Chapter 3: Wrediff City
Syndrie's POV
"Tapos na ang meeting niyo?" Tanong ni Mishiena kila Yumi at Yuki nang lumabas sila sa Meeting Room ng palasyo. Kanina pa kami naghihintay dito ni Mishie dahil gusto niya raw malaman agad ang mga napag-usapan ng Leaders dahil may masama raw siyang kutob. Psh. May lahi talagang chismosa ang babaeng 'to. Kulang na nga lang, sirain nya 'yong pader ng Meeting Room dahil hindi niya mapakinggan ang mga napag-uusapan sa loob. May spell kasi na nakapalibot sa buong palasyo kaya pati ang meeting room, damay do'n. Kaya kahit vampire siya, hindi niya maririnig kung ano'ng mga nangyayari sa loob.
I rolled my eyes at her kahit hindi naman siya nakatingin sa 'kin. Ako na ang sumagot dahil mukhang wala naman sa sarili 'yong dalawang Elves. "Hindi, Mishie. On-going pa ang meeting nila. Kaluluwa lang nila 'yang nakikita mo." I said sarcastically. Madalas kasi, hindi rin madadaan sa matinong pag-uusap 'tong si Mishie. Kaya kailangan mong baligtarin ang meaning ng mga sinasabi mo.
Tumingin siya sa 'kin ng masama pero hindi ko nalang siya pinansin. Nakalabas na rin pala sila Wren, Yana at Zero. Pero mukha yatang wala sa mood si Yana dahil patuloy lang siya sa paglakad at hindi manlang niya kami napansin dito. Nakasunod naman sa kanya si Zero. Magkagalit pa rin sila?
"Layuan mo sabi ako!" Sigaw niya. Confirmed. Magkagalit pa nga.
"Yana naman. Don't you want to hear my side?" May paglalambing sa boses ni Zero. Mukha silang mga teenagers na may lover's quarrel sa Mortal World. It sucks. Parang gusto ko ngang masuka dahil sa nangyayari dahil ayoko talagang nakakakita ng ganito. Lalo na 'yong mga matatamis na moments nila. Nakakadiri. Paano nila naaatim na makipagmatamisan? Kung hindi lang talaga seryoso 'yong away nila baka nabatukan ko na sila pareho.
"Obvious ba?"
"Bakit ba ganyan ka sa 'kin?"
"Sabi nang layuan mo ako e!"
"Ayoko--shit!" Zero shouted in pain.
"Oh my Ghad, Yana!"
"Zero!"
"What the hell, Yana? What's happening to you?"
Napasalampak si Zero sa sahig habang nakahawak sa tiyan niya. Lumapit na kami dahil parang sobra na 'yong galit ni Yana. Ginamitan na kasi niya ng Light si Zero at kung hindi pa kami pumagitna, baka iba na talaga ang mangyari. Ngayon lang sila nag-away ng ganito kaya hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Gusto kong isipin na deserve naman ni Zero 'yong nangyari pero hindi pa naman namin alam kung ano ang tunay na dahilan niya.
"I told you. Layuan mo muna ako." Yana said coldly and started to walk away. Nakatingin lang kaming lahat hanggang sa mawala siya sa paningin namin. Tinulungang patayuin nila Mishiena si Zero tapos pinagaling naman siya nila Yumi at Yuki. Napatingin ako kay Wren nang makita ko siyang naglalakad na palayo.
"Wolf, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napahinto siya pero hindi siya lumingon samin. He then shrugged.
"Wala ka nang pakialam do'n," sabi niya at saka tuluyang umalis. Napakabastos talaga ng lalaking 'yon. Hindi ko rin talaga alam kung bakit nagustuhan siya ni Zy. Napapailing nalang ako na napatingin kay Zero. Mukhang nasaktan talaga siya. Pero parang hindi naman dahil sa nangyari. Siguro dahil ayaw siyang pakinggan ni Yana.
"Ano'ng nangyari sayo tol?" Napalingon naman ako sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil pakiramdam ko bigla akong napangiti pero mabilis ko ring inalis 'yon. Ano bang nangyayari sa 'yo Syndrie?
Tumingin ako sa nagtanong na si Riley na walang emosyon ang mukha ko. "Obvious bang nadisgrasya? Malabo ba mata mo o sadyang tanga ka lang talaga?" Nang-iinis na sabi ko pero hindi ako ngumisi. Naghihintay ako ng sagot niya pero nakatingin lang siya ng diretso kay Zero na nakaupo sa sahig. Ni hindi niya nga ako pinansin o tinapunan manlang ng tingin. Ano'ng problema ng punyetang pangit na 'to?
"Nag-away sila ni Yana. Medyo nagkasakitan lang." Malumanay na sabi ni Mishie. Tumango nalang si Riley. Bwisit na lalaki 'to. Ibalibag ko kaya siya at ipalechon sa White Dragon? Nakakainis e.
"Ano bang ginawa mo kay Yana pre? Ginagalit mo yata e." Natatawa-tawang sabi ni Exl sa kanya pero sinamaan lang siya ng tingin ni Zero.
"Wag ka munang makulit, Exl." Mishie said.
Bigla namang nag-salute yung mokong sa kanya. "Yes, boss!" sabi niya na ikinatawa naman no'ng iba kasama na si Mishie. Halatang-halata na gusto nila ang isa't isa. Hindi pa lang siguro makapili 'tong si Mishiena dahil akala niya mahal niya pa rin si Nijel. Pero sa tingin ko, iniisip nalang niya 'yon e. Matagal ko nang kilala si Mishie at never pa siyang naging komportable sa ibang lalaki. Bukod siguro kay Night Collins na naging kaibigan niya. Maski kasi si Nijel, naiilang siya. Pero kay Exl? Iba talaga e.
Pero bakit ko ba pinoproblema ang lovelife ni Mishie? Nasa kanya pa rin naman ang huling desisyon. Saka nababadtrip pa rin talaga ako kay Riley. Kung galit siya, sabihin niya. Hindi 'yong parang gusto niya yata, habulin ko siya. Bwisit na monggoloid to.
"Alis na ko." Cold na sabi ko. Hindi pa man sila nakakasagot ay umalis na ako. "Rinn!" Inis na sabi ko at saka kusang lumabas ang broomstick ko. Sumakay ako ro'n at saka lumipad palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kailangan ko lang talagang mapag-isa.
Mishie's POV
What happened to Syndrie? Was she in a bad shape? Parang kanina lang nakikipaglokohan pa siya ah. And normal lang naman na sarcastic siya. But being cold? Nah. Totally not her.
"Ano'ng nangyari kay Alistair Syndrie?" Yumi asked so napatingin ako sa kanya. Natapos na pala nilang gamutin si Zero at mukhang okay naman na siya.
I shrugged. "I don't know either."
"Lagot ka tol." Eight said. Napatingin kami sa kanya habang nakatingin siya kay Riley. Riley looks like he's not in the mood too. May LQ ba sila? I knew it! Maybe Syn really likes him! So, when Riley ignored Syn, nainis siya because that's the first time. Oh, my G!
"Ano ginawa ko?" Riley said coldly. But what happened nga kaya?
"Hindi mo kasi pinansin e. LQ ba kayo?" Vander asked so nabaling lahat ng atensyon kay Riley. We all looked at him with scrutiny but he just rolled his eyes.
"Tigilan niyo nga pagtatanong. Aalis na ko." At saka siya tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo. Ano nga kayang nangyari sa kanilang dalawa? Pati ba sila nag-away? Pati sila Zero and Yana were not in good terms. What's happening to us?
"Teka tol! Sama kami!" The other wolves said then followed him, well except for Exl. Tumingin siya sa 'kin tapos napakamot siya sa ulo niya.
"Why?" Nagtataka kong tanong sa kanya. He looks weird at parang gusto na yata niyang tumakbo paalis dito sa itsura niya. Gusto kong tumawa but I can't. That would be mean.
"Aish. Ano. Mishiena Brent." He looks at me with those sincere eyes. He then, held my hands. "P-pwede ka bang makausap mamaya?" he asked looking directly on my eyes.
I felt like my face was burning red but I just smiled. "Sure."
Mas lumawak ang ngiti niya and said 'yes' like he's so happy kaya natawa nalang ako. Nakangiti siya habang naglalakad palayo samin pero nakaharap naman samin ang whole body niya. "Mamaya ah?" He asked. I nodded in response.
Aalis na sana siya nang may maalala ako. "Wait, Exl! Where? And when?" I asked in confusion.
He, again, smiled. "Basta. Susunduin nalang kita," sabi niya at saka tumakbo paalis. Kaso nga lang-- "Shit! Sorry!" Hinging paumanhin niya sa isang taga-silbi na nabunggo niya. Natawa naman kami. He's so cute.
"Bakit ang landi niyo?"
Napatingin ako kay Yuki nang magsalita siya. She's pouting and she's just so cute that I want to pinch her cheeks so badly. Natawa lang ako pati na rin si Yumi. Pero tahimik lang si Zero so napatingin ako sa kanya.
"Ano palang nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanya. He sighed. Mukhang worried na worried siya sa mga nangyayari. Naaawa tuloy ako
"She's jealous about Chelsea," sabi niya at napabuntong hininga na naman.
Chelsea? Yun ba yung kinukwento ni Yana kagabi sa party?
"The witch?" Yumi and Yuki both said in surprise. I was about to ask that. Buti nalang tinanong nila. Nakatingin lang kami kay Zero when he nodded. He looks devastated this time.
Napailing ako. So, kaya pala badtrip na badtrip na naman si Yana because of that flirt? "What's the issue this time?" I asked curiously.
"Nakita niya kami na magkasama sa falls kanina. Kasama pa nga niya si Syndrie." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kaya naman pala nagalit si Yana! She's not just jealous but mad! Obviously, hindi sinabi ni Zero kay Yana ang tungkol sa bagay na 'yon. She deserves to be mad. "Pero wala naman kaming ginagawang masama ni Chelsea. Pangako! Nakikipagkaibigan lang naman siya. At nanghihingi ng favor," he said.
"Favor? What favor?" Sabay sabay kaming tatlo nila Yumi at Yuki na nagtanong.
"He wants to talk to Wren so..." he said casually.
"So?"
"Sinabi ko kay Wren na puntahan siya." he continued.
"What?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Anong gusto niyang sabihin kay Wren? Oh my G! Pakiramdam ko masasabunutan ko talaga 'yong Chelsea na 'yon kapag nakita ko siya. Does she want to flirt with my bestfriend's boyfriend?! Wala akong pakialam kung wala dito si Zy but technically sila pa rin! Kaya naman pala umalis si Wren kanina!
"I'm sorry. Mabait naman 'yong tao. She's harmless," he said. Nakita kong napapailing nalang 'yong kambal dito sa tabi ko.
"Of course, she's harmless. But obviously, she's a flirt." Napapailing na sabi ko habang nakatingin ng masama kay Zero. Naiinis talaga ako!
"Wag ka namang ganyan sa kanya, Mishiena. Hindi niyo pa kasi siya nakikilala kaya nasasabi nyo 'yan. But she's a great person," he said. Something's off. Hindi ko alam kung ano pero ang weird ngayon ni Zero. Something's different about him today but I just shrugged it off.
I smiled sarcastically at him like I want to say 'Do I look like I care about her crappy attitude?'
"Wait. So siya 'yong i-su-suggest mo dapat kanina?" Napatingin ako kay Yumi nang magsalita siya.
"Right! So siya nga?" Segunda ni Yuki kahit mukhang wala naman siyang naiintindihan sa nangyayari. "Wait. Sino ba 'yon, twinny?" tanong niyang naguguluhan kaya napailing ako. See?
Hindi siya pinansin ni Yumi at nakatingin lang kay Zero. He nodded.
"Sinuggest saan?" I asked
Yumi looked at me. "To be Jae Kyline's replacement as a Witch's Leader. Dapat si Alistair Syn kaso ayaw naman niyang talikuran ang pagiging Alistair," she seriously said.
Napanganga ako at parang gusto ko na yatang maging brutal katulad ni Yana at Syndrie at chopchop-in nalang ang katawan ni Zero. What is he doing?! Nababaliw na ba siya?!
"Sorry na."
"Tsk! So, what happened? Is she the new leader?"
"Thankfully, hindi." Yumi said. Parang nakahinga ako ng maluwag nang dahil do'n. "Sumingit kasi si Yana so ang mangyayari, magkakaroon nalang ng competition for those who want to be the next leader," she continued.
"That's good! So, when is it?"
"Five days from now." Zero answered.
I smiled. May panahon pa ako para kumbinsihin si Syndrie. I'm sure sasali rin 'yong bruhang si Chelsea kaya kailangan niya ring sumali at talunin ang flirt na 'yon!
Zeira's POV
Sumunod lang kami kay Red hanggang sa makarating kami sa isang maliit na bahay. Hindi gaya ng halos lahat ng bahay dito, maayos itong bahay ni Red. Siguro dito na rin siya nagstay simula no'ng mapunta siya rito. Parang isang buong kwarto lang ito na may maliit na kama at lamesa. Wala nang ibang gamit bukod do'n.
Iniangat ko ang mga kamay ko nang may maramdaman akong kakaiba. Tinignan ko 'yon pero wala namang nangyayari. Something's wrong. Why do I feel like I'm out of energy? Ganito rin ang nafi-feel ko simula nang mapunta ako dito sa Lost World. Pero nag-iba 'yon kanina. Tapos ngayon, parang bigla nalang akong napagod at nanghihina.
"Nararamdaman mo rin?" Napatingin ako kay Ully at tumango. Anong nangyayari sa 'min?
"It's natural." Nabaling ang atensyon namin parehas kay Red. "Dahil yan sa Light na unti-unting lumalabas sa mga katawan niyo. Meaning, wala na ulit kayong kapangyarihan," she said seriously.
"What? Ano'ng ibig mong sabihin?" I asked confused. Bumalik na ang Light ko, ramdam ko 'yon pero bakit nawawala na naman?
"There are certain places here in the Lost World where you can use Light. Siguro, sa 100%, 5% lang ang sakop no'n. At isa sa mga place na 'yon ang Wrediff City." Paliwanag niya. Magtatanong sana ako kung ano at saan ang Wrediff City pero naunahan ako ni Ully.
"Wrediff City?" He asked also confused.
Red nodded. "'Yon 'yong City na pinanggalingan natin kanina. Where you saw the Mirror Magic Circle. That's the only Magic City na napuntahan ko dito sa Lost World."
"Ibig sabihin, kapag nando'n kami, saka lang namin magagamit ang mga kapangyarihan namin?" Tanong ulit ni Ully. Tumango naman si Red bilang sagot. Umupo siya sa kama na nasa harap namin.
"About that Mirror Magic Circle. Para saan 'yon?" Tanong ko naman at saka humalukipkip. Tumingin sa 'kin ng seryoso si Red. Ngayon ko lang napansin na sobrang dark pala ng aura ng mata niya. Pero mukha pa rin siyang mabait kahit gano'n.
"That's a Reincarnation Magic Circle, Heiress. Gusto ng mga Witches na nakita nyo kanina na makabalik sa Otherworld kaya nila isinasagawa ang Magic Circle na 'yon," she said. Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Ibig bang sabihin no'n, may pag-asa pa kaming makabalik? "Pero bawal ang ginagawa nila."
"Why is that? Gusto lang naman nilang makabalik. Gaya ko. Ano'ng masama do'n?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.
"You don't understand, Heiress. Wrediff City is a Wall City. Kapag nakumpleto nila ang Magic Circle, mawawala ang balance ng mundong ito kaya mawawala rin ang Wrediff City which means, pwedeng mawala rin ang Wall na naghihiwalay sa Otherworld at Lost World. At kapag nangyari 'yon, lahat ng mga namatay na Welshes, mabubuhay at makakabalik ulit sa Otherworld," she explained. Natulala ako nang dahil sa mga sinabi niya.
"Ibig sabihin, itong Lost World--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sumingit na si Red.
"Yes, Heiress. Lahat ng mga namatay na Welshes, dito napupunta. It's like a dimension of death and punishment," she said. Ibig sabihin, patay na talaga ako.
"Pero bakit hindi natin nakikita ang ibang mga namatay? Like Leo Arunafeltz. Sabay kaming namatay pero bakit mag-isa lang akong napunta dito dati?" Tanong ko. Napatingin ako kay Ully dahil hindi siya nagsasalita pero parang may malalim rin siyang iniisip.
"Like what I said, The Lost World is a dimension of death and punishment. Lahat ng mga napupunta dito, nagdurusa. At hindi 'yon mangyayari kung marami siyang kasama. Siguro, nasa ibang parte siya ng lugar na 'to, siguro rin, nasa tabi mo lang siya. Pero hindi nyo nakikita ang isa't isa. It's how the Lost World works. You'll feel lost and empty in this world. Swertihan nalang kung may makikita ka dito. Gaya niyo ng kasama mo." She motioned her hands to Ullyses. Ibig sabihin, pure luck lang talaga ang dahilan na nagkita kami dito? Or maybe it's the determination to seek for someone.
I sighed. "So those witches want to get out of this place as they also want to get out of their own misery." I said absentmindedly.
"That's right. And they don't care about what will happen, basta makaalis lang sila dito sa Lost World."
Natahimik ako bigla. Gusto kong makaalis dito. Pero kaya ko bang mag-sacrifice para lang makabalik? Kaya ko bang maatim na makabalik rin lahat ng mga namatay? Kahit 'yong mga kalaban namin? Kaya ko bang makitang magulo na naman ulit ang Otherworld?
"Magpahinga na muna kayo dito. Masyadong maraming nangyari. Kailangan niyo ng lakas." Red said.
Napailing ako. Hindi naman ako pagod. All I want to do is to think. Think about what will happen and what will I do.
Napansin kong lumapit sakin si Ully at iniharap ako sa kanya. "Magpahinga ka na. Gusto kitang kausapin pero kailangan mo munang magpahinga."
Napabuntong hininga nalang ako at saka tumango. "Fine."
I don't know what will happen tomorrow but I guess, I'll still have to face it after all.
Roanna's POV
"We shouldn't have left the palace." I glanced at Viex when he spoke again. He said that for the nth time. At ilang beses ko na rin siyang pinaliwanagan. He keeps on saying that pero nakasunod rin naman siya sa 'kin. Viex, Viex, Viex.
"Aerith's there. Hindi niya pababayaan ang mga tao sa palasyo. He's a good Vampire Leader." I assured him but he still shook his head. Bakit ba ang hirap magpaliwanag sa isang 'to?! "Stop it, Viex. You don't have to be jealous about Aerith. Ikaw lang naman ang mahal ko." I said then laugh. But he didn't respond. Okay, pahiya ako do'n. Nagjo-joke lang naman ako e.
Nandito kasi kami ngayon sa Lairhart at naglalakad papunta sa main palace. Kanina pa nagrereklamo 'tong si Viex na dapat daw hindi kami umalis ng palasyo. Pero may tiwala naman ako kay Aerith at alam kong hindi niya pababayaan ang mga nasasakupan ko. Kaya lang naman kami pumunta dito dahil gusto kong personal na imbitahan ang buong Lairhart sa kasal namin ni Viex. Yes. I asked him kagabi after ng party. And thankfully, he said yes! Wala pa nga lang decision about when it is gonna happen pero gusto ko pa ring ipamalita.
And also, I'm going to take part on the Witches' Leader Competition. Nabanggit kasi sa 'kin ni Master Hans ang tungkol do'n kagabi. Hindi ko nga lang alam kung anong gagawin ko do'n.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang sa malapit na kami sa hall. Pero bago pa man kami makapasok do'n, napatigil na ako.
"Why?" Viex asked pero hindi ko siya sinagot. I've just concentrated on what I am hearing.
"Chelsea?" sabi ng isang pamilyar na boses.
"Wren!"
"Buhay ka?"
Wren? Sinong Chelsea ang kausap niya?
"Of course! Nawala lang ako pero hindi ibig sabihin na namatay na ako." The Chelsea girl chuckled.
Nag-umpisa akong sundan ang mga boses na naririnig ko. Naririnig ko sila so probably nasa labas sila ng palasyo.
"What is it, Roanna?" Napalingon ako kay Viex. I almost forgot about him. Ito kasing si Wren e.
"I can hear Wren. He's talking to an unfamiliar girl." I said and continued to walk. Pero pinigilan niya ako.
"Stop eavesdropping," he said then glared but I just rolled my eyes at him.
"I can't help it, okay?" sabi ko at saka naglakad ulit. Sumunod naman siya. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nafi-feel sa babaeng 'yon kahit boses palang niya ang naririnig ko. She's up to something and I can feel it. At paano nagagawang lumandi ni Wren e isang taon palang ang nakakalipas simula no'ng nangyari?
"Can't you just leave that ass alone?" Viex said again.
"Akala ko lang. Simula kasi no'ng.. nangyari, nawala ka na." Wren said again.
"Bakit ba ang hilig mo mangontra, love?" I asked too.
Pero hindi na siya sumagot. Sinundan ko lang 'yong mga boses hanggang sa mapunta kami sa Secret Garden ni Zeira. Halos mapasinghap ako nang makita ko do'n si Wren habang yakap ang isang mukhang malditang babae. What the hell?
"Wren!" Pagalit na sabi ko at hinila siya palayo do'n sa babae. "Sino 'yan?!"
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasyThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!