KABANATA 15

866 16 0
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Akira. Tiningnan niya muna ng ilang minuto ang natutulog na si David. Hindi niya napansin na tumulo na pala ang kaniyang mga luha. Ayaw naman talaga niyang umalis. Ayaw niyang malayo sa lalaki. Pero ito lang ang naiisip niyang paraan para maisip ni David na mahalaga siya. Baka sa pag-alis niyang ito malaman ni David sa kaniyang sarili ang lahat ng effort niya upang maipadama sa lalaki na mahal niya ito. Nakarapat-dapat siyang mahalin kahit malayo man ang agwat nila ng estado sa buhay.




Marahang kumilos si Akira. Kumuha siya ng malaking bag at saka inilagay ang gamit nilang dalawa niya ng anak niya. Marahang binuhat ni Akira ang kaniyang anak para hindi ito magising. Muli niyang nilingon si David. At sa huling sandali, marahan niya itong hinalikan sa labi bago tuluyang lumabas ng kanilang kuwarto. Sumisikip ang dibdib niya habang naglalakad. Pagkatapos ay nagpahatid siya sa driver doon sa sakayan. Sinabihan niya itong huwag ng banggitin pa kay David kung bakit siya umalis. Kaagad namang sumang-ayon ang driver.



"Ma'am alam ko po na hindi maganda ang takbo ng relasyon niyo ni Sir David pero sigurado po ba kayo sa desisyon ninyo?" tanong sa kaniya ng Driver.



Mapait na ngumiti si Akira. Ang bigat ng kaniyang dibdib na para bang sasabog ito. "Alam niyo naman ang sitwasyon naminv dalawa. Na magkasama lang talaga kami dahil sa anak namin. Ayoko nang masaktan pa ng sobra. Baka kasi kapag mas tumagal pal ang pananatili ko sa kan'ya, mas lalo ko lang siyang mamahalin. At alam ko naman na hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko."



Malungkot na tumango ang driver. "Sabagay, tama po kayo. Wala pa kasi talaga sa isip ni Sir David ang magkaroon ng anak. At saka talagang napakababaero niya. Sa totoo lang, sakit sa ulo 'yang si Sir David sa mga magulang niya. Kaya nga hinayaan na lang siya ng mga magulang niya. Pero alam niyo ba, gustong-gusto ng mga magulang niya na magkaapo na sila. Ayaw lang ni Sir David dahil hindi niya pa kayang humarap sa responsibilidad. Ang gusto lang kasi ni Sir David ay puro kasiyahan. Ayaw niyang makaranas ng hirap. Palaging sinasabi ng mga magulang niya na mag-anak na siya pero ayaw talaga ni Sir," kuwento ng driver kay Akira.

Nanlaki naman ang mata ni Akira. "Gusto pala ng mga magulang niya pero bakit ayaw niya pang sabihin? Sigurado ako na matutuwa ang mga magulang niya kapag nalaman niyang may apo na sila."

Nagkibit balikat naman ang driver. "Eh kasi nga po, mahalaga pa kay David ang mga tao sa paligid niya. Ayaw niyang makakarinig siya ng panlalait. Syempre may magsasabi sa kaniya ng mga negative comments eh. Ayaw niyang makarinig ng ganoon."


Malungkot na napapikit si Akira. Sabagay, nakakabigla nga namang nalaman ng ibang tao na may anak na ang kagaya ni David sa isang tulad niya na janitress lang. Malamang sa malamang, pagtatawanan siya ng mga ito.


"Dito na lang po kami. Salamat po sa paghatid ninyo." Tipid na ngumiti si Akira at saka bumaba na ng sasakyan.



Agad namang nakasakay ng bus si Akira. Habang nasa byahe, hindi mapigilan ni Akira na umiyak. Masakit man para sa kanyang iwan si David pero kailangan niya itong gawin para hindi na siya mas lalo pang masaktan. Nagtanong-tanong siya sa mga tao kung saan puwede siyang makalipat. Mabuti na lamang at may available na apartment. Um-order siya ng mahihigaan nilang dalawa ng anak niya pati na rin mga pagkain. Mabuti na nga lang at may mabuting loob na nautusan siya para bumili ng kanilang stocks na pagkain. Binayaran na lamang niya ito.


Nang muling makatulog ang anak ni Akira, tumabi siya rito at nahiga sa kama. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at umasang may message sa kaniya si David o missed call man lang. Pero wala siyang nakita. Mariin siyang napapikit sabay tabi ng kaniyang cellphone. Sa isip niya, mukhang wala talagang pakialam sa kanila si David. Siguro nga ay masaya pa ito sa kaniyang pag-alis.

"David…bakit ang sakit mong mahalin?" bulong ni Akira sa kaniyang sarili.

Ilang oras ang lumipas, nagising na ang anak ni Akira. Agad niya itong pinagtimpla ng gatas dahil umiiyak na. Wala kasi siyang gatas. Mahina ang lahas ng gatas sa kaniyang dibdib.

"Hello baby Princess ko! Tayong dalawa na lang ang magkasama ngayon. Pero ipinapangako ni Mama sa iyp na aalagaan kita at mamahalin ng sobra pa sa sobra. Mahal na mahal kita baby ko," sabi niya sa kan'yang anak at saka ito hinalikan sa noo.





Samantala naalimpungatan si David nang mapansin niyang wala sa tabi niya si Akira. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang wala rin sa crib ang anak nila. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto. Hinanap niya sa buong bahay ang kanyang mag-ina ngunit wala siyang nakita. Nagtanong siya sa mga kasambahay niya pero wala itong mga alam. Napasabunot na lamang siya sa kan'yang sarili.

"Akira…nasaan ka na?" bulong ni David sa kaniyang sarili.


Kaagad na nag-message at tumawag siya kay Akira ngunit hindi niya ito sinasagot. Tinignan niya ang mga gamit sa itaas ng kan'yang mag-ina at nakita niya ang iilang damit at gamit na lang ang naiwan doon. Nilayasan siya ni Akira ngunit bakit kaya ito ginawa ni Akira sa kaniya? Iniisip ni David kung ano ang nagawa niyang mali para layasan siya ni Akira. Nanghihinang napaupo si David sa couch at pagkatapos napansin niyang may nakatingin sa kanya. Ito ang kanilang driver.



"Bakit Kuya?" Kunot-noong tanong ni David sa lalaki.



Napakamot ng ulo ang driver. "Eh…Sir hinahanap niyo po ba si Ma'am Akira pati na ang anak ninyo?"


Napatayo si David. "Oo Kuya. Nasaan sila? Alam niyo ba kung nasaan sila?"



Umiling ang driver. "Hindi Sir eh pero nakita kong umalis si Ma'am Akira kanina."



Napalunok si David kasabay ng panginginig ng kaniyang laman. "Saan daw siya pupunta at bakit siya umalis?"



Napalunok ang driver bago nagsalita. "Hindi naman sa ano Sir…pero sa tingin ko umalis si Ma'am dahil nasasaktan na siya."




Nanlaki naman ang mata ni David. "Nasasaktan? Bakit siya nasasaktan?" Naguguluhang tanong niya sa driver.




Napakamot ng ulo ang driver. "Eh Sir hindi niyo po ba nararamdaman na mahal na po kayo ni Ma'am Akira? Kaya nga po palagi niya kayong inaasikaso at nagtatanong siya sa iyo kung bakit ginagabi kayo uwi. Mahal na po niya kayo pero alam niya sa sarili niyang hindi niyo siya magagawang mahalin dahil sa isang pagkakamali lang ang nangyari sa inyo at nagkaanak pa kayo. Kaya siya umalis para hindi na siya mas masaktan pa dahil habang nakakasama niya kayo, mas lalo lang siyang masasaktan. At mas lalo lang siyang mahihirapang kalimutan kayo."





Naahimik na na lamang si David at saka natulala.
Ramdam naman niya ang pagmamahal ni Akira sa kaniya pero hindi niya iyon binibigyang pansin dahil ayaw niyang mas lalong mahulog kay Akira. At alam niya rin sa kanyang sarili na mahal niya ito ngunit pinipigilan niya lang ang kan'yang sarili. Inis na sumuntok sa hangin si David. Hindi niya alam ang gagawin sa biglang pag alis ni Akira sa kan'yang bahay. Inaalala niya pa ang kanilang anak. Hiniling na lang niya na saba walang nangyaring masama sa kanila.

"Alam niyo, Sir…sa tingin ko po kaya rin umalis si Ma'am Akira ay para mapagtanto niyo sa sarili niyo kung ano ba talaga siya sa iyo. Siguro, nararamdaman niya na parang wala lang siya sa inyo. Kaya nga po, 'di ba inaasikaso niya kayo? Para madama niyo ang effort niya para sa iyo.  Para masabi niya na may pakinabang naman siya kahit papaano. Isipin niyo pong maigi Sir sa iyong sarili kung sino ang mas matimbang. Ang sasabihin ba ng mga tao sa paligid ninyo o ang mag-ina po ninyo? Dapat piliin ninyo ang sa tingin niyo ay tama," dagdag pa ng driver.


Mariin namang napapikit si David. Gulong-gulo na talaga siya. Parang sasabog na ang ulo niya sa daming iniisip.



Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon