KABANATA 17

854 16 0
                                    

"Ano bang nangyari sa iyo, David? Bakit galit na galit ka? Kung may problema ka, magsabi ka agad sa akin. Kaibigan mo ako. Ano bang mayroon?" tanong sa kan'ya ng kaibigan niyang si Ken.

Nanatiling tahimik si David. Hindi niya kasi alam kung paano sisimulan. Kung handa na ba siyang sabihin ang lahat. Pero alam niyang kailangan dahil tuluyang mawawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina kapag naging duwag pa siya.

Nilapitan siya ni Ken. "David, hindi ba nangako tayo dati sa isa't isa na kapag may problema tayo, magsasabi tayo sa isa't isa dahil magtutulungan tayong malutas ito? Kung ano man ang problema mo, huwag kang mahiya na magsabi sa akin. Nandito ako. Kailan ba kita pinahamak? Palagi akong nasa tabi mo, David. Kaya magsalita ka na. Huwag mong sarilihin ang problema mo dahil masakit 'yan sa dibdib. Nakakasira pa ng ulo," mahinanong sabi ni Ken.


Mariinv pumikit si David sabay buntong-hininga bago nagsalita. "Iniwan ako ng mag-ina ko…"


Namilog ang mata ni Ken. "Ano?!" Gulat na gulat na tanong nito.

Seryosong tumingin sa kaniya si David. "Iniwan nila ako kaya nagkakaganito ngayon. Noong isang araw pa sila umalis. Nag-aalala na ako ng sobra. Parang sasabog na nga ang ulo ko sa kaiisip kung nasaan na sila. Kung nasa maayos ba sila na kalagayan. Marami na akong tauhan na binayaran para mahanap sila pero hindi pa rin nila makita. Para na akong mababaliw. Hindi ko naman alam kung saan hahanapin sila. Wala pa akong maayos na tulog at kain kahahanap sa kanila."

"Iniwan ka ng mag ina mo? May anak ka na? Kailan ka pa nagkaanak, ha? Huwag mo nga akong pinagloloko, David! Ang corny ng joke mo. Umayos ka nga! Problema mo ang gusto kong malaman hindi ang joke na 'yan." Napakamot ng ulo si Ken dahil sa pag-aakalang nagbibiro si David.



Tinitigan ni David ng diretso sa mata ng kan'yang kaibigan. "Hindi ako nagbibiro, Ken. Walang biro sa sinasabi ko ngayon. Itinago ko sa inyo na nagkaanak ako noong pumunta ako sa beach resort na sinasabi ko sa iyo para kalimutan si Christine. Dooon ko nakilala si Akira dahil sa lasing na lasing ako napunta ako sa room niya at may nangyari sa amin. Hindi ko inaasahang may mabubuo. Itinago ko ang pagbubuntis ni Akira hanggang sa manganak siya. Ayokong laitin ako dahil si Akira ay isang janitress lang noon nang makilala ko siya."



Sumeryoso na ang mukha ni Ken dahil napansin niyang seryoso na si David sa kaniya sinasabi. "Ibig sabihin…totoo talaga ang sinasabi mo ngayon sa akin? Hindi mo ako niloloko, tama ba?" Paninigurado ni Ken.

Tumango si David. "Oo. Nagsasabi ako ng totoo."

Tiapik ni Ken sa balikat si David. "Bakit ka naman namin lalaitin? Isang blessing na magkaroon ng anak, David. Alam ko na naging mahirap sa iyo ang bagay na 'yan dahil hindi ka pa handa. 'Di ba mas masaya ang single? Na wala kang ibang iniisip kun'di ang sarili mo? Kaya ganiyan ang ginawa mo. At siguro, natakot ka na makarinig ng masasakit na salita. Pero ito ang ang uulitin ko sa iyo, isang blessing ang magkaroon ng anak. At saka alam mo ba, hindi ko pa pala ito nasasabi sa iyo. Hindi ako magkakaroon ng anak, David."



Nanlaki ang mata ni David. "Anong ibig mong sabihin?"



Tipid na ngumiti si Jack. "Baog ako kaya hindi ako magkakaroon ng anak. Kaya nga para hindi ko na lang maisip iyon, nag-eenjoy na lang ako sa pambababae. Naalala mo 'yong matagal ko ng girlfriend? Iniwan niya ako dahil sa nalaman niyang hindi kami magkakaroon ng anak. Napakasakit no'n para sa akin. Kaya ikaw, hanapin mo ang mag-ina mo, David. Huwag mong hayaang magsisi ka sa huli. Siguro panahon na nga para magbago ka dahil matanda ka na rin naman eh. At isa pa, matagal nang gusto ng mga magulang mo na magkaapo. At ito na ang tamang panahon para ayusin mo ang buhay mo."

Napalunok si David. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na baog ka pala?"

Tumawa si Ken. "Syempre, aasarin mo ako. Pero ngayong nasabi ko na, anong masasabi mo sa akin? Ang malas, 'di ba? Kaya nga kumilos ka na, David. Huwag mong hayaang magsisi ka sa huli. Nga pala, sigurado ka ba na mahal mo na ang babaeng 'yon?'

Mabilis na tumango si David. "Oo. Sigurado na ako. Ilang beses ko nga itong pinag-isipan. Nalaman ko na mahal ko na pala siya. Sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong makarinig ng panlalait."

Ngumiti si Ken. "Alam mo, wala namang masama kung mababang uri ng tao ang iniibig mo. Wala namang magagawa ang mga taong nakapaligid sa iyo kung siya ang mahal mo. May magagawa lang sila kapag hinayaan mo silang manghimasok sa iyo. Kagaya ng hahayan mo ang sarili mo na maniwala at magpaapekto sa sasabihin nila. Dapat hindi. Ikaw lang ang dapat magdedesisyon sa sarili mo. Hayaan mo sila. Wala naman silang ambag sa buhay mo eh. Mga panira lang 'yan sa buhay. Ang isipin mo ay ang mag-ina mo. Kung mahalaga sila sa iyo, hanapin mo na sila. At kung tunay mong mahal ang babaeng 'yon, ipadama mo sa kaniya. Huwag puro salita. Kumilos ka nang maniwala siya sa iyo."



Dahil sa mga salitang binitawan ni Jack, natauhan si David. Hindi niya inasaahan na makakausap niya ng ganito si Ken. Puro kasi kalokohan ang mga sinasabi nito sa kaniya.

"Ken…maraming salamat," mangiyak-ngiyak na sabi ni David.

Tinapik naman siya sa balikat ni Ken. "Walang ano man, David. Masaya ako na natuto ka na sa buhay. Na magsisimula ka ng magbago. Tama 'yan," wika niya sabay ngiti.

Tumawa naman si David. "Eh ikaw? Kailan ka magbabago?"

Marahang umiling si Ken. "Hindi ko pa alam eh. Hindi ko kasi nahahanap ang babaeng tatanggap sa akin eh. Mahirap kasing tanggapin ang isang kagaya ko na baog. Kaya ang suwerte mo dahil makakalat mo pa ang lahi mo."

Nagtawanan pa silang dalawa bago nagmamadaling pumunta si David sa kan'yang sasakyan at tinawagan ang mga tauhang inutusan niya. Umaasa siya na mahanap na ng mga ito ang kaniyang mag-ina.

Ilang tauhan na niya ang tinawagan niya pero hindi pa rin nito mahanap ang dalawa. Medyo pinanghihinaan na ng loob si David. Nawawalan na siya ng pag-asang makita ang kaniyang mag-ina.


Samantala, malungkot namang napatingin si Akira sa masayang pamilya na nagtatawanan habang naglalakad. Buhat-buhat ng lalaki ang kanilang anak habang napakapit naman sa braso ang kasama nitong babae. Naisip niya bigla si David. Tinatanong niya sa kaniyang sarili kung ayos lang ba ito. Kung hinahanap ba siya nito.

Ngumiwi si Akira. "Malabo 'yon. Bakit naman niya kami hahanapin? Eh sagabal nga kami sa buhay niya," bulonh ni Akira sa kaniyang sarili.

Tiningnan niya ang kaniyang anak. Kasalukuyan silang nasa labas dahil nagpapaaraw sila.

"Ang ganda naman ng anak mo. Nasaan pala ang asawa mo?" sabi ng babae mula sa katabi niyang apartment.

Alanganing napangiti si Akira. "Ah…wala pa eh. Stay in sa trabaho kaya kami lang ang nandito."

"Ah okay. Ang lungkot naman. Ikaw lang talaga ang mag-aasikaso niyan. Pero ganoon talaga ang buhay. Kailangang magtrabaho ng lalaki para may panggastos kayo," sabi pa ng babae sabay ngiti.

Tumango naman si Akira. "Oo tama ka. Kaya nagtatawagan na lang kami para maibsan ang pagka-miss sa isa't isa," pagsisinungaling niya pa.

"Oo ganoon na lang talaga. Ganiyan din kami dati ng partner ko noong nagtatrabaho siya bilang construction worker. Malayo kasi 'yong lugar na pinaggagawaan nila kaya kailangan stay in. Ang hirap na mag-isa ka lang sa bahay. Hindi biro ang mag-alaga ng anak. Kaya nakakainis 'yong mga nagsasabi na madali ang maging isang ina. Hindi nila alam ang hirap natin."

Tumango si Akira. "Tama ka. Wala silang karapatan na sabihan tayo ng ganoon."

Nagpaalam naman ang babae dahil may gagawin pa ito. Malalim naman na bumuntong hininga si Akira sabay baling sa kaniyang anak.

"Anak ko, ako na lang muna ang magiging Papa at Mama mo, ha? Ipinapangako ko sa iyo na mamahalin kita ng buong puso…" bulong ni Akira sa kaniyang anak.

Tumingala si Akira dahil pakiramdam niya maiiyak na naman siya. Muling nanikip ang kaniyang dibdi. Pero huminga lang siya ng malalim para mabawasan ang bigat na  kaniyang nararamdaman.

"Kaya mo 'to, Akira…kayang-kaya mo 'to. Magtiwala ka lang sa sarili mo…"

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon