Chapter 13: The Real Intention
Yana's PoV
"Sandali, Wren!" Tawag ko kay Wren habang tumatakbo. Kanina ko pa siya hinahabol pero wala siyang balak na tumigil. Damn this wolf! Masyado siyang mabilis kumpara sakin kaya nilabas ko na ang rose ko. "Felyo!" I chanted. Kusa namang nagsiangatan ang mga tuyot na dahon sa paligid at nabuo na parang lumilipad na unan. Mabilis akong sumakay doon at sinundan si Wren. "Wren! Nababaliw ka na ba? Bakit mo hahanapin ang babaeng iyon?" Naiinis na tanong ko nang maakabot ako sa kanya. Just by thinking of that bitch's name makes me want to strangle her to death.
Nagwoworry rin ako sa sinabi nya kanina sakin na kaya niyang gawin lahat para lang makabalik si Zy dito. And now, si Chelsea ang hinahanap nya!
Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin at patuloy lang sa pagtakbo. "Ramdam kong may kinalaman siya sa mga nangyayari ngayon dito." Seryosong sabi niya. Napaisip ako bigla. Kung tutuusin, siya yung kasama ni Syndrie sa competition dahil silang dalawa ang natira, pagkatapoos hindi namin alam kung bakit biglang nagblack out lahat ng messenger bubble. Akala namin, parte lang iyon pero after ng ilang minuto, biglang nakabalik si Chelsea sa gitna ng field ng Coliseum of Magic which indicates na siya ang panalo. But after that, hindi na nakita si Syndrie.
I gasped. "Ibig sabihin, may kinalaman siya sa pagkawala ni Syndrie?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi naman sa nagdadoubt ako dahil alam ko namang malakas si Syndrie at kaya niyang talunin si Chelsea in any way pero sobrang posible na may ginawa na naman ang babaeng iyon na pwedeng magpahamak kay Syndrie. Pero ano? Ano na namang ginawa niya this time?
"Not just that. Ramdam ko ang presensya niya kanina nang nakita natin ang kapatid ko. Sigurado akong may binabalak na naman siya." Pakiramdam ko, mas lalo lang lumala yung galit ko sa babaeng iyon.
"That bitch!" bulalas ko. Biglang napahinto si Wren sa pagtakbo kaya napatigil na rin ako at napatingin sa harap namin. Nakatayo doon sina Ully and Chelsea. Mukhang may pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig. Mabilis akong bumaba sa mga dahon na sinasakyan ko kanina at nagtago sa isang malaking puno. Ganoon rin ang ginawa ni Wren habang hindi pa rin maalis ang tingin sa dalawa.
Inantay namin silang matapos sa pag-uusap hanggang sa biglang umalis si Chelsea. Kita ko kung paano manggalaiti si Ully na parang hindi siya sang-ayon sa pinag uusapan nila. Ano na naman kayang ginagawa ng bruha na yon? Hindi ko sila naririnig dahil medyo malayo kami sa kanila pero alam kong naririnig sila ni Wren.
Lumingon ako sa kinatatayuan ni Wren kanina at nagulat ako nang makitang wala na siya don. What the? Napabalik ang tingin ko sa kinatatayuan ni Ully at nakitang nakasalampak na siya sa sahig habang sinusuntok ng kapatid niya. "Oh my! Wren!" Mabilis akong napatakbo papunta sa kanila para umawat. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to? Bakit niya sinasaktan ang kapatid niya?
"Tangina. Anong ginawa nyo kay Zeira?!" Wren asked. Napahinto ako nang marinig ko ang tono ng boses niya. He's mad. Not just mad. He's blazing mad na parang kaya niya ng pumatay. What happened? Ano bang narinig niya? Ano'ng ginawa nila kay Zeira?
"Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo, Wren." Ully said habang umiiling. He's lying. Kitang kita sa expression ng mukha niya na nagsisinungaling siya. Ano ba talagang nangyayari?
"Sinungaling! Narinig ko ang pinag-usapan niyo. Shit!" Lalapitan na naman sana ni Wren si Ully para suntukin pero pumagitna na ako. "Stop it, Wren!" Sabi ko habang nakatingin ng matiim sa kanya. Seryoso lang siya habang nakatingin kay Ully na nasa likod ko. "Kung may gusto kang alamin, I think you should ask Chelsea. Hindi yung nakikipag-away ka sa kapatid mo!" I said.
Nakakuyom ang mga kamao ni Wren dahil sa sobrang galit at pati ako natatakot na sa kanya pero tama naman ang sinabi ko diba? Hindi niya makukuha ang sagot sa taong ayaw magsalita. Chelsea did this on purpose. Sigurado akong hinayaan niyang marinig ni Wren ang usapan nila. She could've blocked or created a spell for a shield kung wala siyang binabalak na iba.
BINABASA MO ANG
The Heiress 2: The Lost World
FantasyThe Heiress' Book 2. Read Book 1 before this. Thanks!