Chapter 15: Mischief

9.3K 330 241
                                    

Never let yourself be ignorant of the things you barely know of. Start investigating about it first instead of getting yourself into something you'll regret after. Because no one will ever give you a clue on how something should work. You should learn it yourself.

Happy reading!

Chapter 15: Mischief

Otherworld

Wren's POV

Sumandal ako sa tapat ng isang malaking puno sa tapat ng pintuan ng Great Hall kasabay ng isang malakas na mura. Napakatagal naman. Nakatingin lang ako sa nakasarang pinto nito habang nasa bulsa ng pants ko ang dalawa kong magkabilang kamay. Tangina. Hindi na ako dapat pumunta pa dito.

Kanina ko pa hinihintay na matapos ang meeting ng mga Leaders dahil sa pagkawala ni Syndrie dahil hindi naman ako sumali sa kanila ngayon. Ayokong marinig ang mga kasinungalingang sasabihin ni Chelsea dahil alam ko namang may kinalaman siya don at ayoko ring makonsensya dahil hindi ko kayang sabihin sa tatay ni Zeira ang totoong nangyari dahil wala rin akong alam.

This is my one and only chance to make Zeira come back to this world and I don't want to jeopardize it. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sobrang selfish ko para dito pero wala, wala akong choice. I want her back.

"Sigurado ka na ba sa binabalak mo?" Hindi na ako nagtakha nang marinig ang boses ng kapatid ko. Alam ko namang kanina pa siya nakasunod sa'kin. At alam ko ring alam niya ang balak kong gawin. Pero wala naman na akong pakialam. I can do everything for the person I love, even if it will cost me everything I have.

Napatingin ako kay Ully na matiim ring nakatingin sa'kin. Sigurado naman akong kung siya ang nasa sitwasyon ko, ganitong ganito rin ang gagawin niya. "Ano sa tingin mo?" I casually asked. Napailing lang siya at umupo sa malaking ugat ng puno na katabi ng sinasandalan ko.

"Kapatid nga kita." Sabi niya pagkatapos ay nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. "Hayaan mo, susundin ko ang gusto mo." Pangako niya.

I smirked thinking of what we have talked about last night. "Sigurado namang gusto mo rin 'yon." Bigla naman siyang natawa nang sabihin ko 'yon. Napailing nalang ako. Minsan talaga, hindi ko alam kung tama bang pinagkakatiwalaan ko 'tong kapatid ko o hindi e.

"Pero seryoso," kasabay ng pagsabi niya no'n ay siya ring pagseseryoso ng mukha at boses niya. "Siguraduhin mo lang na makakagawa ka ng paraan para bumalik sa katinuan bago mahuli ang lahat." Prenteng nakaupo pa rin siya sa ugat ng puno at nakatingin ng seryoso sa pinto.

Hindi man ako sigurado sa mga mangyayari, pero tumango ako. "I will."

Flashback

"If you still want to see her, kaya ko siyang ibalik dito, Wren. But you need to accept my terms. I can do everything for you pero alam mo ang kapalit. Think of it." Huli niyang sabi bago ako tumalikod. Lalakad na sana ako paalis pero bago 'yon ay naramdaman ko na ang mga bisig niya sa katawan ko. She's fucking hugging me from the back. "Wren, please."

Mabilis akong kumawala sa yakap niya at hinarap si Chelsea. "Fuck off, Chelsea." Naiinis ako sa ginagawa niya pero hindi ko naman magawang saktan siya dahil kahit papaano, naging magkaibigan pa rin kami. Damn it.

"Wren, ayaw mo bang bumalik ang prinsesa? Please, just be with me." Pagmamakaawa niya. Tinignan ko lang siya nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Binalik ko ang kapatid mo rito. Hindi pa ba sapat na patunay yon?" sabi niya habang umiiyak.

Nakakatukso. Takte. Nakakatuksong tanggapin ang alok niya. Kilala ko ang taong 'to. Alam kong hindi siya nagsisinungaling. Alam ko ang kakayahan niya. Pero ano'ng mapapala ko? Makikita ko nga si Zeira pero siya naman ang gusto niyang mahalin ko? Na hindi ko kaya. Ayaw kong saktan sila pareho pero tangina, mahal na mahal ko si Zeira. At miss na miss ko na siya.

The Heiress 2: The Lost WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon