KABANATA 12

846 12 0
                                    

Gabi na namang nakauwi si David. Mahimbing nang natutulog si Akira sa kanilang kama. Ipinaling ni David ang kaniyang ulo at saka nagbihis. Pagkatapos, tumabi na siya kay Akira. Itinuon niya ang tingin niya sa sa kisame at nag-isip-isip. Hindi niya alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Sana umayon sa kan'yang plano ang lahat. Nagsisisi pa rin siya kung bakit nabuntis niya si Akira. Pero wala na siyang magagawa dahil palaki na nang palaki ang tiyan ni Akira.

"Goodnight, Akira…" bulong ni David sabay tingin kay Akira.


Ang plano na lamang niya ngayon ay suportahan ang magiging anak niya hanggang sa makalabas ito. Bahala na kung anong mangyari kapag lumaki na ang anak nila. Basta nandito naman siya para suportahan silang dalawa dahil hindi niya maipapangakong magagawa niyang mahalin si Akira. Ayaw niya kasing masira ang kan'yang pangalan. Ayaw niyang laitin siya ng ibang tao. Pero matagal nang gusto ng kan'yang mga magulang na magkaroon ng apo. Sadyang wala lang talagang balak si David na magkaroon pa ng anak kaya siguro ito ang karma niya.


Kinabukasan, maagang umalis si David dahil may selebrasyon sa bahay ng mga magulang niya. Anniversary kasi ng mga ito.

"Oh, David anak! Nandito ka na pala! Akala ko mamaya ka pa dadating eh," salubong sa kaniya ng Mommy niya.

"Happy anniversary po pala sa inyo ni Dad," wika ni David sabay ngiti.

Ngumiti naman ang kaniyang Daddy. "Salamat anak pero wala bang pa-gift diyan? Wala ka bang surprise gift sa amin?" saad ng kaniyang Daddy.

Nagtataka namang tumaas ang kilay ni David. "Po? Anong surprise gift?"

Nagkatinginan naman ang mga magulang niya. "Ano pa nga ba? Eh 'di apo! Nakailang anniversary na kami pero wala ka pa ring naibibigay na apo. Wala ka bang matinong girlfriend? Hindi naman gusto na ang magiging girlfriend mo ay mula sa mayamang angkan o anak ng negosyante. Basta matino, ayos na kami doon. Ang gusto namin para sa iyo ay ang babaeng kagalang-galang at may mabuting kalooban. Hindi kagaya ng mga dati mong girlfriend na anak mayaman nga pero masama naman ang ugali," nakataas kilay na sabi ng Mommy ni David.

Napalunok naman si David sabay kamot sa ulo. Kung alam lang nila na magkakaanak na si David, malamang sobrang saya ng mga ito. Pero hindi pa niya puwedeng sabihin. Hindi pa ito ang tamang panahon.


"Hayaan niyo po, Mom and Dad, maghahanap po ako ng matinong babae na magdadala ng anak ko," sabi ni David sabay pilit na ngumiti.

"Mabuti naman kung ganoon. Basta bilisan mo ha? Dahil naiinip na kami ng Mommy mo. Gusto na naming mag-alaga ng apo," tugon naman ng kaniyang Daddy.


Nakisali sa kasiyahan si David. Pero sa isip niya, iniisip niya si Akira. Iniisip niya kung ayos lang ba ito sa bahay.



Hindi inabot ng gabi si David sa pag-uwi. Kaya naman nagtataka si Akira nang makita siya nito.

"Oh? Ang aga mo yata ngayon," bungad sa kaniya ni Akira.

"Oo kasi hindi naman ako pumunta sa kompanya. Nagpunta ako sa bahay ng Mommy at Daddy ko dahil anniversary nila. May dala pala akong pasalubong sa iyo. Kumain ka na," sabi ni David sabay abot ng dala niyang pagkain.

Kinuha naman agad ni Akira ang pagkaing dala niya. "Salamat, David," sabi niya sabay ngiti.

Tipid na tumango si David sabay hawak sa kaniyang sintido. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang utak sa kaiisip ng kung ano-ano.
Nagtungo muna siya sa kanilang kuwarto upang magbihis. At nang matapos siyang magbihis, sinilip niya si Akira mula sa hagdan habang kumakain. Napakagat labi si David. Nakikita niya kasi kung gaano i-appreciate ni Akira ang lahat ng bigay niya.



"Oh? Bakit bumaba ka pa? Magpahinga ka na sa taas. Ayos lang ako dito mag-isa," wika ni Akira nang puntahan niya ito.


"Hindi naman ako pagod. At isa pa mamaya pa ako dadalawin ng antok. Nga pala, kumusta naman ang tiyan mo? May masakit ba sa iyo?" tanong niya kay Akira.

Bumuntong hininga si Akira. "Wala naman. Medyo sumasakit lang ang ulo ko. Pero ganoond daw talaga kapag buntis. Ang nakakatuwa lang ay parang nararamdaman ko ang tibok ng puso ni baby sa tiyan ko. Nakakatuwa nga eh," masayang sabi ni Akira.

Tipid na ngumiti si David. Hindi niya kasi alam kung ano ang mararamdaman niya kapag lumabas na ang anak niya.

"Nga pala, Akira gusto ko sanang humingi ng tawad sa iyo dahil sa nangyari sa atin. Patawad dahil pakiramdam ko nasira ko ang buhay mo. Patawarin mo rin ako kung ganito lang ang gusto kong status nating dalawa," sabi ni David sabay yuko.

Pilit namang ngumiti si Akira. "Hayaan mo na. Huwag ka na humingi ng tawad. Ginusto ko rin namang magpasundot sa iyo."

Biglang natawa si David. "Magpasundot talaga?"

Tumango si Akira. "Oo kasi 'yang tit* mo sinusundot ang kipay ko."

Humagalpak ng tawa si David. "Ang bastos mo!" Tumatawa pa rin nitong sabi.

"Sorry na. Pinapatawa lang kita. Para kasi ang bigat ng dinadala mo eh," saad naman ni Akira.

Sumeryoso ang mukha ni David. "Medyo. Pero ayos lang naman. Huwag mo akong intindihin. Basta, alagaan mo ang sarili mo. Pasensya ka na kung hindi kita masyadong maasikaso. Ako kasi ang namamahala ng kompanya namin. Ayaw na ni Daddy ko na mamahala eh. Ang gusto niya kasi ay maglabing-labing lang sila ni Mommy."


Ngumiti naman si Akira. "Ang sweet naman ng mga magulang mo. Sana tayo rin…" pabulong ang ginawang pagbanggit ni Akira sa huli niyang sinabi.

"Ha? Ano 'yong huli mong sinabi?" Kunot noong tanong ni David.

Mabilis na umiling si Akira.  "Ah wala naman! Ang sabi ko ay ang sweet nila. Nakakatuwa!"

"Ah okay. Ganoon talaga sila. Kahit noong bata pa lang ako, kahit nasa public places pa sila, talagang sweet sila. Na para bang sila lang ang tao sa lugar na iyon. Wala silang pakialam sa paligid."


Tipid na ngumiti si Akira sabay kain. Sa isip niya, sana ganoon din sila ni David balang araw. Sana dumating ang araw na matutunan din siyang mahalin ng lalaki.

"Tapos ka na bang kumain? Ako na ang mahuhugas ng pinagkainan mo," wika ni David nang matapos siyang kumain.

"Ay hindi na. Ako na," sabi naman ni Akira.

Inagaw ni David ang hawak niyang plato at kutsara. "Ako na. Magpahinga ka na sa kuwarto, okay? Susunod ako."

Wala ng nagawa si Akira kun'di ang tumango. Hindi niys alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni David para sa kaniya. Minsan kasi nararamdaman niya na parang nahuhulog na sa kaniya ito pero minsan naman ay hindi.

Marahang hinaplos ni Akira ang tiyan niya nang mahiga siya sa kama.

"Huwag kang mag-alala anak, gagawin lahat ni Mama para makuha ko ang loob ng Papa mo. Para matutunan niya tayong mahalin," bulong ni Akira sa sarili habang patuloy ang paghaplos sa kaniyang tiyan.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon