Chapter 4: Haunting Past
Roanna's POV
"Problema mo?" said Wren with an annoyed tone. He doesn't seem to be as shocked as I am kahit nahuli ko siyang nakikipaglandian. What the jerk? Flirtatious dog!
"One year palang ang nakakalipas! I thought you haven't move on just yet?" I gave him the same annoyed look that he's giving me now. I can feel that ugly Chelsea girl looking at us confused but I didn't care about her existence. If I can just turn her into a frog baka ginawa ko na. Pero that's okay. Cause she naturally and effortlessly looks like one.
Mukha namang mas nabadtrip siya sa sinabi ko at hindi ako sinagot. I was about to tell him how hell of a jerk he was when he spoke to my fiancé. "Ilayo mo nga sa 'kin ang babaeng 'to at baka mawalan ka ng girlfriend ng wala sa oras." He then grabbed my arm na nakahawak sa arm niya at saka iyon marahas na tinanggal.
"Tss. Roanna." Viex called. I didn't look at him instead si Wren ang tinignan ko ng masama.
"Flirtatious dog!" I said na parang bata. I know I look childish right now but what can I do? I really feel like my blood's boiling in anger.
He was about to talk back when the ugly bitch spoke. "Sino ka ba? Bakit ka nangingialam? You don't have any rights to tell those inedible shits to him!" Galit na sabi niya. It's my turn to look at her with deadly eyes but she didn't even bulge. Feisty bitch, indeed.
"For your information ugly slut, I have all the rights to curse him especially because he's flirting with a cheap, low-class and weak witch like you. And one more thing, in case you didn't know, shits are indeed inedible. You don't have to state the obvious." I smirked at her. Tinignan naman niya ako ng masama.
"Who do you even think you are?" Tinaasan niya ako ng kilay at nag-crossed arms. I did the same.
"Roanna. Stop it." Viex said pero hindi ko nalang siya pinansin.
"Hindi mo ako kilala?" Walang pakialam na tanong ko.
"You're not that important para makilala kita." She smirked. Inaasar nya ba ako? Kasi hindi ako naaasar dahil sa sinasabi niya kundi sa ginagawa nya. I can't still forget the fact that she's flirting with Wren! And to think na wala pa dito si Zeira para kunin ang sa kanya? I'll be the one to fight for her then!
I looked at her with scrutiny. Hindi ba talaga ako kilala ng babaeng 'to? Pwes, magpapakilala ako sa hinding hindi niya makakalimutang paraan!
"Fine. Whatever." Ngumiti ako and pretended not to care kahit gustong gusto ko nang tanggalan ng buhok ang malanding 'to. Tinalikuran ko na siya kaya mukha namang nakampante na si Viex pero hindi pa ako nakakaisang hakbang nang mabilis akong tumakbo papunta sa likod niya. Madali lang sa 'king gawin 'yon dahil mas mabilis ako sa kanya.
I snaked my arm around her neck and choked her to death. Sa sobrang gulat niya, hindi siya agad napa-react agad.
"Damn, Roanna! Can't you stop bitching around?" Inis na tanong ni Viex. I gave him my million Welney smile at saka ulit ako nag-focus sa bruhildang nasa harap ko. Nakita ko pa kung paano kumuyom ang mga kamao ni Wren. We're not that close at lagi siyang badtrip sa 'kin but flirting with another girl is unfavorable for me. Wala akong pakialam kung hindi kami nagkakasundo at wala kaming pakialam sa isa't isa. I'm fighting for Zeira here!
"L-let m-e go, bitch!" Namumutlang sabi no'ng malanding palaka na ito. Mukhang natauhan naman na siya. I can smell her blood lalo na't malapit sa ilong ko ang leeg niya. Gusto kong masuka dahil hindi gano'n kasarap sa amoy ang dugo niya. Duh. It reflects.
"Nah, witch. I won't." Natatawa-tawang sabi ko. Mas nainis naman 'yong dalawang lalaki dito.
"Tangina naman Roanna! Ano bang problema mo?!"
"Damn it."
Inirapan ko lang 'yong dalawa dahil masyado silang OA mag-react. Ano bang ginagawa kong masama? Duh? Wala naman!
"I'm not doing anything. Bakit ba ang OA niyong dalawa? In fact, I'm kind enough to tell her who I am. She'll surely be glad kapag nalaman niya kung sino ako. Right, witch?" she didn't respond so mas hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kanya. "Answer me!"
"Wh-whatever."
I laughed once again. "Whatever means yes. So, hi witch. Don't worry. I'm just Roanna Arunafeltz. The Queen of Arunafeltz Kingdom." She stiffened when I said that so I continued. "And yes! It's so not nice to meet you." I smirked. At kahit nandidiri ako, agad kong inilapit ang mga pangil ko sa leeg niya. And sucked her blood hanggang sa naramdaman ko nalang ang paghatak sa 'kin no'ng dalawa.
"What the fuck did you do, Roanna?" Hindi makapaniwalang tanong ni Viex. Oh, Viex and his emotions. Nakakatuwa talaga kapag napapalabas ko ang mga emosyon niya. Pinunasan ko ang ilang patak ng dugo sa tabi ng labi ko and was about to say something when I felt something sharp on my neck. Then everything went black.
Wren's POV
Nilapitan ko agad si Chelsea pagkatapos kong patulugin si Roanna. Hindi ko maintindihan ang nasa isip ng babaeng 'to. Tangna. Daig pa ang girlfriend ko kung makapaghinala sa 'kin e. Narinig ko ang pag-tsk ni Zaffre pero hindi ko siya pinansin. Dapat lang 'yan sa girlfriend niya. Ano bang tingin nila? Nalimutan ko na si Zeira? Fuck no.
"Ayos ka lang ba?" Lumuhod ako sa harap ni Chelsea para maging magkalebel ang mga mukha namin. Umiiyak siya habang hawak ang leeg niyang puro dugo. Takte. Isang beses ko lang siyang nakitang umiyak dati. At 'yon ay no'ng namatay ang kakambal niya.
Umiling siya habang patuloy sa pag-iyak. Tsk. Tumayo ako ng kaunti para makarga ko siya. Mukha pang nagulat siya pero hindi siya nagreklamo. "Ipapagamot kita. Huwag kang umiyak." Malumanay na sabi ko.
Humikbi siya pero alam kong pinipigilan niya ang pag-iyak niya. Napailing ako sa isip ko. Hanggang ngayon, masunurin pa rin si Chelsea. Parang wala namang nagbago sa kanya simula no'ng huli kaming magkita.
"Salamat, Wren." Bigla niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya nang nagtatakha. Ano'ng ginawa ko? Mukhang napansin naman niya na hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapasalamat kaya ngumiti siya sa 'kin bigla.
"Thanks, dahil pumayag kang makipagkita sa 'kin. And also, for still being concerned kahit matagal akong hindi nagpakita." Pansin kong tumigil na siya ng tuluyan sa pag-iyak ngayon habang nakahawak pa rin sa leeg niya. Medyo namumutla siya kaya medyo binilisan ko pa ang lakad papasok sa palasyo.
"Kaibigan kita. Tama lang ang ginagawa ko," sagot ko nalang. Akala ko may sasabihin pa siya kaya hindi na ako nag-react pero nanahimik nalang rin siya.
"Ano'ng nangyari?" Bungad na tanong ni Yumi pagkadating ko sa kwarto nilang dalawa ni Yuki. Napatayo silang dalawa mula sa pagkakaupo sa kama nila kaya inihiga ko do'n si Chelsea.
"Roanna attacked her. Gamutin niyo siya." Utos ko sa kanila. Tumango naman sila at saka naghawak ng kamay. May mga binabanggit sila na hindi naman ako interesadong alamin basta magamot lang nila si Chelsea. Biglang nagkaroon ng maliwanag na magic circle na pinalibutan si Chelsea kaya bigla siyang lumutang. Nakita ko kung paano unti-unting nawawala ang sugat at dugo sa leeg niya.
"Why would Roanna attack her?" Tanong ni Yumi. Tinignan ko lang siya at hindi sumagot kaya inirapan niya ako.
"Sino ba siya, Wren?" Tanong naman ni Yuki. Ang kulit talaga ng dalawang 'to. Dapat pala hindi nalang ako dito nagpunta.
"Tss. Si Chelsea." Walang ganang sagot ko para di na sila magtanong pa pero nagulat ako nang biglang sumigaw 'yong dalawa.
"Ano?!"
"Takte! Ayusin nyo naman!" Tangna! Buti nalang mabilis ako at nasalo ko si Chelsea. Hindi ko alam kung anong problema ng dalawang ito at pati 'yong magic circle nawala. Kaya muntik ng mahulog si Chelsea sa sahig. Tulog na rin siya dahil medyo madaming dugo ang nawala sa kanya. Marahan ko siyang inihiga sa kamang pinaghihigaan nya kanina at saka humarap do'n sa dalawang pandak. "Problema nyo?" Galit na tanong ko.
"Galit kami sa kanya!" Inis na sabi ni Yuki.
Tumango naman 'yong kapatid niya. "Right. And we're not going to heal her."
Parehas silang humalukipkip sa harap ko pero tinignan ko lang sila.
"Anong tinitingin mo, Wren?!" Pasigaw na tanong ni Yuki.
Gusto kong matawa sa mga reaction ng mga mukha nila. Hindi ko naman kasi alam kung bakit galit na galit sila kay Chelsea. Pero bago pa ako matawa, kinuha ko nalang si Chelsea at kinarga. "Ge. Salamat nalang," sabi ko at naglakad pero bago pa ako makalabas sa kwarto nila, nagsalita na si Yumi.
"Bakit ka nagte-thank you?"
"Salamat sa paggamot kay Chelsea," sabi ko at saka tuluyang umalis. Narinig ko pa ang inis na reklamo nila sa isa't isa. Akala kasi siguro nila, hindi nila nakumpleto 'yong paggagamot kay Chelsea. Nahalata ko kasi kanina na wala na 'yong kagat ni Roanna sa kanya, at bumabalik na rin siya sa dati niyang kulay. Tsk. Mga baliw talaga.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko dito sa palasyo pero napahinto ako nang makasalubong ko 'yong mga gagong wolves.
"Yo Leader!" Sumaludo pa sila sa 'kin kaya tumango nalang ako. Napatingin sila bigla sa karga ko at nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila.
"Sino yan, Leader?" Tanong ni Riley.
"Si Chelsea." Walang pakialam na sabi ko. Napasinghap silang lahat na ikinasimangot ko. Parang mga bakla tong mga 'to. Tss.
"Chelsea Bright?" Liefer asked.
Tumango ako. Mukhang nagtatakha sila sa mga nakikita nila ngayon. Ang sabi ko kasi sa kanila dati, patay na si Chelsea. Pero 'yon lang ang akala ko. Isa pa, ngayon lang nila siya nakita. Dahil hindi pa naman ako ang Leader ng mga Wolves dati no'ng magkaibigan pa kami ni Chelsea at bago pa man siya mawala.
"Yong matalik mong kaibigan dati, Leader?" Tanong rin ni Eight.
"Oo." 'Yon lang ang sabi ko at saka naglakad palayo sa kanila nang may mapansin akong babae sa tabi ni Eight. "Sino yang kasama mo?" Tanong ko sa kanya.
Napakamot siya bigla sa ulo niya. "Girlfriend ko, Leader. Si Faith."
Ngumiti sa 'kin 'yong Faith kaya tinanguan ko nalang silang dalawa at saka tuluyang pumasok sa kwarto ko. Pagpapahingahin ko muna siguro si Chelsea dito habang wala pa siyang malay.
Zeira's POV
Gusto kong maiyak dahil sa panaginip ko. I hate it. Lalo na't hindi ko alam kung totoo ba 'yong napanaginipan ko na 'yon o hindi. Gusto kong isipin na hindi 'yon totoo at hindi niya magagawa sa 'kin 'yon pero parang may nagsasabi rin sa 'king baka naka-move on na siya at hayaan ko nalang na maging masaya siya.
Napatingin ako sa kalangitan nang biglang may pumatak na luha sa kanang mata ko. Nakakainis. Bakit ba hindi ko magawang mag-let go? Alam ko namang wala nang pag-asang magkita kami ulit but still, umaasa pa rin ako. Para lang akong nag-iimbento ng spell na kahit anong gawin kong pag-chant, walang mangyayari.
"Umiiyak ka?" Hindi ko nilingon si Ully nang magtanong siya. Nagising lang kasi ako bigla dahil sa panaginip ko tungkol kay Wren. It hurts a lot seeing him hugging another girl kahit panaginip lang 'yon. Pero hindi ko kilala 'yong girl na kayakap niya. Hindi ko alam kung sino siya at alam kong hindi rin siya pamilyar. Sa panaginip ko kasi, nando'n lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko habang napalilibutan nila sila Wren at 'yong babae. Hindi ko alam kung masaya ba sila para sa kanilang dalawa o hindi. Nagising nalang ako nang biglang may humatak kay Wren para mapaghiwalay sila. Pagkatapos no'n, wala na. Back to reality na naman ako.
"Ano na namang napanaginipan mo?" he asked. Napaupo siya sa tabi ko dito sa harap ng bahay ni Red. Ramdam kong nakatingin siya sa 'kin.
Gusto ko mang pigilang umiyak pero mas naiyak lang ako sa tanong niya. Ayoko kasi talaga na may nag-co-comfort sa 'kin. Mas lalo lang kasi akong nasasaktan. Hindi ko na napigilan nang parang gripong tumulo nalang ang mga luha ko mula sa mata ko.
"U-uy. Nagtatanong lang ako, Zeira."
Napayuko nalang ako habang nakapatong sa tuhod ko ang mga palad ko. Do'n ako umiyak dahil hindi ko na talaga kaya. Sobrang nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa panaginip ko kundi pati narin sa fact na hindi ko na makikita si Wren. Hindi na.
Naramdaman ko ang paghagod ni Ully sa likod ko but I didn't mind him. Instead, I cried my heart out.
Nagtagal ako sa pag-iyak ng mga ilang minuto pero hindi ako iniwan ni Ully. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko ang pakikisimpatya niya sa kadramahan ko. At nang wala na talaga akong maiiyak ay tumingin ako sa kanya. "Salamat," sabi ko at saka tumayo para pumasok sa loob ng bahay. Pero nakakailang hakbang palang ako nang bigla akong napahinto dahil sa kamay na humawak sa braso ko. Napatingin ako kay Ully. "Bakit?"
He shrugged. "Sa tingin mo ba, hahayaan nalang kitang umiyak nang ganun at hindi mo sasabihin sa 'kin ang dahilan? No, Zeira. You've been hiding so many things from me. At alam naman nating pareho na habambuhay na tayong magkakasama sa mundong 'to. So, spill it out." Seryosong sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kailangan ba talaga niyang ipamukha na wala nang paraan para makabalik kami? I've had enough. "I am none of your business and vice versa, Ully. We're not that close para sabihin ko sayo lahat." Aalis na sana ako ulit pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
"Hindi nga tayo gano'n ka-close pero takte naman, Zeira! Ginagawa ko ang lahat para lang maramdaman mong mapagkakatiwalaan mo ko. Hindi pa ba sapat na araw-araw tayong magkasama para mapalagay ang loob mo sa'kin? Ano bang problema mo? Ano'ng ginawa ko sayo para tratuhin mo ko ng ganyan?" Frustrated na sabi niya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung paano siya sasagutin. Dahil alam ko naman sa sarili ko kung bakit ako ganito sa kanya. Kung bakit hindi ko kayang mapalapit. "Answer me, Zeira."
Umiling ako. "Wala akong sasabihin sayo." Cold na sabi ko at tinignan siya sa mata. "Please lang. Tigilan mo muna ako, Ullyses."
"Hindi." Mas humigpit lang ang hawak niya sa braso ko na ikinainis ko.
"Ano ba?!" Sigaw ko. Naiinis na ako sa inaasal niya. Ano bang dapat kong sabihin?
"Sabihin mo sa 'kin kung bakit ka ganito sa 'kin! Tangina! Ano bang problema mo?! Natatakot ka ba ha? Natatakot ka bang mapalapit sa 'kin kaya itinutulak mo ako palayo?!" Sigaw niya rin. Nanghina ako bigla nang dahil sa sinabi niya. He looks hurt and terrified at the same time. Ganito ba siya sa lahat?
Nilakasan ko ang loob ko para magsalita. Kahit hinang-hina ako dahil alam kong totoo ang sinabi niya. "Bakit ako matatakot mapalapit sa 'yo? It's not like I'm going to fall for you." Alam kong masyadong harsh sa ginagawa ko sa kanya. Wala namang kasalanan si Ully sa 'kin. Pero ang sama ng ugali ko dahil dinadamay ko siya.
Natawa siya ng mahina kahit alam ko namang sarcastic 'yon. "E bakit ka ganyan? Why are you pushing me away?"
Tinignan ko rin siya ng seryoso. "Like what I've said, I'm none of your business and vice versa. And you're wrong, Ully. I won't stay here forever with you. Dahil gagawin ko ang lahat para makabalik sa Otherworld. Gagawin ko ang lahat para makabalik kay Wren." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya nabitawan niya ang braso ko. Tinalikuran ko na siya dahil alam kong maaawa lang ako sa itsura niya. Bakit kasi ang sakit ko magsalita? Geez.
"Wren?" 'Yan lang ang huli kong narinig mula sa kanya nang bigla akong makarinig ng malakas na pagkalabog. Sa sobrang gulat ko, napalingon ako kung saan nakatayo kanina si Ully pero mas nagulat ako nang makitang wala na siya do'n.
"Ully?" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa halong kaba at pagkalito. Saan siya nagpunta? Naglakad pa ulit ako palabas dahil hindi ko siya makita. Pero napahinto ako nang may maramdaman nalang akong makapal na baging sa leeg ko. Napahawak ako do'n dahil nasasakal na ako. Hanggang sa bigla nalang 'yong pumulupot sa buong katawan ko at saka ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasyThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!