Dumating na ang araw ng panganganak ni Akira. Halos mamatay siya sa panganganak dahil sa malaki ang anak niya. Dapat sana ay si si-caesarian siya pero ponilit niya itong ilabas ng normal. Ilang oras din siyang nagtiis sa pagla-labor. Mabuti na lang at nandiyan si David para magpalakas ng loob niya. Hindi rin kasi biro ang sakit na kaniyang naranasan dahil sa labor. At sa wakas nakaraos na rin siya. Napangiti na lamang siya nang makita niyang buhat-buhat ni David ang anak nila.
"Napakaganda ng anak natin, Akira." Nakangiting sabi ni David.
Tipid na ngumiti si Akira. "Oo nga eh. Mana sa akin," saad niya sabay tawa ng mahina.
Natawa na lamang si David at muling pinagmasdan ang kanilang anak. Si David ang nag-asikaso kay Akira sa loob ng tatlong buwan. Inalagaan niyang mabuti si Akira pati na ang anak nila.
"Dahan-dahan ka lang sa paglalakad dahil baka bumuka ang tahi mo. Sobrang sakit pa naman daw niyan lalo na kapag dumudumi ka," sabi ni David habang nakaalay kay Akira patungong banyo.
"Oo sobrang sakit nga. Tamang dumi lang ng mabagal," saad naman ni Akira.
"Kaya nga kapag pupunta ka ng banyo, magsabi ka sa akin para maalalayan kita. Baka kasi mas lumala pa 'yang tahi mo kapag tayo ka nang tayo nang walang nag-aalalay sa iyo."
"Oo sige. Salamat. Pero kapag kaya ko naman, kahit hindi na ako magsabi sa iyo."
Naningkit ang mata ni David. "Manahimik ka nga, Akira. Paano na lang kung bigla kang matumba? Eh 'di bubuka pa ang tahi mo. Magdudugo pa 'yan. Mas mahihirapan ka pa. Huwag ka ng matigas pa ang ulo. Basta palagi kang magsasabi sa akin."
Lihim namang napangiti si Akira. Hindi niya kasi inasahan na aalagaan siya ni David. Akala niya kasi pababayaan lang siya nito matapos manganak.
"May pagkain na diyan sa mesa. Kumain ka ng marami. Magaling na 'di ba ang mga tahi mo?" tanong ni David sa kaniya.
"Oo. Magaling na. Hindi na masakit kapag umiihi ako o dumudumi," sagot naman ni Akira sabay ngiti.
Tumango naman si David. "Okay sige. Mabuti naman. Aalis na muna ako."
"Saan ka pala pupunta?" Kunot noong tanong ni Akira.
"Basta. Diyan lang sa kaibigan ko. Sige ba. Bye."
Mabilis na sumakay sa kaniyang sasakyan si David at saka pinaharurot ito. Naiwan namang malungkot ang itsura ni Akira. Tila unti-unti nang nawawalan ng oras sa kanila si David. Simula kasi nang maging maayos ang kalagayan niya, napapadalas nang muli ang pag-alis ni David. Pero sa tuwing uuwi naman ito, inaasikaso pa rin niya si Akira. Kahit papaano ay nawawala ang pangamba ni Akira. Iniisip niya na siguro nagpapahinga lang si David sa kaniyang mga kaibigan.
Ngunit pagsapit ng ilang buwan ay ginagabi na naman ng uwi si David. Akala ni Akira magtutuloy-tuloy na ang pagbabago ni David ngunit nagkamali siya. Siguro ginawa lang ni David ang responsibilidad niya na alagaan siya dahil bagong panganak pa lamang siya. Pero hindi talaga siya magagawang mahalin ni David.
Mahigpit na hinawakan ni Akira ang kaniyang dibdib. Nakaramdam siya nang matinding kirot dahil sa isiping nasa ibang babae na naman si David.
"Bakit ginabi ka nanaman ng uwi? Amoy alak ka pa? Masyado ka yatang nagpakalasing. Palagi ka na naman bang ganiyan?"Inis na tanong ni Akira.
Nginisihan siya ni David. "Ano bang pakialam mo? Asawa ba kita? Hindi naman, 'di ba? Nagsasama lang tayo para sa anak natin. Naging sagabal nga kayo sa pagiging buhay binata ko. Nakakapagsisi na nagkaroon agad ako ng anak. At ang malas pa, sa babaeng hindi ko pa gusto. Pero ayos lang, nakapambababae pa rin naman ako," wika ni David ngunit sa labis na kalasingan ay hindi niya na alam ang kan'yang sinasabi.
Napakurap ng ilang beses si Akira. Dahil doon nasaktan siya ng sobra. Halos ikadurog ng puso niya ang bawat salitang binitawan ni David. Parang libo-libong karayom ang mga salitang binitawan ni David na tumusok sa kaniyang dibkb. Bumuntong-hininga siya habang nagpipigil ng kaniyang luha kasabay ng malalim niyang paghinga.
"Oo nga pala. Wala nga pa lang namamagitan sa ating dalawa. Pasensya ka na kung nag-aalala ako sa iyo palagi sa tuwing aalis ka. Pasenya ka na kung iniisip ko palagi na sana ay nasa kabutihan ka. Pasenya ka na kung palagi akong nagdarasal na sana hindi ka mapahamak sa tuwing nagmamananeho ka pauwi. Pasensya ka na kung nahulog na ako sa iyo. Pasensya ka na kung nagiging sagabal kami sa iyo. Pasenya ka na kung dahil sa akin nasira ang buhay mo. Nagsasama nga lang pala tayo dahil anak natin na hindi mo naman talaga ginusto. Hayaan mo, hindi na kita tatanungin ulit kung saan ka nagpupunta o bakit ka ginagabi ng uwi."
Nagtungo na si Akira sa kanilang kuwarto at pagkatapos umiyak siya nang umiyak. Pumasok na rin sa kuwarto nila si David pero humiga lang ito sa kama at nagsimula ng humilik. Umiiyak na tiningnan niya si David. Mas lalo pa siyang napaiyak nang makita niya ang mga hickeys ni David sa leeg.
Ibig sabihin, nakipaglampungan na naman si David sa isang babae. Pakiramdam ni Akira hindi na niya makakayanan pang makasama si David dahil nasasaktan na siya sa ginagawa nito. Aaminin niya, nahuhulog na ang loob niya sa lalaki lalo na nang inalagaan siya nito. Pero sa tingin niya hanggang doon na nga lang ang lahat. Upang hindi na mas lumalim pa ang pagmamahal niya sa lalaki, naisip niyang umalis na lang. Baka sakaling matauhan si David at makita ang halaga niya kapag wala na siya sa piling nito.
"Ang sama-sama mo, David. Akala ko nahuhulog na ang loob mo sa akin pero hindi pala. Nagkamali ako. Inakala ko lang pala ang lahat. Isang pagpapanggap lang pala ang mga pinakita mong kilos sa akin," umiiyak na bulong ni Akira.
Inis na napasabunot si Akira sa kaniyang sarili. Gusto niyang magwala pero hindi niya magawa. Wala naman kasi talaga siyang karapatan na magselos. Alam naman niya 'yon sa kaniyang sarili. Pero kahit na akong pigil niya, hindi niya maiwasan dahil mahal na niya si David.
"Ang sakit ng mga sinabi mo sa akin. Sobrang nadurog ako…" bulong niya sabay pahid ng kaniyang mga luha.
Nanatiling tulog si David. Dahil kasi sa labis na kalasingan, wala na ito sa wisyo.
Huminga ng malalim si Akira. Marahas niyang pinahid ang kaniyang mga luha. Hinawi niya ang kaniyang buhok at muling huminga ng malalim.
"Huwag kang mag-alala. Aalis na kami ng anak mo. Para wala nang maging sagabal sa iyo," mariing bulong niya.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...