Chapter 12: Switched

14K 449 137
                                    

Zeira's PoV

Pagkatapos ng mga nangyari, nag-decide kami ni Red na hanapin yung posibleng nag-connect sakin dun sa Magic Circle na 'yon sa Wrediff City. Hindi namin alam kung saan kami magsisimula pero bahala na.

Napansin kong medyo bumabagal na ang lipad ni Wuwu. "Pagod ka na ba, Wuwu?" I sighed at saka siya pinat sa balahibo. Ramdam kong napapagod na siya dahil ang tagal na rin naming nasa ere. Tinignan ko sila Uno at Red na nasa tabi namin ni Wuwu. "Red! Ipapahinga ko lang muna si Wuwu."

She nodded. "Sige, Heiress. Hahanap lang rin muna ako ng pwede nating pagstay-an."

I agreed and nodded. "Wuwu, let's go." I said at saka kami lumapag sa lupa. Mukhang ngang pagod na ang alaga kong White Dragon dahil bigla nalang siyang lumuhod at humiga sa sahig. Naawa naman ako bigla sa kanya. Umupo ako sa harap niya at saka ko siya pinat sa ulo. "Sorry, Wuwu. Mabigat ba ako?" Natatawa kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot pero inilapit niya ang mukha niya sa pisngi ko. Yung parang pusang naglalambing kaya mas natawa ako. "Sige na, pahinga ka muna dyan."

Tumayo lang muna ako para abangan si Red nang may marinig akong kaluskos. Nagtakha ako dahil unusual para sa 'kin makarinig ng kaluskos dito lalo na't wala namang ibang creatures dito. Lumapit ako do'n sa pinanggalingan ng tunog nang may biglang nagsalita.

"S-sino yan?" A familiar voice called.

I literally froze. Sobrang familiar sakin ng boses niya na parang gusto ko nang maiyak. Is it possible? Kilalang kilala ko ang boses na 'yon pero hindi. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag na mapunta siya dito. It's not her, right? It's not her.

Mabilis akong naglakad papunta sa pinanggalingan ng boses na 'yon na sana hindi ko nalang ginawa. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon. Why? Bakit siya nandito? Gusto ko siyang tanungin pero para akong nawalan ng boses dahil sa pagkabigla.

"Z-Zeira?" Nabitawan niya yung broomstick na hawak niya at saka siya nagmamadaling lumapit sakin para yumakap.

There are a lot of things to say, most especially to a friend I've been wishing to see. But now that she's here, all I could say was "No." because I know that she shouldn't be here in the first place. Is she dead? I don't want to think about it pero 'yon agad ang pumasok sa isip ko. Napailing ako habang yakap niya ako at umiiyak. "Syn, bakit ka nandito?" Marahan akong humiwalay sa pagkakayakap niya. She's crying. Syn's crying for pete's sake. It's so unusual for me to see her like this.

"H-hindi ko alam." Umiiling siya habang pinupunasan ang luha niya at saka siya umayos ng tayo. "But does that matter? Ang mahalaga nakita na kita, Zy! Bakit hindi ka nagpakita samin? Bakit hindi mo kami pinupuntahan sa Lairhart? Bakit hindi mo sinabi saming buhay ka?" Tuloy tuloy na tanong niya sakin.

Pakiramdam ko maiiyak na naman ako nang dahil sa huling sinabi niya. I wish I could do that but I can't. Matagal akong hindi nakasagot. Napapikit ako at huminga ng malalim before composing myself to talk. "S-Syn, hindi ako buhay." Kumunot ang noo niya dahil don. "Lahat ng nandito sa Lost world, sila yung mga namatay na Welsh sa Otherworld." Malungkot na sabi ko.

Namutla siya sa sinabi ko. "I-ibig sabihin--"she choked in her own words, "P-patay na ba ako?"

I litteraly cried at the thought of it but I just nod.

"H-hindi pwede. Si Mishiena... paano na si Mishiena?" Naguguluhang tanong niya. "That Chelsea bitch! Anong ginawa niya sa'kin?" Tanong niya sa sarili niya.

I was about to ask who Chelsea is nang bigla kong marinig si Red.

"Heiress?"

Napalingon kami parehas ni Syn sa kanya. "Kumusta? Nakahanap ka ba ng--" napatingin ako kay Syn nang bigla siyang nagmamadaling lumapit kay Red at saka ito sinakal. What is she doing?

The Heiress 2: The Lost WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon