"Nakakainis! Ayaw yata ng mga foreigner sa kamandag ko!" Maktol ni Akira sa kaniyang kaibigan na si Pukengkay.
"Eh maputi ka kasi. Gusto kasi nila, kagaya ko na morena at sarat ang ilong. Eh ikaw kasi, maganda ka. Kaya siguro ayaw nila sa iyo."
"Naku paano na 'to? Kailangan kong makabingwit sa kanila kahit isa!"
"Kung gusto mo talaga, eh 'di magpapangit ka! Gayahin mo ang itsura ko na pangit!" Nakangising sabi ni Pukengkay.
Inirapan siya ni Akira. "Hoy! Ano ka ba? Huwag ka nang ganiyan sa sarili mo. Ang ganda mo kaya. Lahat tayo magaganda. Depende na lang talaga sa tumitingin. Kaya huwag mo sabihan ang sarili mo ng ganiyan. Bad 'yan!" Pinaikot pa ni Akira ang kaniyang mata.
Kumamot naman ng ulo si Pukengkay. "Alam ko naman kasi sa sarili ko na pangit ako. At saka marami rin naman kasi ang nagsasabi. Hindi ko na maipagkakaila pa. Alangan namang sabihin kong maganda ako kahit hindi? Pero huwag ka, ang kapangitan kong ito ang mag-aangat sa akin sa buhay!" Masiglang sabi ni Pukengkay.
"Hays ewan! Sana all na lang talaga pinapansin ng mga foreigner! Naiinis na ako!" bulyaw pa ni Akira.
Inis na nawalis si Akira. Bigla tuloy siyang nawalan ng pag-asa na makabingwit ng foreigner. Pero sinabi niya na hindi siya susuko dahil kailangan niyang yumaman. At kailangan niya pang ipakita sa Tita niya na nagkamali ito ng inapi.
Panay nga ang tawag sa kaniya ng Tita niya pero hindi niya ito pinapansin. Galit na galit ito at sinabing wala raw siyang utang na loob. Walang kuwenta. Matapos daw siyang patirahin nito ay ganoon na lang ang isusukli niya.
"Sige na, Akira. Maglilinis mo na ako sa kabilang side ng beach. Mukhang marami na kasing kalat doon," paalam sa kaniya ni Pukengkay.
"Okay sige. Bye na," sabi naman ni Akira.
Malungkot siyang nagwalis. Muli niyang naisip ang Tiyahin niyang masama ang ugali. Grabe talaga ito kung makapagsalita. Kapag hindi talaga nabibigyan ng pera, lumalabas ang sungay. Na akala mo may pinatago siyang pera kay Akira.
"Oh? Bakit ganiyan ang itsura mo? Masyado ka namang malungkot! May problema ka ba?" wika ni David nang lumitaw ito sa kaniyang harapan.
Inirapan niya ang binata. Nagpatuloy siya sa pagwawalis pero hindi umalis sa kaniyang harapan ang lalaki kaya naman inis niya itong tiningnan.
"Ano ba? Nakikita mong nagwawalis ako, 'di ba? Ano bang eksena mo? Papansin ka? Kulang ka ba sa aruga kaya papansin ka sa akin?" Inis na sabi ni Akira.
Humagalpak naman ng tawa si David. "Grabe ka naman! Galit na galit ka na naman! Ano bang problema? Bakit ka nakasimangot? Gusto ko lang naman malaman," sabi ni David habang nakangiti.
"Wala ka rin namang maitutulong sa akin. Basta, problema ko lang ito sa Tita kong masama ang ugali," halos pabulong na sabi ni Akira.
"Ah okay. Uso nga 'yong mga ganiyang kamag-anak. Imbes na sila ang tumulong sa kapwa nila, sila pa ang nagmamaltrato dito," saad ni David.
Huminto sa pagwawalis si Akira sabay buntong-hininga. Tumingin siya kay David.
"Sa pamilya niyo ba, may ganiyan?"
Nagkibit-balikat si David. "Hindi ko alam eh. Wala naman kasi akong pakialam sa iba kong kamag-anak. At isa pa, malayo kami sa kanila. Si Mom and Dad ko naman, wala rin masyadong pakialam. Basta masaya silang dalawa ay ayos na 'yon. Kasi minsan, kung sino pa ang close mo sa mga kamag-anak mo, sila pa ang may lihim na inggit sa iyo."
Tumango-tango si Akira. "Sabagay, mukhang mayaman ka naman kasi kaya hindi mo alam 'yong ganitong eksena. 'Yong mayroon kang mapang-api na Tiyahin. Palibhasa, hindi mo siguro naranasan ang makitira sa ibang bahay," malungkot na wika ni Akira.
Hindi naman umimik si David. Napansin niya ang lungkot sa boses ni Akira na tila ba may dinadala itong bigat sa dibdib.
"Bakit? Ano bang ginawa sa iyo ng Tita mo? Sinaktan ka ba niya o ano? Pero ayos lang kung hindi mo sabihin. Ang sa akin lang, gusto ko lang na mailabas mo ang sama ng loob mo. Makikinig ako," sabi ni David sabay ngiti.
Tiningnan muna siya saglit ni Akira bago nagsalita. "Kasi ganito…wala na akong mga magulang. Tapos ito na nga, nakitira ako sa Tiyahin ko. Simula nang tumira ako sa kanila, ni minsan hindi ko naramdaman na kamag-anak nila ako. Iba sila sa mga kuwento ng kaibigan kong nakitira din sa Tiyahin nila. Ang sa kanila kasi ay itinuturing silang kamag-anak o minsan pa nga ay anak. Samantalang ako, itinuring nila akong katulong. Halos lahat ng sahod ko sa kaniya napupunta. Naintindihan ko naman kung bakit kailangan kong magbigay. Kasi nga nakikitira ako sa kanila. Ang kaso nga lang, sumusobra na siya." Bakas sa tono ng pananalita ni Akira ang inis.
"Ah okay. Grabe naman pala 'yang Tiyahin mo. Paano ka nakatagal doon? At paano ka naman napunta dito? Mabuti nakaalis ka doon?" saad naman ni David.
"Nakatagal ako doon dahil no choice. Kasi walang-wala pa talaga ako eh at wala rin akong mapupuntahan. At kaya naman ako nakarating dito, dahil natauhan na ako. Na naisip ko na hindi puwedeng doon na lang ako. Walang mangyayari sa akin doon. Puro pasakit lang. Kaya ayon, tumakas ako. Hindi ko sinabi na pupunta ako dito. Tapos tawag nang tawag sa akin. Wala raw akong kuwenta. Wala raw akong utang na loob."
Tumingala si Akira upang pigilan ang nagbabadya niyang luha. Hindi niya maiwasang maiyak lalo na kapag naaalala niya ang mga hirap na dinanas niya sa kaniyang Tiyahin pati na rin sa mga anak nito.
Bumuntong hininga naman si David. "Huwag mo na lang pansinin. Hayaan mo na lang siya. Huwag mo na sagutin ang tawag niya. I-block mo na lang. Kasi wala rin naman siyang masasabing maganda sa iyo eh. Sasakit pa ulo mo. Mai-stress ka pa sa mga sinasabi niya."
Tipid naman na ngumiti si Akira. "Sabagay tama ka. Mamaya iba-block ko ang number niya para hindi na niya ako matawagan. Sobra na kasi ang mga pinagsasabi niya sa akin. At kahit na sanay na ako sa mga sinasabi niya, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Masakit pa rin sa dibdib."
Pasimpleng tinapik ni David si Akira. "Hayaan mo na 'yon. Ang importante, nandito ka na. Malayo ka na sa kaniya. Alam mo, para hindi ka na malungkot, halika. Sumama ka sa akin. Ililibre kita ng kahit anong gusto mong kainin."
Namilog ang mata ni Akira. "Talaga? Kahit ano libre mo? Paano 'yan matakaw ako?" Natatawang sabi niya.
Tumawa naman si David. "Ayos lang 'yan. Ako ang bahala!"
Agad naman namang sumunod si Akira. "Sige salamat! Hindi na ako mahihiya ah? Kakapalan ko na ang mukha ko! Thank you na agad!" sabi ni Akira sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...