Chapter 8: Day of Competition
Yumi's POV
"Yana tumahan ka na, please." Malungkot lang akong nakatingin kila Mishie at Alistair Syndrie habang pinapatahan nila si Yana. Iyak pa rin kasi siya ng iyak. Kahapon niya pa kami iniiwasan sa totoo lang at buti nalang, nacorner na namin siya kanina para sabihin samin kung bakit siya nagkakaganyan. Kanina pa siya tapos magkwento tungkol sa nangyari sa kanila ni Zero kahapon pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
Naiintindihan naman namin siya. I may not know how she feels because of Zero and Chelsea's betrayal, but I do know how to love and get hurt at the same time.
I heard another sobs beside me so I looked at Yuki. Nagtakha ako kasi pati siya umiiyak na rin habang nakatingin kay Yana. "Bakit pati ikaw umiiyak na, twinnie?"
Tumingin siya sakin hababg nakapout. "Nakakaiyak kasi, twinnie."
Napailing ako. This is a serious matter. At hanggang ngayon, nagtatakha pa rin ako kung paanong nagawa ni Zero yun kay Yana. I know how much he loves Yana. What happened now?
Tumakbo ako agad palapit kay Zero nang makita ko siya para magtanong kung nakita niya si Yuki. Kanina ko pa kasi hinahanap ang isang yon at hindi ko siya makita! Nakaupo siya sa isa sa mga floating leaves dito. Isa iyong malalaking dahon na nakalutang sa ere at pwede mong upuan. Nakatingin siya sa malayo habang nakangiti. Bakit siya nandoon?
"Zero!" I called. Napayuko siya at napatingin sa pwesto ko.
"Yo Yumi." He called back. Lumipad ako para umupo sa katabing floating leaf ng inuupuan niya at saka tinignan ang tinitignan niya. Napangiti ako nang makita kung sino yon at sinundot ang tagiliran niya.
"Ayiie! Ikaw ha! Mahal na mahal mo talaga si Yana 'no?" Natawa siya dahil sa pang-aasar ko. Nakatingin kasi siya kay Yana habang nag-eensayo itong gumamit ng spells. Medyo malayo siya samin kaya hindi niya kami makikita dito.
"Mahal na mahal na mahal." Nakangiting sabi niya habang nakatingin pa rin kay Yana. Mas napangiti ako ng dahil do'n. Kita ko kasi sa mga mata niya na sobrang seryoso siya habang sinasabi yung nga katagang yon. Nakakainggit tuloy. Buti pa sila, alam nilang mahal nila ang isa't isa. Bakit kasi hindi ko masabi kay Nijel na gusto ko siya? Simple lang. Alam ko naman kasing si Mishiena ang gusto niya.
I sighed absentmindedly.
"Anong nangyayari?" Napalingon kaming lahat nang biglang sumulpot 'yong mga wolves kasama si Nijel. Si Nijel. Napalingon ako agad kay Yana nang tumingin siya sa 'kin. Ayokong makahalata siya.
"Zero and Chelsea happened." Naiiling na sabi ni Mishie na mas lalong ikinaiyak ni Yana. "Why are you here pala?" She asked looking at the Wolves and Nijel.
"Mag-uumpisa na 'yong competition. King Arcanus is looking for all the leaders." Exl said.
"Mauna na ka--" Alistair Syndrie said pero naputol 'yon nang biglang tumayo si Yana at saka pinunasan 'yong mukha niya.
"Let's go." Yana said at saka nag-umpisang maglakad papunta sa Coliseum of Magic.
Nagulat kaming lahat dahil bigla-bigla nalang siyang nag-aaya papunta do'n pero wala rin naman kaming magawa para pigilan siya. Okay lang ba sa kanyang makita sila Zero at Chelsea?
"Wait." Napatingin kaming lahat nang bigla nalang pigilan ni Winston si Yana. He looks worried na ipinagtakha namin. Close ba sila? Ngayon ko lang rin kasi sila nakitang nag-usap.
Walang emosyong tinignan ni Yana si Winston pati na rin ang pagkakahawak nito sa braso niya. "What?"
Hindi sumagot si Winston pero kinuha niya 'yong kanang kamay ni Yana at mas lalo kaming nagulat sa ginawa niya. He intertwined his fingers with hers. What is the meaning of this?
"Tara," he said at saka marahang hinila si Yana papunta sa Coliseum.
"Si-sila na?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari.
No one answered me at wala ring nagsalita bukod sa mga Wolves na bigla nalang nagsitawanan.
"Takte tol! Sa wakas. Gumalaw na rin si torpe!" Tawa ng tawa na sabi ni Riley.
Napapailing na tumawa rin 'yong iba. "T*ngina! Makapagsalita ka diyan parang hindi ka torpe ah." Exl smirked after niyang sabihin 'yon na nakapagpatigil sa pagtawa ni Riley habang lahat naman kami ay natawa bukod kay Syndrie.
Tinignan ni Riley ng masama si Exl at saka binatukan. "G*go! Manahimik ka." Galit na sabi nito at saka sandaling napatingin kay Syndrie at saka umalis.
Nagtatakha kaming lahat na napatingin kay Syndrie dahil nakakunot ang noo niya. Magkagalit rin ba sila?
"Magkagalit pa rin kayo?" Exl asked Syn pero inirapan lang siya nito at saka rin nag-walk out.
Magkagalit pa rin? Ibig sabihin matagal na silang magkagalit? Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?
--
Syndrie's POV
Dumiretso ako sa Coliseum pagkaalis ko sa pinuwestuhan namin kanina. Naiinis kasi ako sa tuwing ipapaalala na magkagalit kami no'ng baklang shokoy na Riley na 'yan. Ni hindi ko kasi alam kung bakit siya nagagalit sa 'kin. Dahil ba tinulak ko siya dati? Nakakainis naman. Ang bakla niya talaga! Dahil lang do'n, ilang linggo na niya akong hindi pinapansin? Tss. Bwisit siya.
Bahala siya sa buhay niya. As if namang namimiss ko siya at 'yong presensya niya. Asa pa siya! Never! Never ko talagang mamimiss ang baklang 'yon.
Pagkapasok ko sa malaking pinto ng Coliseum na 'to, hinanap agad ng tingin ko kung saan nakapuwesto ang mga lalaban at saka ako pumunta palapit sa kanila. Mahigit sampu rin pala ang mga kasali sa competition... kasama na ako do'n.
Sa totoo lang, ayoko talagang sumali dito. Dahil ayoko naman talagang maging leader ng Witches. Gusto ko lang mag-stay sa pagiging Alistair ni Zy. Pero no'ng narinig ko lahat ng sinabi ni Yana tungkol sa kawalanghiyaan no'ng Chelsea na 'yon, saka ako nakapagdesisyon na sumali. Tatalunin ko ang bruhildang 'yon.
Nakita kong nakaupo si Chelsea sa isa sa mga bench para sa mga kasali habang nagbabasa ng isang spell book. Tinabihan ko siya habang diretsong nakatingin sa gitna ng Coliseum. Isang malaking field ang Coliseum na ito at lahat ata ng Welshes, dumalo dito ngayon. Nag-iba rin ang itsura nito ngayon. Lalo na ang gitna nito. Mukha lang itong isang malaking field pero alam kong mas malaki ang loob nito. At alam kong hindi namin aasahan lahat ng bagay na makakaengkwentro namin sa loob. Dahil alam naman naming ilusyon lang ang nakikita namin. Sa gitna ng field magaganap ang competition pero hindi lang kami ang magiging magkakalaban.
"Syndrie Wilward." I felt Chelsea's scrutinizing look pero hindi ako tumingin sa kanya. I just smirked instead. I can feel the fear in her voice. Akala niya ba hindi ako sasali?
"Threatened?" Smirking, I looked at her at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya. Huh. This bitch is a scared cat after all.
Bigla ring nagbago ang expression ng mukha niya at saka nag-smirk. "Why would I? I know you're a great witch but you can't win over me. Tandaan mong mas bihasa ako dahil nandito na ako simula pagkabata ko. Unlike you." Nang-aasar na sabi niya.
"Oh great. Thank you sa pagpapaalala. Muntik ko nang makalimutang matanda ka na nga pala." Natatawa kong sabi sa kanya na ikinagalaiti niya lalo.
"What?!"
"Give me a good game old hag." Malapad akong ngumit at saka tumayo para lumapit sa gitna ng Coliseum. Pinapalapit na kasi lahat ng contestants.
Bago ako tuluyang makalapit sa gitna, nakita ko pang nakatingin sa 'kin si Mishie habang nagtatakha. Nginitian ko lang siya. Nabaling ang tingin ko sa mga Wolves na katabi niya at saka ko nakitang nakatingin din sa 'kin si Riley. Hindi ko alam kung bakit napaka-cold niya kung tumingin sa 'kin. Ano bang problema ng baklang 'yan? Nakakainis. At the same time, masakit.
Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at saka ibinaling ang tingin kay Master Hans.
"Maraming salamat sa pagdalo sa paligsahang ito mga kapwa kong Welsh. Ngayong araw natin masasaksihan ang pagtutuos ng mga napiling bata na ito para patunayan na karapat-dapat ang isa sa kanila para pamunuan ang naiwang posisyon ni Leader Jae Kyline sa mga minamahal nating Witches at Warlocks," sabi niya habang tahimik kaming nakikinig.
Isa-isa niya kaming tinawag. Ngayon ko lang napagtantong lahat pala kami ay nabibilang sa mga kilalang malalakas na pamilya sa Race ng Witches and Warlocks. Sila Asha Beorthwald, Shaine Ricneth, Kline Leofmark, Eden Thorruth, Kirsten Royphia, Gale Cuth at ang kambal na sila Faux Wynceolley at Falcon Wynceolley ang mga makakalaban namin ni Chelsea.
Hindi ko alam kung ano ang kakayahan nila. Hindi ko rin alam kung dapat ko ba silang maliitin. Pero I don't care. Isa lang naman ang kailangan kong gawin, at 'yon ang talunin si Chelsea para hindi siya maging Leader.
"Hindi gaya ng mga nagiging paligsahan dati, iniba namin ang magiging paligsahan ngayon," sabi ni Master Hans. Hindi ko rin naman alam kung ano ang mga naging paligsahan dati. Napatingin siya sa field na pinalilibutan namin kaya gano'n rin kami. "I'm sure, we will be able to see who will shine and who will not in this competition."
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinabahan dahil sa huling sinabi niya.
--
Mishie's POV
This is seriously insane. I don't know what has gotten into Syndrie's mind para sumali. I thought ayaw niyang sumali sa competition? Ako tuloy ang kinakabahan para sa kanya.
"Akala ko ba hindi sasali si Syndrie?" Nagtatakhang tanong ni Exl habang nakaupo sa tabi ko.
Nandito kami sa mga unang rows ng benches nakaupo kasama sila Nijel at ang ibang Wolves habang nasa elevated island naman nakapwesto lahat ng leaders kasama ang Senior Leaders pati si King Arcanus, Viex at Roanna.
Tumingin ako kay Exl at nag-shrug. "I don't know either. Ilang days ko na rin siyang pinipilit but she kept on saying no. I don't know what changes her mind."
"Baka dahil sa nangyari kay Yana." Napatingin kami kay Nijel nang magsalita siya. He looked at me habang nakakunot ang noo ko. "You know her. Kapag kaibigan niya, hindi niya hahayaang masaktan. She loves revenge a lot." He smiled at me. He's right.
Napatingin ako kay Syndrie. That was supposed to be a joke pero mas kinabahan yata ako nang dahil sa huli niyang sinabi.
"Hindi gaya ng mga nagiging paligsahan dati, iniba namin ang magiging paligsahan ngayon." Napatingin kaming lahat kay Master Hans nang sabihin niya 'yon. What does he mean? He motioned his hand at the center of the field kung saan nakapalibot ang mga maglalaban laban. "This field is a portal. Isa-isa kayo nitong dadalhin sa iba't ibang lugar. Hindi niyo malalaman kung sino ang mga makakasama niyo o kung sino man ang mga makakalaban niyo. Iyon ang magiging unang yugto ng kompetisyon na ito. Sa oras na malampasan niyo iyon, ay kusa kayong makakarating sa ikalawang yugto kung saan kailangan niyong kalabanin ang isa't isa. Hanggang sa makarating kayo sa ikatlo." I had goosebumps. Ganito ba kahirap maging Leader ng bawat Race? "Sa oras na makabalik ang isa sa inyo dito, siya ang mananalo. Maliwanag ba?" Nagsitanguan ang lahat ng kalahok maliban kay Syndrie na nakatingin lang sa gitna ng field. Seryoso siya pero ramdam kong kinakabahan siya."I'm sure, we will be able to see who will shine and who will not in this competition."
"What if hindi lang isa ang makabalik? Or what if wala?" Wala sa sarili kong tanong.
"That's impossible." Nijel said. "Siguradong may matitira at isa lang 'yon. Siguradong ang matitirang humihinga ang makakabalik dito."
Gulat na napatingin ako kay Nijel. "What do you mean? Mamamatay sila?"
Umiling siya at natawa. "That's not what I meant. Sa oras na mapuruhan sila at mawalan ng malay, kinoconsider na 'yon ng spell na nilagay ng senior leaders sa larong ito na patay na sila. So hindi sila makakapasok sa susunod na level."
"Pero makakabalik naman sila dito?" Riley asked. Napatingin ako sa kanya na parang nag-aalala rin.
Nijel nodded. "Once na nakabalik na dito ang nanalo, makakabalik na rin sila."
It was a relief. Wala naman akong pakialam kung hindi makabalik si Chelsea. Pero dapat makabalik dito si Syndrie.
Naagaw ng malakas na paghuni ng mga Aerees ang atensyon namin. Sila 'yong mga rebulto ng mga babae na may hawak mga parang palayok at nakatayo sa bawat sulok ng coliseum. Sa paghuni na 'yon ay saka nagkaroon ng apoy 'yong mga palayok na hawak nila. Kusa ring dumilim ang langit. Magsisimula na yata.
"Opisyal ko nang sinisimulan ang laban. Pwede na kayong pumasok sa portal." Master Hans declared. Please Syn, bumalik ka dito.
--
Zeira's POV
Nakarating kami ni Red sa isang madilim na gubat dito sa Lost World. Hindi namin alam kung naliligaw na ba kami o ano dahil kanina pa kami pabalik balik sa lugar na 'to kaya nagpahinga muna kami. Napapansin ko rin kasing pagod na sila Wuwu at Uno.
I sighed while processing what happened in the Wrediff City. Tumingin ako kay Red habang gumagawa siya ng apoy. Kanina pa kasi kami nilalamig dahil nasa gitna kami ng gubat.
"Red?" Tawag ko sa kanya. Hindi ko na kaya 'yong ganito. Ang dami-dami kong iniisip.
"Why, heiress?" She glanced at me. She looks worried pero hindi ko iyon pinansin. I want answers.
"Si Ully. A-anong nangyari sa kanya? Babalik pa naman siya rito diba? Am I right?" Kahit hindi ko masyadong inilalapit ang loob ko kay Ully, he's still important to me. Dahil siya lang ang kaisa-isang Welsh na nakita at nakilala ko dito.
"Heiress..." She looks hesitant kaya umiling ako.
"I need to know. Please." I begged. Tumigil siya sa ginagawa niya at saka tumingin ng diretso sa 'kin.
She sighed at saka umiling. "He's gone, heiress."
That's not the answer that I wanted to hear pero kahit ano namang isipin ko, 'yon at 'yon rin ang alam kong isasagot niya sa 'kin. Gusto kong umiyak dahil sa sagot niya pero napailing nalang ako at napayuko. This is all my fault. Ako ang gustong kunin ng mga Witches na 'yon pero nadamay si Ully nang dahil sa 'kin. Why am I so stupid?
"That was supposed to be me. Ako dapat ang papatayin nila--"
"No, heiress. They will not kill you. They need your Light, desperately." Tahimik akong napatingin sa kanya at hinayaan siyang magsalita. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. "Sa nakita ko kanina, gusto nilang gamitin mo ng lubos ang kapangyarihan mo hanggang sa mabuo mo 'yong Magic Circle na ginagawa nila. At ginagamit nila ang kahinaan mo para iparamdam sayo ang lahat ng emosyon na kailangan mong maramdaman para mabuo 'yong Magic Circle."
"What? What do you mean?" Nagtatakha akong nakatingin sa kanya at saka nag-isip. 'Hindi nga ako nagkakamali. Ikaw nga ang susi para mabasag ang wall.' Parang kusang nag-echo ang boses ni Aurora sa isip ko. "I'm the key for breaking the wall." I mumbled to myself.
Napatingin ako kay Red at saka siya tumango ng marahan.
"That means kapag nabuo ko na ang Magic Circle, makakabalik lahat ng nandito sa Otherworld?" Tanong ko sa kanya.
"That's right, Heiress."
"Pero paano? Hindi naman natin alam kung anong mga emotions ang kailangan nilang palabasin sa 'kin. Isa pa, hindi ko maintindihan kung paano naging connected sa 'kin 'yong Magic Circle na gawa nila. I just don't know kung paano nangyari ang mga bagay na 'to." Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko.
"Hindi rin naman nila alam, Heiress."
Napatingala ako kay Red dahil do'n. "Anong ibig mong sabihin?"
"Napagtanto kong hindi sila ang may gawa ng Magic Circle na 'yon. Come to think of it. Bawat Magic Circle na ginagawa natin, kontrolado natin. Tayo lang ang may kakayahan na makabuo no'n. Kung sila ang may gawa no'ng Magic Circle, siguradong mabubuo nila 'yon nang hindi ka kailangan. But they can't."
"Ibig sabihin, ako ang may gawa no'ng magic circle?" Nagtatakha kong tanong sa kaniya. Umiling siya.
"Hindi ko alam, Heiress. Pero sigurado akong kung hindi man ikaw, isang makapangyarihan na nilalang ang may gawa no'n. At ikinonekta niya rin 'yon sa 'yo," she said. Natahimik ako. Sino naman kaya ang pwedeng gumawa no'n?
"Pero paano naman nila nalamang kailangan nila ako para mabuo 'yon?" Naguguluhan pa ring tanong ko. Hindi ko ma-digest lahat ng sinasabi niya sa 'kin ngayon. Parang-- parang ayoko nalang rin maniwala.
"Dalawang beses lang umilaw 'yong Mirror Magic Circle sa Wrediff City, Heiress. A year ago at no'ng napadpad kayo ni Ully sa Wrediff City. Wolf si Ully, am I right? Kaya imposibleng ma-trigger niya 'yong Magic Circle. And then I saw you. Kaya no'ng na-corner ko kayo, hindi na ako nagdalawang isip na pasamahin kayo sa 'kin. Dahil sigurado akong hahanapin nila kayo." Paliwanag niya.
Natahimik kami parehas nang dahil do'n. This is too much lalo na't napakaraming nangyari ngayong araw. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba na ganito ang nangyayari o tatalikuran ko nalang lahat. Masyado akong naguguluhan.
"I'm sorry, heiress, kung ngayon ko lang nasabi lahat ng 'to. Ngayon ko lang rin kasi napag-isipan lahat lahat. Pati na rin sa nangyari kay Ully." Hinging paumanhin niya.
Umiling ako. "It doesn't matter. Ang kailangan natin ngayon ay mahanap ang taong gumawa ng Magic Circle at malaman kung anong emotions ang kailangan kong palabasin para mabuo 'yon." I gulped. "Then, I will reverse it para hindi na sila makaalis dito." Ang hirap sabihin. Pero mas mahirap gawin. Gusto kong makita si Wren. Silang lahat. Gusto kong bumalik pero kung ganito ang mangyayari, kung mapapahamak lang rin sila. Then, no. I'll just make myself suffer here kesa sa kanila mangyari 'yon.
And about Ully, I have this feeling na magkikita kami ulit. Not now, maybe. But I know na hindi pa siya patay. Hahanapin ko siya. Hahanapin ko si Ully.
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasyThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!