Chapter 5: Desperately Inlove
Zeira's POV
"Ano yan?" Tanong ni Wren pagkapasok niya dito sa kwarto ko. Napapitlag ako dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Am I that preoccupied that I didn't feel him coming in? Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa librong nakapatong sa kama ko. Nakatingin ako do'n kanina at nagbabasa. Nag-aaral kasi ako ng ibang spells.
I rolled my eyes at him as he comfortably sat beside me. "Ano'ng ginagawa mo? I told Drane that I don't want any disturbance right now." Inis na sabi ko sa kanya. Madalas talaga, pasaway ang asong ito. Ni wala na nga siyang sinusunod na rule dito sa Lairhart Kingdom.
"Tss. Mukha ba akong malaking disturbance?" Inis na tanong niya rin sa tanong ko.
I playfully smirked at him. "Obvious ba?"
Mukhang nainis siya nang una pero agad rin siyang nakabawi. Ang nakakunot na noo niya kanina lang ay biglang napalitan ng isang lopsided smile. And by the looks of it, alam kong iba na naman ang iniisip niya. "Bakit? Masyado ba akong gwapo kaya hindi ka makapag-concentrate kapag nasa paligid lang ako?"
I was flushed on what he said. Great. This jerk really knows how to make me shut up just because of his overflowing confidence. Inirapan ko siya para magmukhang galit ako pero ang totoo, gusto kong tumawa dahil sa mga kalokohan niya. Hindi talaga siya nawawalan ng paraan para purihin ang sarili niya. "Sino namang nagsabing gwapo ka?" Sarcastic na sabi ko.
Naaninag ko sa peripheral vision ko na nagshrug siya. "Madami." Nasa boses pa rin niya ang pang-aasar kaya tumawa ako ng peke kahit gustong-gusto ko na talagang tumawa ng totoo.
Tinignan ko siya habang nakataas ang isa kong kilay. "Puro babae ba?"
"Oo. Bakit? Selos ka ba?" He smirked at saka nag-wink. Pinandilatan ko nalang siya ng mata at inirapan.
"Umalis ka nga dito. Panggulo ka lang e." Naiinis na sabi ko. Nakakainis. Maganda na sana ang mood ko kung hindi lang dahil sa kahanginan niya e. Akala mo naman totoong gwapo--oo na! Totoo na. Pero bakit kailangan pang ipamukha na madaming babaeng nagsasabi na gwapo siya? Playboy wolf!
"Nagselos nga. Sorry na." Malambing na ang tono niya ngayon pero parang gustong-gusto niyang tumawa. Hindi ko siya pinansin at nagconcentrate sa pagfi-flip ng pages ng Spell Book na hawak ko. Sino nagsabing nagseselos ako? Ang kapal rin naman talaga ng mukha ng asong ito. Sa lahat ng pwede niyang isipin, yan na yata ang pinaka-imposible! "Zeira." Tawag niya sa 'kin. Lalapit sana siya sa 'kin nang bigla siyang matigilan dahil sa invisible wall na ginawa ko. "What the?" Inis na sambit niya.
I smirked pero hindi ako tumingin sa kanya. Tignan natin kung sino ang mas pikon.
"Hoy, mangkukulam. Tanggalin mo 'tong Invisible wall na 'to." Naiinis na sabi niya.
Natatawa akong lumingon sa kanya. Halatang halatang naiinis na siya sa ginawa ko. Ayaw na ayaw niya kasing gumagamit ako ng Light para inisin siya. Unfair daw kasi. "Anong ginagawa ko sayo?" Inosenteng tanong ko.
Naka-poker face lang siya at halatang ready nang mag-transform sa sobrang inis. "Alisin mo sabi."
"Bakit naman? Busy nga ako, kaya iba nalang ang kulitin mo." Natatawa pa rin ako at saka ibinaling sa libro ang atensyon ko.
I heard him tsk-ed but I didn't look at him. "Gusto lang naman kitang yakapin kaya ako nandito." Naiinis na bulong niya pero hindi pa rin 'yon nakaligtas sa pandinig ko. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Kasabay no'n ay ang biglang pgkawala ng Invisible wall na ginawa ko. Nawala kasi ako sa concentration nang dahil sa sinabi niya. Nangungulit siya dahil gusto niya ng yakap ko?
Magsasalita pa sana ako para lang asarin siya ulit nang bigla niya akong iniharap sa kanya para yakapin. His hug is tight pero nakakahinga pa rin naman ako. I can feel his heart beating fast. The satisfaction in his mind dahil lang sa yakap ko. I can smell his familiar scent. Ang bango niya talaga. Kahit wolf siya, hindi siya amoy aso. I laughed at that thought. "Damn. I'm really so damn in love with you." He gently says.
Napangiti ako and hugged him back as tightly as I could. Hindi ako sumagot pero alam kong alam na niya ang ibig sabihin ng ginawa ko. That, 'I really am so damn in love with him, too.'
"Zeira? Wake up. Damn!"
Hinihingal akong napamulat ng mata at saka napaupo. A dream. About him again. Kailan ba ako masasanay? But it's okay. Sana nga't hindi na ako nagigising sa panaginip ko. If only I could live in a dream where I am happily with him. But I know that I can't. And it just hurts so much.
"Buti naman at nagising ka na!" Ani ng pamilyar na boses. Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Ully na nakatingin sa 'kin. He looks so worried. Nagtaka ako nang makita ang likod ng sinasandalan niya. Inilibot ko ang paningin ko at saka ko napagtantong nakakulong kami sa isang Invisible wall. Puro puno-- mga patay at walang buhay na puno ang nakapalibot samin. Napakadilim rin ng paligid at tanging ilaw lang ng kumikinang na wall ang nakikita. Kung hindi nga ako familiar sa invisible wall, baka akalain kong hindi kami nakakulong dito.
"Nasaan tayo?" Nagtatakha at kinakabahang tanong ko sa kanya habang inaalala ang lahat ng nangyari bago kami pumunta dito. Parang tubig na umaagos ang lahat ng ala-ala kong nagsibalikan sa 'kin. Mula sa pag-iyak ko dahil sa panaginip ko tungkol kay Wren at pati na rin sa babaeng kayakap niya. Sa pagdidiskusyon namin ni Ully dahil madami akong tinatago sa kanya at hanggang sa bigla nalang may kumuha sa kanya, pati na rin sa 'kin.
Umiling si Ully na alam kong nagtatakha rin. "Hindi ko rin alam. Nagising nalang akong nandito na tayo." Bale-walang sagot niya.
Sa bagay, bakit nga ba naman kailangan kong tanungin si Ully? E siya nga itong unang nadukot. Syempre wala siyang alam. I sighed. Tumayo ako para lapitan ang invisible glass wall na nakapalibot samin. Tinry ko itong hawakan pero wala namang nangyari. Buti nalang at walang kuryente ang glass wall na pinagkulungan samin. Mas madali namin itong mababasag.
Tumingin pa ako sa paligid at siniguradong walang tao sa paligid. Wala rin naman akong naririnig na mga kaluskos kaya't alam kong walang nagmamasid. Tumingin ako kay Ully. "Lumayo ka sa wall." Seryosong saad ko. Naguguluhan siyang sumunod at tumabi sa 'kin.
"Anong binabalak mo?"
Hindi ako sumagot sa tanong niya at saka nag-concentrate sa energy na ilalabas ko. Nakagawa sila ng invisible wall na alam kong galing sa Light. Kaya sigurado akong nasa isa kami sa mga city dito sa Lost World na pwedeng gumamit ng kapangyarihan. Pinagdadasal ko na nga lang sana na hindi ito sa Wrediff City. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa City na 'yon. Lalo na sa sinabi ni Red no'ng nakaraan na isang iyong Wall City.
Ni-re-ready ko na ang pakakawalan kong Light nang biglang hawakan ni Ully ang kamay ko. Gulat na gulat at may halong pagtatakha akong napatingin sa kanya. "What are you--"
"Don't Zeira." Putol niya sa tinatanong ko. Mas lalo akong nagtaka. "You're being impulsive, again." Determinadong sabi niya. Walang panlalait sa boses niya pero hindi ko naman mabasa ang gusto niyang palabasin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya na may pagtatakha.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko nang matauhan ako. Ako pa ang impulsive ngayon? Ako na nga itong gumagawa ng paraan para makaalis kami dito. Tapos impulsive pa ako? What a jerk!
He sighed. "Hindi mo ba naiisip na baka may binabalak ang mga dumukot sa 'tin?" Parang frustrated na frustrated na sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Sa tingin mo ba, hahayaan lang nila tayong makawala nang gano'n pagkatapos nila tayong dukutin? Hindi sila gagawa ng Invisible Glass Wall na sobrang daling tibagin kung wala silang ibang intensyon. Sigurado akong nasa labas lang sila ng wall na 'yan. At hindi natin alam kung anong susunod nilang gagawin kapag natibag na ang kulungan na 'to." Paliwanag niya. Napaisip ako bigla. He has a point. Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko. How can I be so immature ans impulsive? Hindi ba ako nag-iisip?
I sighed. "I'm sorry." I said. Napayuko ako at napaupo. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin na mas lalo kong ikina-frustrate. I feel so stupid and helpless.
Naramdaman ko ang pagtabi ni Ully sa 'kin. Lumuhod siya sa harap ko pero hindi ko siya pinansin. Nagulat nalang ako when he held my chin and made me look at him. Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya. "Ilalayo kita sa lugar na 'to. Pinapangako ko 'yan sayo."
Nagtaka ako sa sinabi niya dahil sobrang seryoso ng aura niya pero hindi nalang ako kumibo. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nag-isip ng ibang plano para makaalis dito. I can't just trust him that much. I want to but I can't.
"Great mind you got there, wolf."
Napatingin kami sa labas nang biglang may boses na nagsalita. Hindi ko siya kilala at hindi rin siya pamilyar. Pero base sa itsura niya, isa siyang Witch. Isa kaya siya sa mga Witch na nakita namin no'ng nakaraan sa Wrediff City?
Nakalugay ang mahaba niyang kulot na buhok habang nakasuot ng kulay red na cloack. Maganda siya pero mababakas ang kasamaan sa mukha niya. Mukha siyang demonyong nagpapanggap na anghel. Madidilim rin ang kanyang mga mata habang nakangiti samin. Nakahalukipkip siya at taas noong tinitignan kami na may halong pagkauyam. Lalo na sa 'kin.
"Sino ka?" Napatayong tanong ko. Ganun rin si Ully.
She smirked. "Aurora is the name, heiress." Sarcastic na sabi niya. Who is she? At anong kailangan niya samin?
--
Wren's POV
Abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na patimpalak para sa posisyon ni Jae Kyline. Maraming sumali pero hindi naman ako interesado kung sinu-sino sila. Basta't ang alam ko lang, kasali si Chelsea at gusto niyang magpatulong sa 'kin magtraining. Gusto ko siyang tanggihan pero matagal kaming hindi nagkita at aaminin kong natuwa rin ako sa pagsulpot niya dito.
Marami rin akong pagkukulang biglang kaibigan niya. Parang kapatid na rin kasi ang turing ko sa kanya dati kahit may kapatid ako dahil hindi ko naman ramdam ang presensya niya. Si Chelsea lang rin ang isa sa mga babaeng pinahahalagahan ko bukod kay Zeira. Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman siya. Damn it. Ayokong kalimutan si Zeira dahil alam kong babalik siya sa 'kin. I trust her. I just need to fucking wait.
"Hi Wren!"
Napalingon ako kay Chelsea habang nakangiti siya sa 'kin at kumakaway. Ngumiti rin ako at hinintay siyang lumapit sa 'kin.
"Chelsea," bati ko.
"Ngayon na ba ang training natin?" Masayang tanong niya at saka namin pinagpatuloy ang paglalakad palabas ng palasyo.
I shrugged. "Okay ka na ba?" Tukoy ko sa ginawa ni Roanna na pagkagat sa kanya. Tss. That woman.
"Oo naman. Magaling na naman ako," sabi niya habang nakangiti sa 'kin. "So ngayon na ba ang start ng training natin?" Excited na sabi niya.
Tumango nalang ako bilang sagot kahit gusto kong sabihin na masyado na siyang magaling para mag-train. Alam ko naman ang kakayahan niya at sigurado akong siya ang mananalo.
"Yehey!" Tuwang tuwang sabi niya at saka ako biglang niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya at ramdam ko ang mga titig ng ibang Welshes samin dahil nandito kami sa Great Hall. Hindi ko nalang sila pinansin dahil sanay naman ako sa babaeng ito. Pero parang bigla akong tinakasan ng dugo sa buong katawan nang may maaninag akong pigura ng isang babae habang nakatingin sa 'kin ng malungkot. Damn. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para kumpirmahin ang nakikita ko pero pagbukas ko ulit ng mata ko, wala na siya. Tangina. Baliw na ba ako? Bakit nakikita ko si Zeira dito? Sh*t! "Wren?"
Parang bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang tawag ni Chelsea. "H-huh?" Tanong ko sa kanya at nakita kong nakatingin rin sya sa tinitignan ko kanina.
"Anong tinitignan mo?" Nagtatakha niyang tanong habang pabalik-balik ang tingin sa 'kin at saka tinitignan ko kanina. Napatingin ulit ako sa spot na 'yon pero wala namang tao. Nababaliw na yata ako.
"Wala." Tss. Tangina naman, Wren. Parang gusto kong suntukin ang sarili ko dahil nakikipagyakapan ako sa ibang babae. Damn.
"So, tara na?" Napatingin ako kay Chelsea at ngumiti nalang ng pilit. Akmang ikakawit niya sana ang braso niya sa braso ko nang automatic akong napalayo. Tangina naman! Nakita ko naman kung paano biglang lumungkot ang expression ng mukha niya. "G-galit ka ba sa 'kin, Wren?"
Ano bang ginagawa ko? Damn it. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Paano nalang kung dumating si Zeira at makita kami? Pero tangina, wala naman akong ginagawang masama diba? Napabuntong hininga ako at tumingin kay Chelsea. Umiling ako at ngumiti. Saka ko hinawakan ang wrist niya at hinila siya palayo sa palasyo. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Shit. Wala namang mali dito diba? Mahal ko si Zeira, at siya lang naman ang mamahalin ko. Kaibigan ko lang si Chelsea at ayoko siyang saktan. Wala namang malisya kung yakapin niya ako. Takte!
--
"Magaling ka pa rin. Hindi mo na naman yata kailangan ng tulong ko." Pabirong saad ko habang nagpapahinga kami.
She pouted. "Pero natalo mo pa rin ako." Malungkot na sabi niya. Natawa ako sa itsura niya. Parang dismayadong dismayado kasi. Tsk tsk.
"Muntik mo na nga akong matalo." Nang-aasar na sabi ko. Nag-smirk ako nang bigla niya akong batukan pero mas lalo lang akong natawa.
"Muntik ka dyan! Ni hindi nga kita matamaan." Tumatawa na rin siya ngayon. Hindi naman to madaling mapikon. Hindi gaya ni Zeira. Kaya masarap asarin ang isang iyon dahil ang sarap niyang pikunin.
"Advantage mo rin naman dahil nahuhulaan mo ang mga susunod na kilos ko, sadyang mas mabilis lang ako sayo." Pagmamayabang ko. May special skills kasi si Chelsea na makakita ng visions sa future kaya kaya niyang alamin ang mga gagawing pag-atake ng kalaban niya. Napatingin ako dahil nakangiti lang siya.
Hindi siya kumontra kaya nawala ang ngiti ko. Kung si Zeira siguro ang kasama ko, baka kanina pa 'yon nakipagtalo sa 'kin. At siguro tadtad na ako ng hate words ngayon dahil sa pagiging overconfident ko. Pfft. Damn. I badly miss her.
"Bakit ka lumungkot?" Tanong niya nang tumingin siya sa 'kin.
I smirked. "Ang gwapo ko para malungkot."
"Alam ko." Pagsang-ayon niya habang tumatawa kaya napangiti nalang ako't napailing. Tangina, Wren. Bakit mo ba iniisip na reaksyon ni Zeira ang i-re-react niya? "Pero bakit ka nga malungkot?"
"Baka kasi ma-in love ka sa 'kin kapag puro ngiti ko lang ang makita mo." Natatawa kong asar sa kanya pero napatigil ako nang hindi siya magsalita. Nagbibiro lang naman ako pero bakit parang sumeryoso siya bigla? Napakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. "Bak--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang magsalita.
"What if I already did?" Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Sht. Mukhang alam ko na kung saan mauuwi ang usapang ito.
"Let's get back to the palace." Seryosong sabi ko at akmang tatayo na para umalis nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "Ano?"
"Bakit mo ba iniiwasang sabihin kong mahal kita, Wren? Alam ko namang umpisa palang, alam mo na ang nararamdaman mo but you keep on dodging it like a dagger!" Maluha-luhang tanong niya. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong nakikitang umiiyak ang isa sa mga taong mahalaga sa 'kin. Bakit ang straight forward ng babaeng ito? Damn this! Ayokong marinig mula sa kanya ang mga salitang 'yan dahil ayoko siyang saktan sa mga sasabihin ko. Pero wala akong choice. Ayokong mas masaktan siya dahil alam naming pareho na si Zeira lang ang mahal at mamahalin ko.
Bumuntong hininga ako. Isa lang naman ang rason ko. "Mahal ko si Zeira. Mahal na mahal." Walang emosyong sabi ko at saka ko hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita. Mababakas ang sakit sa boses niya, pero hindi 'yon ang tumatak sa utak ko, kung hindi ang tanong niya.
"Paano kung kaya kong ibalik sa palasyong ito ang prinsesa? Kaya mo bang kalimutan siya at mahalin ako?"
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasyThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!