Chapter 6: Evil

17.3K 570 94
                                    

Chapter 6: Evil


Mishie's POV

"Syndrie! Why are you so stubborn?" I irritatingly said while following this stubborn girl. She didn't look back at me while walking so fast. Kulang na nga lang, lumipad siya. Ugh! Why is she like this? She's ignoring me for days dahil lang sa ayaw niyang kinukulit ko siyang sumali sa competition! But she can't just say no! Nakasalalay dito ang posisyon ni Jae Kyline at hindi naman pwedeng hayaan nalang naming si Chelsea ang manalo. Well, I'm not saying naman na mananalo talaga siya but hindi pa naman namin alam ang kakayahan niya. "Tumigil ka nga muna! Ano ba!" Naiinis na talaga ako sa inaakto niya.

Kung pwede lang akong sumali, sasali talaga ako. But I'm not a witch for pete's sake! Napahinto ako nang biglang huminto rin si Syn. Tinaasan niya ako ng kilay so I immitated her.

"Ayoko sabi. Ilang beses ko bang sasabihin yan sayo, ha, Mishiena Brent?" Sa boses palang niya, halatang inis na inis na talaga siya sa 'kin. I know naman na she's not a fan of things like this. Pero, wala naman kaming magagawa dahil siya lang naman ang kaibigan naming Witch!

Huminga ako ng malalim dahil baka mag-away lang kami. I seriously looked at her. "You know how much this position means to Jae Kyline, Syn! You're also her friend! We can't just let the other Witch take it." Nag-uumpisa na namang kumulo ang dugo ko dahil hindi manlang nagbago ang expression ng mukha niya. Ugh! Why is this so frustrating?

For a moment, natahimik lang si Syn at parang nag-iisip. Pero gano'n pa rin ang expression ng mukha niya. Pokerfaced. Magsasalita pa sana ako ulit nang tumingin ulit siya sa 'kin ng diretso. Then, she slowly said, "A-yo-ko." At saka ulit siya nag-umpisang maglakad palabas ng palasyo.

Napasabunot ako dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko pero sinundan ko pa rin si Syn. Hindi ako susuko! "Ano ba kasing problema mo, Syn? Bakit ayaw mong makipaglaban? For pete's sake! Kung nandito si Zy, for sure, papasalihin ka rin n-niya!" My voice suddenly cracked. I know for sure, kung nandito siya, siya na mismo ang pipilit kay Syn para sumali. I really miss her! I miss her voice. I miss her smiles. I miss my bestfriend! Just a mere mention of her name makes me want to cry endlessly.

Napansin kong napahinto si Syn at napabuntong hininga. "Ayoko, Mish. Gusto kong mag-stay sa pagiging Alistair ni Zy. 'Yon lang." Napansin kong nanginginig ang boses niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya. "I will be her Alistair forever. Kahit pa alukin mo ko ng posisyon ng isang Reyna, hindi ko pa rin ipagpapalit ang posisyon ko ngayon."
So that's why? Kaya ba kahit anong gawin kong pilit sa kanya, ayaw niya pa rin talagang um-oo. She wants to stay as Zeira's Alistair. I felt a pang of guilt in my heart. How dumb of me para pilitin pa siya. Para lang sa ano? Sa kagustuhan kong talunin niya 'yong flirt na si Chelsea? Gosh, Mish!

"I'm sorry, bestf--" naputol ang sinasabi ko nang may marinig akong mga boses sa hindi kalayuan. Napakunot ang noo ko dahil parang narinig ko yata ang boses ni Wren pati na rin ng isang babaeng umiiyak.

Nag-concentrate pa ako para mas marinig ko ang usapan nila.

'Please, Wren,' sabi ng isang babaeng umiiyak. Hindi ko siya nabobosesan at alam kong hindi ko siya kilala. And tama nga ako! Si Wren nga ang kausap niya.

'Tss. Stop it. Baliw ka na.' Wren replied.

"O bakit natahimik ka dyan?" Napatingin ako kay Syn nang magsalita siya. Nakaharap na pala siya sa 'kin at mukhang nagtatakha. I put my point finger on my lips para sabihan siyang tumahimik. She just rolled her eyes kaya hindi ko na pinansin. Nakikinig pa rin ako sa usapan no'ng dalawa.

'I'm not! And you know that.' Patuloy lang sa pag-iyak 'yong babae. Ano bang iniiyak niya? Parang ang arte arte naman kasi. Boses palang niya, naiirita na ako.

'Aalis na ako,' Wren said.

Sinubukan kong i-trace ang mga boses nila. May naririnig pa akong pagkanta ng mga pixies sa malapit, paglagaslas ng tubig, miski na rin ang pag-uusap ng ibang Welshes malapit dito. Napalingon ako sa kanan ko kung saan nandoon ang entrance papunta sa masukal na bahagi ng gubat dito sa loob ng Lairhart. Malapit doon ang mga boses nila.

I started to walk towards the forest while still listening to their chitchats.

'No! Please, Wren. Wag mo naman akong iwan.'

Naghintay ako ng sagot mula kay Wren but he didn't respond.

"Saan ka pupunta?" Syn asked. Napatingin ako sa kanya and ngayon ko lang narealize na nakasunod pala siya sa 'kin. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad habang palakas naman ng palakas ang boses no'ng babae at ni Wren.

'Wren...'

'Tama na, Chelsea. Baka hindi ako makapagtimpi sayo kapag nagpatuloy ka pa sa sinasabi mo.' May pagbabanta sa boses ni Wren at halatang nauubusan na siya ng pasensya.

Napakunot ang noo ko nang tawagin niya sa pangalan 'yong babae. Chelsea. Chelsea the Witch? Kaya naman pala sa boses palang niya, naiirita na ako!

Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami kung nasaan sila. Nagtago kami ni Syn sa isang malaking kulay silver na puno dito. Napakunot rin ang noo ni Syn sa pagtatakha dahil sa nakita niya.

"Si Chelsea?" Bulong niya sa sarili niya. "Bakit magkasama sila ni Wren? Seryoso ba siya? Pagkatapos niyang pag-awayin sila Yana at Zero?" Naiinis na sabi ni Syn. Mukha ngang ready na siyang sugurin 'yong dalawa. Buti nalang at napipigilan pa niya ang sarili niya.

Nakatalikod samin si Wren at mukhang hindi pa niya alam na nandito kami. As a Wolf, alam kong hindi magtatagal, malalaman niyang nakikinig kami sa pag-uusap nila. Siguro sa ngayon, masyado pa siyang pre-occupied dahil sa malanding nasa tabi niya.

"I don't care, Wren. Bakit ba kasi hindi mo makita lahat ng ginagawa ko para sayo dati pa? Bakit ba kasi kaibigan lang talaga ang tingin mo sa 'kin?" She started to cry again. How pathetic.

Wren didn't respond kaya nagpatuloy lang siya sa spiel niyang ma-drama. Gosh! She's really a flirt! And what? Magkakilala ba sila ni Wren dati pa?

She tried to reach Wren's face pero humakbang palayo sa kanya si Wren. Hindi namin makita ang expression ng mukha niya pero for sure, wala siyang pakialam sa babaeng 'yan. We all know how much he loves Zeira.

"I can do everything for you, Wren. Gano'n kita kamahal. Please, kalimutan mo na si Zeira!" Nag-uumpisa nang tumaas ang boses niya pero wala pa ring sagot si Wren. "Ano bang ginawa sayo ng babaeng 'yon? Porket ba siya ang prinsesa, hindi mo na siya maiwan? Wala na siya, Wren! Iniwan ka na--" napatigil sa pagsasalita si Chelsea nang bigla siyang sakalin ni Wren gamit lang ang isang kamay. Napasinghap ako sa ginawa niya dahil nakaangat na sa lupa ang mga paa ni Chelsea. Is he really going to kill her?

"Bawiin mo ang sinabi mo."

Napalunok ako dahil sa sobrang kaba nang dahil sa tono ng boses ni Wren. It sounds like he really could kill a person right now. Ngayon ko lang nakita ang ganitong ugali niya. Mukhang galit na galit talaga siya.

"W-wren, h-h-hindi a-ko m-makahi-nga." Kitang kita ko ang pamumutla ng mukha ni Chelsea. I loathe her but I can't just stand here seeing him killing her! Pero bago pa man ako makialam sa kanila, hinawakan na ako ni Syn. She shooks her head. May pagtutol sa expression ng mukha ko pero wala na akong nagawa kung hindi ang panuorin lang sila.

"Bawiin mo sabi!" Nagulat nalang kami nang sumigaw na si Wren at saka marahas na binitawan si Chelsea. Hinang hina itong napasalampak sa sahig habang umiiyak. Napailing ako nang umupo sya at umiling.

"No! That's the truth, Wren. Hinding hindi ka n-na niya b-babalikan. Patay na siya. Iniwan ka lang niya." Chelsea said. Gustong gusto ko na siyang kagatin sa sobrang dami ng sinasabi niya tungkol kay Zeira. Nakakainis! Tama lang pala na patayin nalang siya ni Wren!

"Tangina naman!" Galit na bulyaw ni Wren at saka sinuntok ang malaking puno na nasa tabi niya. Tumumba ito dahil sa lakas na pinakawalan niya. At mukhang hindi pa siya nakuntento dahil sinipa niya pa 'yong isang punong malapit samin. Napatago tuloy kami bigla ni Syn dahil baka makita niya kami. "Ano bang problema mong babae ka, ha?!" naglakad siya palapit kay Chelsea at marahas itong pinatayo gamit ang kwelyo ng blazer na suot nito. Buti nalang matibay 'yon kung hindi baka nasira na sa sobrang lakas ng pagkakahila niya. "Tangina, hindi yan totoo! Pinatay ko siya! Damn it! Pinatay ko siya kaya niya ako iniwan! Pinatay ko siya! Kasalanan ko kung bakit siya wala dito. Kasalanan ko." Paulit ulit na sabi niya. Hindi na ako nakapagtimpi nang makita na  susuntukin na niya si Chelsea. Gosh! Witch siya! Kaya niyang gamitan ng kapangyarihan si Wren pero bakit wala siyang ginagawa? Ganyan ba siya ka-martyr?

"Mishie!"

"Wren! Stop it! You might kill her!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya pero mabilis rin akong napahinto nang tumingin siya sa 'kin ng sobrang sama. Namumula ang kulay grreen niyang mata at parang anytime, babagsak na ang luha niya. Hindi na bago samin ang makitang ganito siya ka-miserable. Pero ngayon ko lang siya nakitang galit na galit sa sarili niya to the point na makakapatay na siya.

Akala ko titigil na siya pero nag-smirk lang siya sa 'kin at saka tumingin ulit kay Chelsea. Kitang kita ko kung gaano siya katakot sa tingin ni Wren sa kanya. Binitawan siya ni Wren kaya napaatras siya. Nagulat nalang kami nang biglang nagsihabaan ang mga kuko niya. And the next thing we knew, he's already on his wolf's transformation.

Mas lalo akong naalarma dahil do'n. Ibig sabihin lang, sobrang galit na talaga siya ngayon.

"W-wren..." Chelsea looked at him with horror. At ako, nakaantabay lang kung anong gagawin ni Wren sa kaniya. Ganoon rin si Syn na nasa tabi ko lang.

"Wren. Calm yourself down." I said. Pero hindi niya ako pinapakinggan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Malakas si Wren. Mas sanay siya sa pakikipaglaban kaysa sa'kin na isang taon palang na nandito. He was born a wolf. At mukhang wala namang balak na makialam si Syn. Alam kong wala siyang pakialam kay Chelsea kaya hindi siya nakikialam. Syn is Syn. I know her.

Kusang gumalaw ang katawan ko nang sugurin ni Wren si Chelsea at mabilis kong pinigilan ang malaking Wolf na 'to. Gosh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. He's way way stronger than me!

Tinignan ko si Chelsea na parang wala naman yatang balak na lumaban. Naiinis ako sa pagkatanga niya! Papatayin na siya ng taong sinasabi niyang mahal niya pero nakatunganga lang siya? "Ano ba?!" Sinigawan ko na siya at parang sobrang nagulat siya. Nanginginig siyang tumingin sa 'kin. Wala ba siya sa sariling katinuan? Gosh! "Anong balak mo? Tumunganga lang dyan? Stay away from Wren already! Or better yet, just get lost!" Naiinis na sabi ko.

"No! I know, Wren. H-he's not going t-to kill me. He loves me!" Ha! She has the courage to say that after niyang galitin ang asong ito?

"Not until you pushed him beyond his limits, stupid! Get lost!" Sobrang nahihirapan na ako sa pagpigil kay Wren dahil gustong gusto na niyang sugurin si Chelsea. Ugh!

Nagulat ako nang hindi pa rin umalis si Chelsea. Anong klaseng utak ba ang meron ang babaeng ito?

"Sironu seren!" Isang bilog na liwanag ang pinakawalan ni Syn mula sa broomstick niyang si Rinn. Nag-stop 'yon sa harap namin ni Wren at biglang naging isang malapad na invisible wall. Nasa kabilang parte no'n si Chelsea dahil katapat namin siya. "Let him go, Mish." Syn said na ginawa ko naman. Okay na 'yon dahil alam ko namang hindi na siya makakalapit kay Chelsea.

Sinugod ni Wren 'yong invisible wall pero imposible naman niyang mabasag 'yon na hindi gumagamit ng Light. Napanatag ako dahil do'n. Tumingin ako kay Syn and mounthed thank you. She just nodded. Parehas kaming tumingin kay Wren na masama pa rin ang tingin kay Chelsea. Nasa wolf transformation niya pa rin siya at mukha pa ring galit na galit.

"Stop it, Wolf. Hindi mo mababasag ang ginawa kong Wall." Syn said pero hindi pa rin ito tumigil.

I feel so hopeless about him. Masyado na siyang nasagad sa babaeng 'yan kaya ganyan ang inaasal niya ngayon.

"Wolf." a familiar voice came.

Sabay sabay kaming napatingin sa kanya except for Wren na nahinto lang sa ginagawa niya. And I felt so relieved about his presence. It's Viex. Nasa likod niya si Roanna and the other Wolves. They all looked worried well, except for Viex and Roanna.

"Stop the fuck it," he said coldly.

Napatingin kami kay Wren nang bumalik siya sa pagiging tao. Mukha pa rin siyang galit pero halatang mas kumalma na siya ngayon. Nakahinga ako nang maluwag nang tumingin siya kay Viex.

"Ilayo niyo sa 'kin ang babaeng iyan," sabi niya kay Viex na alam naman naming lahat na si Chelsea ang tinutukoy niya. Tumango si Viex sa kanya bilang sagot.

Nagsimula nang lumakad si Wren paalis nang magsalita ulit si Chelsea.

"You know what I can do, Wren. What I said earlier..." Napatingin kaming lahat sa kanya pwera kay Wren na nakahinto lang. "It's true. Kaya kong ibalik sa palasyong ito ang prinsesa... Pero hindi sayo. I will never let that happen." Seryosong sabi niya.

Napasinghap kami nang dahil do'n. She what?

"Bitch!" Roanna said bago kami tuluyang umalis sa lugar na 'yon kasama si Wren.


Chelsea's POV

Wrong move. You're so stupid, Chelsea. Why did you let your emotions come out? Napapangiwi akong napaupo sa damuhan. They all left but I don't care. I don't care naman kung wala akong kaibigan. Kung walang nag-aalala para sa 'kin. Wala naman akong pakialam sa kanilang lahat. Well, except for Wren. Bukod sa talagang rason ko sa pagbalik dito sa Lairhart, gusto ko rin siyang bawiin.

He's mine. Bago pa man siya maging kasintahan ng prinsesa. He's mine! Only mine! And this? I won't stop here. I know him. He loves me. He will not hurt me. Masyado lang siyang nadala sa emotions niya kanina. Dahil alam ko namang hanggang ngayon, sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng babaeng iyon. He's just guilty. I just need to erase that guilt in his heart. Sa oras na magawa ko 'yon, babalik na siya sa 'kin. Siguro ngayon, hindi ko pa nagagawa ang dapat kong gawin. But I have other plans. At sisiguruhin kong makukuha ko lahat 'yon.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa damuhan nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko. Napangiti ako at saka humarap sa kanya. Just in time.

"What happened? Are you okay?" he asked worriedly.

I simply smiled. "I'm fine. Nakuha mo ba ang pinapakuha ko sayo?" I asked him.

Ngumiti siya sa 'kin. "Oo naman." Nilabas niya mula sa likod ng cloak niya ang isang maliit na libro. Ngumiti ako ng malapad at kinuha 'yon sa kanya.

"Thank you... Zero," sabi ko sa kanya at saka unti-unti siyang nilapitan. Tinignan ko siya ng diretso sa mata. And gently brushed his cheeks. "Thanks for doing this for me."

Ngumiti siya ng malapad and slowly kissed my lips. I wasn't shocked. I just kissed him back. Nang humiwalay siya ay ngumiti siya sa 'kin ng malungkot.

"Why?"

He looks hesitant at first pero sinabi niya rin kung ano'ng nasa isip niya. "Ayokong lokohin si Yana." Napayuko siya. He looks sad. Pero nag-angat rin siya ng tingin sa 'kin. "But I think I'm falling for you already." Diretsong sabi niya at saka ako ulit hinalikan.

I smirked while he's still kissing me. 'Yon ang akala mo.


The Heiress 2: The Lost WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon