Chapter 19: Queen's Grimoire

1.3K 64 19
                                    




Chapter 19: Queen's Grimoire

Syn's POV

IT was Queen Hermione. We did it. We found her. That maybe the last thing that I could remember bago ako tuluyang bumagsak dahil sa pagod.

            Nagising nalang ako sa isang maliit na kwarto. Tumayo ako at pumunta sa veranda ng kwartong ito para hanapin si Red and I was amazed sa nakita ko sa labas. Para akong nasa Otherworld. Sobrang liwanag ng labas unlike the usual dark clouds and surroundings sa Lost World. I can also see different flowers and trees na iba't ibang kulay katulad sa Otherworld. I can see fairies and other creatures na naglalakad sa labas. Nasa'n ba ako?

            "You're awake," a voice said. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. It was Queen Hermione.

            I immediately vowed in respect. "Yes, my Queen," sabi ko at saka inangat ang ulo ko at ngumiti sa kanya. I never really imagined na makikita ko ang Reyna dahil no'ng time na pinanganak ako, nasa Mortal World na kami.

            "I'm really sorry for what happened, Syndrie." Kumunot ang noo ko sa pagtatakha dahil nag-so-sorry ang Reyna sa'kin. Nang hindi ako sumagot, pinagpatuloy niya 'yong sinasabi niya. "If it wasn't because me and my grimoire, you won't be here. You're still alive and shouldn't be here at all," aniya.

            So, meaning ba no'n, nasa Lost World pa rin kami? Pero bakit parang nasa ibang dimension kami dahil sa ganda ng lugar na 'to? Isa pa, itong kwartong tinulugan ko, this is Zeira's room.

            Lumapit siya sa'kin at tumingin sa mga tao sa labas ng kwarto kaya gano'n rin ang ginawa ko. "This is all an illusion. This is my greatest nightmare," she said, almost crying. After no'n, nakarinig kami ng footsteps sa likod kaya lumingon ako. Nanlaki ang mga mata ko at ngayon, alam ko na kung bakit kino-consider 'to ng Reyna as a nightmare.

            "Zeira?" Tawag ko sa pangalan niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya habang umiiyak. I can also see Mishie and the other welshes outside her room. They're just as gloomy as she is. Ano'ng nangyari? Lumapit ako sa kanya, "Zy?" tawag ko pa ulit pero hindi siya umimik. Tinry ko rin siyang hawakan pero tumagos lang ang kamay ko. Now, I get it. Tumingin ako sa Reyna na nakatingin pa rin sa labas. I was told once na ang Lost World ay isang dimension for pain and suffering ng mga namamatay since this world shouldn't really exist at all. It may be the purgatory in the Mortal World. Kapag napunta ka dito, the only thing na ipapakita nito sa'yo ay 'yong pinakakinatatakutan at pinaka-ayaw mong mangyari. For the Queen, it was to see her child and kingdom suffer and reign without her.

            "Syn." Napatingin ako sa pinto nang makita ko do'n si Red. Sumenyas siya sakin kaya naglakad ako palapit sa kanya. "You need to see something."

            "Ano 'yon?"

            "Just go with me," sabi niya at saka ako hinatak. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang ma-miss ang Lairhart. Bawat sulok ng ilusyon na 'to, bawat tao na nandito, lahat kuhang kuha. "You were out for two days so nagdecide akong alamin kung ano'ng nangyayari dito."

"Bakit hindi mo ko ginising?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"I tried," she said. "Sabi ni Queen Hermione, dahil sa kasalanan niya na buksan forever ang portal ng Otherworld, nabuo ang mundong 'to pati na rin ang Finelry High sa Mortal World. She knew this would happen kaya ni-link niya kay Zeira ang buong Lost World. Dahil na rin tiwala siyang kapag bumalik ang kapangyarihan ni Heiress, makakaisip siya ng paraan para isara ang portal, at mawala ng kusa ang Lost World." Pag-eexplain niya kahit hindi naman ako nagtatanong. "I know Zeira can do it pero mas nag-aalala ako sa'yo." Mas nagtakha ako sa sinabi niya.

The Heiress 2: The Lost WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon