan nila 'yong bahay ni Red dahil doon nila kami nakita. Nasa tabi namin ni Wuwu sila Uno at Red. Seryoso lang siya habang nakatingin sa dinadaanan namin.
Gusto kong magtanong. Ang dami kong gustong malaman. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kung saan ko sisimulan.
Ramdam ko ang pagbigat ng katawan ko dahil sa pag-alis ng kapangyarihan ko dito. Nakakamiss rin palang gumamit ng spells.
Dumiretso lang ako ng tingin sa dinadaanan namin at nagpatuloy sa paghahanap. Mamaya ko nalang siguro tatanungin si Red sa mga nangyari ngayon. Hindi ko kasi alam kung kakayanin pa ba ng katawan ko ang mga sasabihin niya. Lalo na sa dami ng energy na nawala sa 'kin kanina.
Yana's POV
It's almost a week simula nang mag-away kami ni Zero pero hindi na niya ako sinuyo simula no'n. I don't get him. Siya na nga itong may kasalanan sa 'kin, siya pa ang may ganang magalit? Unbelievable!
Ang mas nakakainis pa do'n, may mga times na nakikita kong magkasama sila ng Witch na 'yon! Paanong may oras siya para kay Chelsea pero para sa 'kin, wala? Hindi naman kami naghiwalay. Bakit ganito siya kung makaasta ngayon?
"Yana?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Roanna. Kumunot ang noo ko nang makita ko siya rito. Paano siya nakaakyat dito sa floating island na ginawa ko? Hindi naman niya kayang lumipad. "Don't look at me like that." Mukhang nawirduhan siya sa tingin ko kaya umiwas nalang ako. Tinignan ko ang buong Lairhart Palace mula dito. Nasa edge kasi ako ng floating island kaya kitang kita ang tanawin. "Why are you here? Hindi ba dapat naghahanda ka para bukas?"
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Hindi ko kaibigan si Roanna. Actually, hindi kami ganoon ka-close kaya nagtatakha talaga ako kung bakit siya nandito ngayon.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko rin sa kanya.
Ramdam ko ang pag-irap niya dahil hindi ko siya sinagot. "I asked you first." She said irritatingly. Hindi ko siya sinagot kaya napilitan narin siyang sagutin ang tanong ko. "Well, Viex and I saw you here. And since, lalaki daw siya, ako nalang daw ang kumausap sa 'yo. He made a ladder para makaakyat ako rito." Walang ganang sagot niya. Bakit kung sabihin niya ang pangalan ni Viex, parang nasasaktan siya? Hindi gaya no'ng nakaraan nang in-announce niya na nag-propose siya kay Viex at um-oo naman daw 'yong isa. She looks inlove. Halata 'yon sa boses niya. Ano namang nangyari ngayon? "So bakit nga nandito ka at hindi ka naghahanda para sa competition bukas?"
Napatingin ako sa kanya. "Bakit ako maghahanda? Hindi naman ako ang lalaban."
She rolled her eyes again. "Duh! Lalaban ang karibal mo bukas! Don't you want to see her fail? And for vampire's sake! You're one of the leaders kaya dapat nandoon ka!"
Ang kulit rin talaga nitong isang 'to. Bumuntong hininga nalang ako. "I actually don't want to see that bitch."
Tumawa si Roanna kaya napatingin ako sa kanya. "I know how you feel. Ang pangit kasi ng witch na 'yon kaya hindi ka talaga makakatagal na makita siya. Such a pain in the eyes. Hindi ko nga alam kung paano natiis ni Wren na sunod 'yon ng sunod sa kanya." Maarteng sabi ni Roanna na ikinatawa ko rin.
Grabe naman kasi siyang makapanglait. Halatang galit na galit rin siya sa babaeng iyon. "Teka, bakit ka ba galit sa kanya?" Tanong ko sa kanya.
She crossed her arms at tumingin sa 'kin ng masama. "Malandi kasi siya. She's flirting with your stupid boyfriend pati na rin kay Wren."
"Maka-stupid naman 'to. Girlfriend here." Naiiling na sabi ko.
Tumingin siya sa 'kin at ngumiti ng nang-aasar. "Oh, sorry. No offense pero totoo naman kasi."
Natawa naman ako. Napakaprangka talaga ng babaeng 'to.
"And," napatingin ako sa kanya nang bigla siyang sumeryoso. "She's messing with our minds. Lalong lalo na kila Wren at Viex," she said seriously at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"What do you mean?"
"She wants Wren."
"Flirt. And?"
"She said na kaya niyang ibalik sa Otherworld si Zeira." Diretso niyang sabi na ikinagulat ko.
"What?!"
Tumango siya. "Hindi ko alam kung paano niya gagawin 'yon pero gusto niyang bumalik si Wren sa kanya at saka niya ibabalik si Zeira sa 'tin." I gasped. She's a real bitch. Hinintay ko pa ang mga susunod na sasabihin ni Roanna. "You see. Gusto kong bumalik si Zeira dito. We all do. But I'm scared."
I nodded. "Because of what Viex will feel?"
Tumango ulit siya. I knew it. Kaya pala para siyang nasasaktan kanina. Ang galing rin palang magtago ng emosyon ng isang 'to. Akala mo ang saya niya pero may mga bagay rin siyang kinikimkim.
Natahimik lang kami pagkatapos no'n. Parang walang gustong magsalita. Hanggang sa tumayo na ako. "You know what, hindi tayo dapat nagmumukmok dito. Ipaglaban natin kung ano 'yong sa 'tin."
She looked at me and smirked. "I know, right?"I laughed. Ibang klase! I thought iiyak na siya kanina pero tumayo rin siya. "Look for Zero and say sorry. Iparamdam mo sa kanya kung ano ang pakakawalan niya nang dahil lang sa bitch na 'yon. Then, mag-ready ka na rin para sa competition bukas. And as for me, hahanapin ko lang ang fiance ko dahil baka may makatuklaw na ahas."
I nodded at her. "Sure. Thank you, Roanna. You are not the bitch I though you were, after all."
Tumawa siya. "No worries."
--
Bumalik ako sa palasyo pagkatapos naming mag-usap ni Roanna. Kanina ko pa hinahanap si Zero kagaya ng payo niya sa 'kin pero hindi ko siya makita. Pumunta ako sa tuktok ng palasyo kung saan nandoon ang Library. Baka kasi nandoon siya. Mahilig rin kasi 'yong tumambay sa loob noon para mag-aral ng ibang spells.
Papasok na sana ako sa loob ng Library nang makita ko si Winston na kalalabas lang do'n. Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya dahil parang gulat na gulat pa siyang nakita ako dito.
"Y-yana?"
"Bakit parang nakakita ka ng multo?"
"H-huh? Wala. Saan ka pupunta?" Isinara niya ang pinto ng library mula sa likod niya kaya napaatras ako.
"Hinahanap ko si Zero. Nandiyan ba siya?"
"A-ah? W-wala e. Hindi ko rin siya nakikita. Baka nasa labas ng palasyo."
"Sigurado ka?" Nagtatakha kong tanong. Para kasi siyang kinakabahan. Nagsisinungaling ba siya?
"Oo naman," he said saka ngumiti.
"Gano'n ba?" Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman nandito siya. Saan kaya pumunta ang isang 'yon?
Tumango si Winston sa 'kin. "Bababa ka na ba? Gusto mo sabay na tayo?" He offered.
Napatingin ako sa pinto ng Library. Siguro nga wala siya dito. Bumuntong hininga ako ulit at saka tumingin kay Winston. "Sige."
"Bakit mo nga pala siya hinahanap?" Tanong sa 'kin ni Winston saka kami nag-umpisang maglakad paalis.
"Magsosorry sana ak--" sabay kaming napalingon nang marinig naming bumukas ang pinto ng Library. Na sana hindi ko nalang ginawa."Zero?" nakakunot ang mata kong tawag sa kanya. Napahinto siya pati na rin ang kasama niya nang makita ako. "Chelsea." Tawag ko rin sa pangalan niya ng may halong pagkauyam.
Bumaba ang tingin ko hanggang sa masagip ng mata ko ang magkahawak nilang mga kamay. So kaya pala hindi siya nag-so-sorry sa 'kin? Kaya hindi ko siya makita? Wow! Lumapit lang siya sa babaeng ito, nahawa na agad siya ng kakatihan?
"Y-yana?" he said at saka bumitaw sa pagkakahawak niya kay Chelsea. Huli na, Zero! Bumitaw ka pa. Nakakahiya naman kasi sa kalandian niyong dalawa. Gusto ko 'yang sabihin sa kanya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Gusto ko ring umiyak pero sino sila para iyakan ko? Boyfriend ko lang naman ang lalaking nasa harap ko at may ka-holding hands lang naman siyang malanding babae. Sino nga ba naman sila? "Yana, I can explain." Akmang lalapit sa 'kin si Zero pero umatras ako.
"Wag ka nang lumapit, tol." Napatingin ako kay Winston nang bigla siyang pumagitna samin ni Zero.
Nakita ko naman na nakangiti yung bruha. She's really enjoying the view, huh?
Masamang tinignan ni Zero si Winston at magsasalita pa sana siya nang bigla kong hinawakan ang kamay ni Winston. I intertwined my fingers against his. Mukhang nagulat si Zero sa nakita niya pero hindi siya umimik. Ganoon rin si Winston. Napatingin pa siya sa 'kin habang nakakunot ang noo pero siguro na-realize niya rin ang gusto kong iparating kaya nakisakay nalang siya.
Tinignan ko si Zero. "You don't have to explain anything, Zero." I gave him my most genuine smile at saka tumingin kay Chelsea na natahimik rin dahil sa ginawa ko. "Naiintindihan ko naman ang gusto mong iparating." Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Winston dahil pakiramdam ko, maiiyak na ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
"Y-yana..." Zero mumbled.
Humarap ako kay Winston habang nakatalikod sa kanila para hindi nila makita ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. "You want to hear my answer, right?" Tanong ko sa kanya kahit wala naman siyang tinatanong. Tumango nalang siya. "Yes. Sinasagot na kita." I said at saka yumakap sa kanya. Nagulat siya pero yumakap nalang rin siya sa 'kin.
"Thank you, Yana," he said at saka marahang hinalikan ang buhok ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ang tuwa sa boses niya. Pero mas okay na 'yon kesa naman mahalata nilang nagsisinungaling kami.
"Girlfriend." Rinig ko ang pagtawag ni Zero sa 'kin na naging dahilan ng pagpatak ng mga luha ko. Buti nalang nakatalikod ako sa kanila.
"Let's go, Zero. Hayaan mo na sila." Aya ni Chelsea sa kanya. Bitch. Magagantihan rin kita.
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasyThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!