Chapter 9: Lost in a Trap (Part I)
Syndrie's POV
Napalingon ako sa paligid ko nang makapasok ako sa portal. Silence. I can't hear anything. Kahit na ang pag-ihip ng hangin wala. Tanging ang paghinga ko lang ang naririnig ko. Nakakapagtakha. Parang nandito pa rin naman ako sa Lairhart. Nothing changed. Bukod sa sobrang tahimik.
Ni hindi ko maramdaman ang hangin. I looked at my surroundings one more time. Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong i-expect sa magiging takbo ng laban dito.
Nasa gitna ako ng isang gubat. Gubat na katulad ng gubat sa Lairhart. Napalingon ako nang may marinig akong kaluskos mula sa likod ko.
"Rinn!" I murmured. Kusa namang lumabas ang broomstick ko. I pointed the head of my broomstick sa puno kung saan ko narinig ang kaluskos at ni-ready ko ang sarili ko sa kung anumang pwedeng lumabas."Sino ka?!" I asked nang bigla na namang may kumaluskos.
Ready na sana akong mag-cast ng spell nang bigla siyang lumabas. Napakunot naman ang noo ko nang makita kung sino ang siraulong lumabas mula sa puno.
"Yo!" Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa 'kin.
"Faux Wynceolley? Anong ginagawa mo rito?" Pagalit kong sabi sa kanya habang nakatutok pa rin sa kanya 'yong broomstick ko.
"Woah! Chill ka lang babe. Mas gumaganda ka kapag galit. Baka ma-inlove ako n'yan." He smirked.
Parang tubig na mainit na bigla nalang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Ano daw?! Babe?! Inlove?! Ano sa tingin ng kulugong ito ang sarili niya? Artista? Pwe! Sa sobrang inis ko sa pagsi-smirk niya, hindi na ako nakatiis at -- "Fesorus hare!" Pinatamaan ko siya ng apoy na mabilis niya rin namang nailagan.
"Shit! That was close! Miss Syndrie, alam kong hot ako pero hindi mo naman ako kailangang patamaan ng apoy!" Sabi pa niya habang nakahawak sa broomstick niya. Hindi ko namalayang naglabas siya ng broomstick. At mas lalo yata akong nainis nang dahil na naman sa sinabi niya.
"Shut the f*ck up!" I did the same thing at pinatamaan siya ng apoy ng ilang beses na mas lalo kong ikinairita dahil lagi naman niyang naiilagan. Bwisit!
"Chill ka na. Tama na." Hinihingal na sabi niya sa 'kin pero tinignan ko lang siya ng masama. Sino siya para sabihan ako ng ganyan? Ni hindi nga kami magkakilala! Hindi kami close!
"Bakit ka ba nandito?" Inirapan ko siya at inayos ang sarili ko.
"Tsk. Hindi ka ba nasabihan? Kasali ako sa competition." Nakakunot ang noo na sabi niya. Halos mapasampal ako sa noo nang dahil sa sagot niya.
Imbis na patamaan ang nilalang na to ng mga nag-aapoy na dagger, inulit ko nalang ang tanong ko. Baka kasi tanga siya at hindi lang talaga na-gets kung ano ang ibig kong sabihin. "Bakit ikaw lang nandito? Nasaan 'yong iba?"
Mas lalong kumunot ang noo niya at saka dahan dahang tumingin sa paligid. "Obvious bang wala? Bakit ako ang tinatanong mo?"
Nakakairita talaga ang ugali ng kulugong to! "Alangan namang 'yong mga puno ang tanungin ko, diba? Tanga ka lang ba o tanga ka talaga?"
Hindi siya sumagot at parang nag-iisip lang. Saka siya ngumiti at lumapit sa 'kin na mas lalo kong ipinagtakha. "Natatakot ka ba kaya mo hinahanap yung iba, Miss Syndrie? Wag kang mag-alala. Nandito naman ako. Magsabi ka lang. Handa naman akong yakapin ka para hindi ka na matakot." He gave me his infamous smirk.
Napapikit ako sa sobrang inis na nararamdaman ko. Bakit ito ba ang nakasama ko dito? Kasama ba 'to sa game? Huminga nalang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kung kasama man ito sa laro, kailangan kong magtimpi dahil baka matalo lang rin ako dahil masyado akong nagpapaapekto sa mokong na ito.
Nagulat nalang ako nang pagkadilat ko, ang lapit na ng mukha sa 'kin ng kulugo. "What the?!" Agad akong napaatras. Baliw ba 'to? Hindi ko akalaing may mga baliw din pala sa Otherworld. Aish!
Natawa lang 'yong mokong sa reaksyon ko kaya inirapan ko lang siya at saka ako lumakad palayo. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa 'kin pero hindi ko siya pinansin. Nabubwisit lang naman kasi ako kapag pinapansin ko kaya mas mabuting tumahimik nalang. Isa pa, wala rin naman siyang magandang sinasabi bukod sa paniniwala niyang gwapo siya which is hindi naman totoo. Ang nakikita ko lang naman kasi sa katauhan niya tuwing tinitingnan ko siya ay isang walang kwenta at nakakadiring kulugo.
"Miss Syndrie," he called out. Hindi ko siya pinansin dahil na-babadtrip ako pati na rin sa tono ng boses niya. "Miss Syndrie. Bakit ang suplada mo? Mas lalo ka tuloy gumaganda sa paningin ko."
Argh! Imbis na ma-flutter, nabubwisit talaga ako! Lumingon ako sa kanya para sabihing napakayabang niya pero nagulat nalang ako ng mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin at saka ako hinapit palapit sa kanya gamit ang kaliwang braso niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla naman niyang takpan ang bibig ko gamit ang kanan.
Halos hindi ako makahinga dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Hindi ko rin alam kung paano ako mag-re-react dahil ang lapit talaga namin. Ano bang kamanyakan ang ginagawa ng isang ito?
Mag-ca-cast na sana ako ng spell nang tignan niya ako ng seryoso. Sobrang seryoso ng mukha niya na tipong parang mamamatay kami kapag gumalaw o nagsalita ako. I gulped hard dahil kinakabahan na rin ako.
Marahan siyang umiling at saka rin marahang tumingin sa paligid. Ginawa ko rin ang ginawa niya at halos mapamura ako sa isip ko nang dahil sa nakikita ko ngayon. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Mag-uumpisa na ba talaga ang laban?
Lahat ng mga punong nakapaligid samin kanina, hindi nalang basta basta puno ngayon. They are all moving like they have their own life. Ang mas creepy pa do'n, iba iba ang kulay nila kanina pero ngayon, lahat nalang sila ay itim. Habang may kulay pulang mga mata. Nakalutang silang lahat sa ere habang gumagalaw galaw pa ang mga ugat nila. Ang pinakamalala pa ngayon ay nasa gitna nila kami. Nasa gitna kami ng gubat for pete's sake!
Marahas akong napatingin kay Faux dahil dito. Sa pagkakaalam ko, ang mga punong ito ay mga Nexus Tree. Hindi sila usually nakikita sa Otherworld dahil mapanganib sila. They can kill kahit madampian ka lang ng mga ugat o sanga nila. Kaya rin nilang mag-disguise biglang mga normal na puno sa otherworld. Sa pagkakaalam ko rin, lahat ng mga punong ito, ipinatapon sa ibang dimensyon dahil masyado silang hot headed. Makarinig lang sila ng kakaunting ingay, magagalit na sila at ready nang pumatay. Kaya kung may makikitang kagaya nila sa Otherworld, nasa pinakatahimik at pinakatagong lugar sila.
Kaya rin nilang makarinig ng mga Welshes na nag-uusap sa isip. At siguradong narinig nila kami kanina na nag-uusap ni Faux, dahilan para magising silang lahat.
Bakit sila pa ang neka-encounter namin? Pinilit kong isipin lahat ng tungkol sa kanila na nabasa ko. Hindi ko magawang makipag-communicate kay Faux dahil alam kong konting galaw nalang namin, malalaman na nila kung nasaan kami. And as far as I know, isang way lang ang kailangan naming gawin para mapatay sila, iyon ay ang atakihin sila mula sa ibaba. Pero paano namin 'yon gagawin?
--
Mishie's POV
We've been watching all the contestants from the messenger bubble that the Senior Leaders made since the game has started. At alam namin kung sinu-sino ang mga naging pairs. There are five messenger bubbles that was placed in the middle of the field. Iyon 'yong messenger bubbles nila Asha Beorthwald at Kline Leofmark, Eden Thorruth at Kirsten Royphia, Gale Cuth at Falcon Wynceolley, Shaine Leofmark at Chelsea Bright, and Syndrie at Faux Wynceolley.
Hindi naman kami naka-focus sa ibang mga contestants. Tanging kila Syndrie at Faux lang. Mukha kasing hindi sila magkasundo from the start and we really can see Syn's irritation towards Faux. Kanina pa rin kami nakaabang sa reaction ni Riley and we also can see na nagseselos siya. She likes Syndrie and we all know that. Hindi ko nga alam kung bakit ba sila nag-away.
At ngayon bigla nalang siyang nag-walk out dahil halos magkapalit na ng kaluluwa 'yong dalawa dahil sa sobrang lapit ng mga ito sa isa't isa.
Napailing nalang ako.
"Si torpe, nagalit na ng tuluyan." Exl said na malapit nang matawa. Sinabayan naman ng ibang Wolves na ikinatawa nilang lahat. Samantalang ako, focused lang sa mga nangyayari.
Napatingin ako sa bubble nila Shaine at Chelsea. Nagtakha ako nang mukhang hindi na sila makahinga. Wala naman akong makitang kahit anong kalaban nila.
"What's happening to them?" Turo ko kila Chelsea.
Nijel looked at them. "They are in a gas trap," he answered.
"What is that?"
"Isa iyong invisible magic circle na nakakapag-trigger ng imaginary globe na unti-unting nawawalan ng oxygen sa loob. Once na na-trap sila sa loob no'n, sa bawat kaunting galaw nila, unti unti ring mababawasan 'yong oxygen hanggang sa mawalan sila ng hininga," he explained.
I nodded. I'm not concerned with Chelsea, but I am concerned with the other contestants. "May way pa kaya para makawala sila diyan?"
"We can reverse any kind of magic except for death. Let's see what they will do in this one." He then shrugged.
--
Syndrie's POV
Mahigit ilang minuto na kaming magkadikit ng mokong na 'to. Naiinis na ako kung hindi lang talaga kailangan. Ramdam kong nag-iisip siya ng plano dahil kanina pa nakakunot ang noo niya. Hanggang sa may ibulong siya na hindi ko maintindihan at bigla nalang may light na lumabas mula sa bibig niya.
Marahan ko iyong sinundan ng tingin dahil alam kong may gusto siyang sabihin. At tama nga ako.
Yung maliit na light kanina, biglang naging words. Hindi ko iyon mabasa no'ng una hanggang sa naging malinaw rin ang mga ito.
'I'll shout. Don't move. I'll distract them. Cast a spell that can kill almost half of them. I'll help you with the rest.'
'Yon ang nakasulat. Napatingin ako sa kanya ng nagtatakha. Baliw ba siya? Ang dami ng kalaban namin. Siguradong once na na-trace siya ng mga ito, kahit lumipad pa siya, matatamaan pa rin siya ng mga sanga ng mga Nexus Tree. Umiling ako sa kanya bilang pag-di-disapprove. Pero mukhang desidido rin naman siya. Mukhang wala rin naman akong magagawa para pigilan ang bwisit na 'to.
Huminga ako ng malalim at naghanda para sa gagawin ko. Marahang tumango si Faux sa 'kin na sinuklian ko lang ng marahang tingin. This is it.
Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap sa 'kin pero hindi ako gumalaw. Ramdam kong malapit na niyang makuha ang atensyon ng mga Nexus tree. "Here!" He shouted at mabilis na sumakay sa broomstick niya at lumipad sa ere.
Kusang sumunod sa paglipad niya 'yong mga puno pero pinanatili niyang nasa average level lang ang taas nila para maatake ko 'yong mga ugat.
Okay, concentrate Syndrie. Inisip kong mabuti 'yong spell na tinuro sa 'kin ni Zy dati. It is a natural light that can take any dark elements down. It is a special light that comes from the heart.
Pumikit ako ng marahan at pinagdampi ang dalawang palad ko habang nasa gitna non ang broomstick ko. Hindi ako makikita no'ng mga Nexus Tree dahil nasa gitna ang mata nila. Nasa ilalim nila ako ngayon kaya kahit gumalaw ako, walang makakapansin. At busy rin naman silang atakihin si Faux.
I was about to chant when I heard a scream.
"Ah! Sht!" Faux screamed out of pain. Napaangat agad ang tingin ko sa kanya dahil do'n. May sugat siya. Natamaan siya ng sanga no'ng mga puno! "Do it!" Inis na sabi niya sa 'kin.
Pinikit ko na agad ang mata ko at ikinontinue ang gagawin ko.
I thought of all the positive things in the world. Lahat ng masasayang alaala, lahat ng mahal ko sa buhay. 'Yong masayang buhay namin dati sa Mortal World. At no'ng mga panahong kasama namin si Zy. That was all the most treasured moments for me.
Marahan akong dumilat nang maramdaman kong nakabuo na ako ng Ball of Light. Napangiti ako. Ang galing talaga ni Zy. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay ang pasabugin ito.
Hinawakan ko ang broomstick ko at kinontrol para umakyat 'yong ball of light. Nang masiguro kong masasakop na silang lahat ay inumpisahan ko nang mag-cast ng spell.
"Expiro mesan!" I shouted.
Kitang kita ko kung paano ito sumabog at kung paano biglang naglaho ng parang bula ang mga puno. And the next thing I knew, wala na kami sa lugar na 'yon. Inilibot ko ang tingin sa madilim na lugar na ito para hanapin si Faux. Pero hindi ko siya makita.
Napabuntong hininga ako nang mapagtanto ang lahat. Does this mean na isa lang samin ang pwedeng mapunta sa level 2? Alam kong alam niya 'yon but still he sacrificed his chance for me. I sighed and mumbled, "Thank you, Faux."
--
Ayumi's POV
Level two na ng competition. Sa bawat pairs, isa lang sa kanila ang pwedeng mag-step forward sa level 2. As expected, isa sa kanila si Chelsea but we are not threatened. We are confident na kaya siyang talunin ni Syndrie. Base sa pinakawalan niyang kapangyarihan kanina, I know for sure na kaya niyang gawin 'yon.
Actually, lahat talaga kami nagulat sa ginawa ni Alistair Syndrie kanina, ngayon lang namin siya nakitang gumamit ng ganoon kalakas na kapangyarihan. We didn't know that she could be this powerful. Now we know kung bakit siya ang Alistair ni Heiress.
"That bitch." Narinig kong bulong ni Yana. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya kay Chelsea. Na kasalukuyang kausap si Alistair Syndrie.
Napatingin ako sa mga natira. Lima nalang sila at 'yong mga naging magkakasama, sila ang mga magiging magkakampi. Three vs two. Ang masama do'n, sila Syndrie at Chelsea pa ang pinagsama. This is bad. Really bad.
Nakaligtas si Chelsea sa gas trap dahil ginamit niya 'yong lakas ni Shaine. Hindi namin alam kung paano niya nagawang kunin lahat ng lakas ni Shaine at saka niya ni-reverse 'yong spell na nakapalibot sa kanya.
That's too risky. Pwede siyang makapatay nang dahil sa ginawa niya. But she's also smart for thinking that way. Iyon ang reason kung bakit siya nakapasok sa level two.
Habang si Faux naman ay nawalan ng malay. Masyado siyang nasaktan sa mga naging atake sa kanya ng mga Nexus Tree. Buti nalang, illusion lang lahat ng mga nakikita nila sa battle field na ito. Dahil ayaw rin naman ng mga Senior Leader na masaktan sila ng totoo.
"Twinnie, ano nang mangyayari ngayon?" Yuki asked. Napatingin ako sa kanya.
I shrugged. "Hindi ko alam, Twinnie. Manood nalang tayo."Asha, Eden, Falcon versus Chelsea and Syndrie. May the best witch/warlock wins.
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasíaThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!