Naisipan ni Akira na bisitahin ang Tita niya. Kahit naman kasi hindi naging maganda ang trato nito sa kaniya, doon pa rin siya nakitira. Kahit papaano ay may pakialam pa rin siya sa Tiyahin niya. Pinuntahan niya ito sa dati niyang tinitirahan para magbigay ng tulong. Laking gulat niya nang makita niya ang itsura nito. Sobrang payat na nito at nanlalaki pa ang mata. Nabalitaan niya na gumagamit pa ng ipinagbabawal na gamot ang kaniyang Tiyahin.
"Oh? Napadalaw ka? Kumusta? Mayaman ka na ba kaya nandito ka para magmayabang?" Galit na sabi nito sa kaniya.
"Hindi po ako nandito para magmayabang, Tita. Nandito po ako para magbigay ng tulong sa inyo. Kaya po ako nagpunta rin dito para mabisita kayo. Para malaman kung ayos lang ba ang kalagayan ninyo," magalang na sabi ni Akira.
Malakas na tumawa ang Tiyahin niya. "Wow?! Talaga ba? Huwag nga ako! Nandito ka para magyabang! Ano? Masaya ka na? Na naging ganito ang buhay ko? Na iniwan na ako ng mga anak ko? Siguro masayang-masaya ka diyan 'no? Siguro nasa isip mo, kinarma na ako? Tama ba?"
Mariin namang napapikit si Akira upang pigilan ang kaniyang inis. Naiinis na kasi siya sa mga sinasabi ng Tita niya. Ganoon pa rin pala talaga ang ugali nito. Hindi pa rin nagbago at tila ba mas lalo pa yatang lumala.
"Kailan ba ako naging masaya na ganito ang buhay mo, Tita? Wala akong ibang hangad kun'di ang guminhawa ang buhay niyo kaya nga po pumayag ako na maging alipin ninyo, 'di ba? Ang maging utusan niyo ako noon? Na kahit nahihirapan na ako ay ayos lang? At kung ano man ang nangyayari sa inyo ngayon, hindi ko na kasalanan 'yon. Kayo ang gumagawa ng kapalaran ninyo hindi po ako. Kaya huwag kayo sa aking magalit. Huwag niyo sabihin sa akin na masaya ako sa nangyari sa inyo," naiinis na sabi ni Akira.
May kumalabit naman sa likuran ni Akira. Pagkatingin niya, ito ang kapitbahay nila.
"Wala na sa tamang pag-iisip ang Tita mo. Nalulong na kasi sa droga. Kaya iniwan na siya ng mga anak niya dahil sobra na siya. Ultimo pagkain nila, pinambibili niya pa ng droga. Kaya 'yon, umalis na ang mga anak niya. Nakakaawa nga siya na nakakainis. Nakakaawa kasi mag-isa na lang siya. Nakakainis kasi palagi siyang nagwawala at naghahamon ng away," wika ng kapitbahay nila.
"Nasaan na raw po ang mga anak niya? Alam niya po ba kung saan ito nagpunta?" tanong naman ni Akira.
Nagkibit balikat ang kapitbahay nila. "Hindi niya yata alam. Bale kasi simula nang umalis ka, nagkagulo na sila diyan. Eh 'di ba halos lahat sila diyan mga tamad, wala ng kumikilos sa bahay na 'yan. Kulang na nga lang ay uurin ang bahay nila. Tapos ayon, biglang naadik 'yang Tiyahin mo sa droga. Kahit kaunting pera ay ipambibili niya ng droga basta makatikim lang nito. Napabayaan na niya ang anak niya. 'Yong panganay niyang anak ay nabuntis at sumama na sa lalaki. Tapos 'yong isa umalis na dahil hindi na niya kinaya ang ugali ng Mama niya. Magulo na kasi talaga. Siguro nahihirapan na rin siya. Walang may alam kung saan nagpunta ang anak niya. Tapos ayan, nasiraan na yata ng bait ang Tiyahin mo kaya iba na siya mag-isip ngayon."
"Oh ano? Pinag-uusapan niyo na akong dalawa? Sige lang! Pag-usapan niyo lang ako! Diyan naman kayo magaling eh. Lahat naman ng mga tao dito ay pinag-uusapan ako! Pare-parehas kayo! At ikaw, Akira! Umalis ka na sa harapan ko! Hindi kita kailangan! Salot ka! Salot ka sa buhay ko! Simula nang dumating ka sa buhay namin, nagkagulo na kami! Kaya tama lang sa iyo na nawalan ka ng magulang! Salot ka!" sigaw ng Tita niya.
Hindi naman napigilan ni Akira na mapaiyak. Nasaktan siya sa sinabi ng kaniyang Tiyahin. Tagos ito sa loob niya. Kaya naman sa inis niya, umalis na lang siya at nagmamadaling nagmaneho. Siya na nga itong may balak na tumulong sa Tita niya, naging masama pa siya. Nakatanggap pa siya ng masasakit na salita.
Inihinto ni Akira ang sasakyan niya sa isang tabi at saka umiyak. Binuhos niya ang sakit na nararamdaman niya. Pagkatapos ay umuwi na siya. Napansin ni David na umiyak siya kaya nilapitan siya nito.
"Oh bakit? Anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" tanong ni David sa kaniya.
Hindi muna umimik si Akira. Nagtungo siya sa kuwarto nila at saka naupo sa kama. Doon siya muling napaiyak at saka ikinuwento kay David ang nangyari.
Niyakap siya ng kaniyang asawa. "Grabe naman 'yang Tita mo. Hindi mo na dapat 'yon kakausapin pa. Hayaan mo na siya. Hindi tama ang ginawa niya sa iyo. At saka, siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kaniya 'yon. Labas ka na kung ano man ang nagaganap sa buhay niya," inis na sabi ni David habang yakap si Akira.
Pinahid ni Akira ang kaniyang mga luha. "Ewan ko ba sa Tiyahin kong 'yon. Hindi na nagbago ang ugali. Mas lumala pa nga yata. Gusto ko lang naman tumulong sa kaniya pero ganito pa ang sinabi niya. Kaya tama ka, hindi ko na nga dapat pang kausapin siya. Bahala na siya sa buhay niya. Hindi rin naman maganda ang naging trato niya sa akin noon. Pinahirapan niya ako at hindi itinuring na kamag-anak," malungkot na sabi ni Akira.
Hinawakan siya sa kamay ng kaniyang asawa. "Hayaan mo na 'yon. Huwag mo ng isipin pa ang nakaraan mo. Ang importante, masaya tayo ngayon. Magkasama tayo ng anak natin. Pangako ko sa inyo na mamahalin ko kayo ng buong puso at hinding-hindi ko kayo pababayaan. Hindi ko hahayaang makaranas ka pa ulit ng lungkot. Huwag mo na intindihin ang mga taong nagbibigay lang sa iyo ng kalungkutan. Isipin mo na lang kami ng anak mo."
Ngumiti naman si Akira. "Okay sige. Wala na akong pakialam sa kanila. Tutal, kayong dalawa naman ang nagbibigay ng saya sa buhay ko. Bahala na sila diyan. Ang importante ay nandito kayo ng anak natin sa tabi ko."
"Tama. 'Yon na lang ang isipin mo. Basta, pangako, kayo lang ang mamahalin ko ng anak natin. Hinding-hindi ako papayag na magkahiwalay tayo. Tandaan mo 'yan."
Ngumisi naman si Akira. "Nakakakilig ka naman! Dahil diyan….isusubo ko ang tit* mo!" Pilyang sabi ni Akira sabay dakma ng tit* ni David.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...