Pakiramdam niya biglang nawala ang sigla ng bahay. Biglang nawala ang kulay nito. biglang naging malungkot. At sa puso ni David, nakaramdam siya ng matinding kirot. Unti-unti niyang na-realize na malaki pala ang ambag ni Akira sa buhay niya. Na kahit anong gawin niya ay hindi niya pala mapipigilan ang kan'yang sarili na mahalin ito.
"Akira…nasaan ka na…" bulong ni David sa kaniyang sarili sabay sabunot.
Nag-iisip pa rin siya ng maigi. Tinitimbang pa rin niya sa kaniyang sarili kung ano ang mas mahalaga. Ang yaman ba o kaniyang mag-ina. Alam niyang duwag siya. Aminado naman siya na takot siyang makarinig ng mga panlalait. Pero inalala niya ang lahat ng ginawa sa kaniya ni Akira. Ang pag-aasikaso nito kahit na siya ay buntis pa. Ang pag-aalala nito kapag ginagabi siya ng uwi.
Malalim na bumuntong hininga si David. Ngayon ay sigurado na siya na si Akira ay mahal na talaga niya. Na hindi niya kayang mawala ito sa kaniya.Kaya naman agad siyang nagbihis upang simulang hanapin ang kan'yang mag-ina. Tumawag din siya ng mga tauhan niya upang tulungan siya sa paghahanap.
"Bilisan niyo ang paghahanap sa kanila. Kailangan ko silang mahanap ngayon din!" sigaw niya sa kaniyang cellphone.
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho kahit na medyo nahihilo pa rin siya. Hindi pa rin kasi nawawala ang tama ng alak sa kaniya. Gulong-gulo man ang kaniyang isipan, pinilit niyang mag-focus sa pagmamaneho.
"Patawarin mo ako, Akira…"mahinang bulong niya habang nagmamaneho.
Napahinto siya sa may tabi ng kalsada nang bigla niyang maalala ang nangyari kagabi habang lasing siya. Naalala niya kung ano ang sinabi niya kay Akira at tandang-tanda niya kung ano ang itsura ni Akira habang sinasabi niya ang masasakit na salita. Salitang dumurog sa puso ni Akira. At kaya lang naman niya iyon nasabi ay dahil pakiramdam niya, nabawasan ang kasiyahan niya. Tinanong kasi siya ng mga kaibigan niya kung bakit tila nagbago na siya. Tinukso siya ng mga ito. Iyon ang pumasok sa isipan niya kaya niya nasabi ang masasakit na salitang 'yon kay Akira.
"F*ck," mahinang mura ni David.
Iniisip niya na siiguro 'yon ang dahilan kung bakit umalis si Akira. Dahil napagsalitaan niya ito ng masasakit at alam niyang nasaktan ng sobra doon si Akira. Alam niya kasing madaling masaktan si Akira dahil soft-hearted peraon ang dalaga.
"Ang tanga-tanga mo David! Ang tanga-tanga mo! Bakit mo sinabi 'yon?!" inis na siigaw niya habang sinusuntok ang manibela.
Napansin na lamang ni David na napaiyak na lang siya. Na-realize niya kung gaano kahalaga si Akira sa buhay niya. Doon niya napagtanto na kapag nawala na pala ang isang tao, doon mo na lang mare-realize na mahalaga nito. Kaya naman nag-focus siya sa pagmamaneho. Tumawag sa kan'ya ang mga tauhan niya at sinabi nilang hindi nila makita ang kaniyang mag-ina. Kaya naman nagalit siya sa mga ito at sinabing hindi puwedeng hindi nila mahanap ang kan'yang mag-ina. Huminto siyang muli sa isang tabi.
"At bakit hindi niyo siya mahanap!" gigil na sigaw niya sa kausap sa telepono.
"Sir…ginawa naman po namin ang lahat pero hindi madaling mahanap ang taong nagtatago. Baka po nakalayo na agad si Ma'am," sagot ng tauhan niya.
Nanggigil na ibinato ni David ang kaniyang cellphone. Mas lalo siyang napaiyak. Pakiramdam niya, biglang gumuho ang mundo niya na siya rin naman ang dahilan.
Muling nag-ring ang cellphone niya at nakita niya ang pangalan ni Lexi. Hindi niya ito pinansin. Pero tawag pa rin ito nang tawag ka napilitan siyang sagutin ang tawag nito.
"Ano ba? Bakit ka ba tawag nang tawag? Girlfriend ba kita para tumawag ka sa akin ng paulit-ulit?" Malakas na sigaw ni David sa kaniyang kausap.
"Bakit ka ba nagagalit diyan? Parang dati hindi ka naman ganiyan, ah! Ano bang nangyayari sa iyo, ha? May bago ka na bang kalampungan!" sigaw ni Lexi sa kaniya.
"Wala kang pakialam! Kaya kung puwede ba ay tigilan mo na ako! Maghanap ka ng ibang lalaki na kakamot sa kakatihan mo! Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo!" Gigil na sigaw ni David sabay patay ng kaniyang cellphone.
Hinihingal siyang sumandal sa kaniyang sasakyan. Naninikip ang dibdib niya kaya naisipan niya munang magpahinga. Inaantok na rin siya. Kaya hindi niya namalayan na nakatulog siya.
Gabi na nang magising siya. Naalimpungatan pa nga. Naguguluhan pa nga siyang tumingin sa paligi at inisip kung bakit sa tabi siya ng kalsada nakatulog. Biglang naalala niya ang lahat. Kaya naman mariin siyang napapikit.
Kinuha niya ang nabasag niyang cellphone para tingnan kung may message ba ang mga tauhan niya. Pero wala. Ibig sabihin, hindi pa nahahanap ang kaniyang mag-ina. Kahit naman siya ay hindi niya alam kung saan hahagilapin ang kaniyang mag-ina. Bagsaka ng kaniyang balikat na umuwi sa kanila.
Nagpabili siya ng maraming alak at nilunod ang kaniyang sarili sa alak. Naawa naman sa kaniya ang isa niyang kasambahay kaya lumapit ito sa kaniya.
"Sir…marami na po yata kayong nainom na alak. Baka hindi na po kayo makabangon niyan," sabi ng kaniyang kasambahay.
Tiningnan ito ni David. "Hayaan mo na ako. Gusto kong magpakalunod sa alak. Sobrang bigat kasi ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit ng dibdib ko. Nasasaktan ako sa katangahan ko mismo. Masyado akong maging pabaya kay Akira. Masyado kong sinaktan ang damdamin niya. Tapos ngayong wala na siya, doon ko lang napagtanto kung gaano siya kahalaga sa buhay ko." Muling nagsalin ng alak sa bago si David at saka iyon nilagok.
Napakamot naman ng ulo ang kaniyang kasambahay. "Alam mo, Sir…naiintindihan ko naman kung bakit ganoon kayo kay Ma'am Akira. Kasi syempre, hindi pa kayo sigurado sa nararamdaman niyo sa kaniya. At isa pa, aksidente lang talaga na nabuo ang anak ninyo. Pero kasi, Sir..ganoon talaga ang buhay. Doon mo lang mapagtatanto na mahalaga pala sa iyo ang isang tao kapag nawala na siya. Kasi kapag nandiyan siya, kampante ka lang. Kasi nga nandiyan siya eh. Pero alam niyo ba, napakabait ni Ma'am Akira. Palagi siyang masaya kapag nakikita niya kayo."
Napatigil sa pag-inom si David sabay tingin sa kaniyang kasambahay. "Ano? Paanong masaya?"
Bumuntong hininga ang kasambahay niya bago nagsalita. "Hindi po ba, Sir palagi kayong umaalis ng maaga. Kumbaga, pagkagising niya, wala na kayo. Nakita ko siya na iba ang saya niya kapag nagkakasabay kayong kumain sa umaga. Sa tuwing kakain kasi siya, malungkot ang mukha niya. Syempre, mag-isa nga lang siya. Tapos kapag gabi na, talagang nag-aabang siya sa sala para agad siyang bubungad sa inyo. Nagtatanong pa nga siya sa aming kasambahay kung ano ang puwede niyang gawin para mapansin niyo ang effort niya. Kumbaga, gustong ni Ma'am Akira na makuha ang loob ninyo. Kaya nga inaasikaso ka niya noong buntis pa siya. Kasi gusto niya na mapansin mo ang effort niya sa iyo. Gusto niya na may maiambag siya sa iyo dahil sa ginawa mong pagkupkop sa kanila ng anak ninyo. Thankful pa rin kasi siya na hindi mo siya tinakbuhan."
Napakagat labi si David sabay tungo. Sa sinabi ng kaniyang kasambahay, mas lalong nadurog ang puso niya. Hindi niya akalain na ganoon pala ang nais ni Akira.
"Ang tanga ko pala. Ay hindi lang pala ako tanga. Bulag din pala ako. Hindi ko man lang nakita ang effort sa akin ni Akira. Masyado kasi akong naging duwag eh. Masyado kong inisip ang sarili ko. Iniisip ko talaga ang sasabihin sa akin ng iba kaya ganito ang nangyari. Kaya ko pinipigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya," mahinang sabi ni David.
"Kaya Sir ang mainam ninyong gawin ay hanapin ang mag-ina niyo at humingi kayo ng tawad. Humingi kayo ng chance na magbabago na kayo at sasabihin niyo na mahalaga pala siya sa iyo. Hindi iyong nagpapakalunod kayo sa alak. Wala naman pong magagawa kasi ang alak eh. Ngayong gabi niyo lang makakalimutan ang sakit pero babalik 'yan kinabukasan. Kaya nainam talaga na kumilos kayo hangga't maaga pa. Ipakita niyo kay Ma'am Akira na mahal mo na po siya."
Tipid na tumango si David. Nagpasalamat siya sa payo ng kaniyang kasambahay. Huminga siya ng malalim at saka binitawan ang bote ng alak na hawak niya.
"Akira…bumalik ka na please. Miss na miss na kita," bulong niya sa sarili sabay pikit.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...