"Napagtanungan ko 'yong isa kong kaibigan. Ang sabi niya, hindi daw talaga imposibleng may mabuo kahit na isang beses lang na may nangyari sa dalawang tao. Gusto ko sanang siguraduhin kung ako lang ba ang nakagalaw sa iyo?" saad ni David sabay hingang malalim.
Mabilis na tumango si Akira. "Oo ikaw lang. Wala naman akong ibang lalaki na pupunta dito at isa pa, hindi ko rin naman akalain na ganito ang mangyayari. Bakit mo kasi sa loob pinutok?" Inis na sabi niya kay David.
Napakamot ng ulo si David. "Hindi ko naman alam ang ginagawa ko, 'di ba? At saka lasing na lasing ako. Wala ako sa tamang pag-iisip. Pero wala na tayong magagawa dahil nandiyan na 'yan. Hiindi ko rin naman kayang patayin ang magiging anak ko. Pero hindi puwedeng malaman ng ibang tao na may anak ako." Mariing sabi ni David sabay hawak sa sintido niya.
Kumunot ang noo ni Akira. Bakit hindi puwedeng malaman ng iba? Sino ka ba? Artista ka ba para hindi nila puwedeng malamang magkakaanak ka na?" bakas sa pananalita ni Akira ang inis.
Bumuntong hininga si David bago nagsalita. "Ako si David Montero. Isa akong kilalang bilyonaryo at successful businessman. Masisira ang pangalan ko kapag nalaman nilang nagkaroon ako ng anak at ito'y mula pa sa isang janitress na kagaya mo. Naiintindihan mo naman siguro kung ano ang gusto kong iparating iyo, tama ba?" Tinaasan siya ng kilay ni David.
Tinikom ni Akira ang kaniyang bibig dahil nasaktan siya sa sinabi nito. Na parang hinamak ni David ang kan'yang trabaho. Pero wala naman na siyang magagawa. Isa pa lang kilalang bilyonaryo si David. Malayong-malayo sa katulad niya na isang hamak na mahirap. Na gagawin ang lahat para lang umagat sa buhay.
"Kaya ang gagawin ko, tutal aalis na rin naman ako dito kinabukasan, kakausapin ko na ang amo mo dahil hindi puwedeng may makaalam ng tungkol sa inyo. Itatago kita. Ayos lang ba sa iyo 'yon? Huwag kang mag-alala dahil ibibigay ko naman lahat ng supporta kasi alam naman natin na hindi mo kayang buhayin 'yan mag-isa. Ako nang bahala sa tirahan ninyong dalawa. Basta itatago kita at walang makakaalam tungkol sa inyo ng anak natin bibigyan na lang kita ng malaking halaga basta't huwag ka lang mag-iingay." Paliwanag sa kaniya ni David.
Npalunok na lamang si Akira. At sa tingin niya kailangan niyang tanggapin ang kondisyon ni David dahil hindi niya kayang buhayin mag-isa ng magiging anak nila. At isa pa, kung mabibigyan din naman siya ng malaking halaga, maaari niya itong magamit kapag natapos na siyang manganak. Kahit na nakararamdam siya ng panliliit, wala na siyang magagawa pa dahil wala naman siyang maipagmamalaki.
Marahang tumango si Akira bilang pagsang-ayon. "Sige. Pumapayag ako sa gusto mo."
Ngumiti naman si David na tila ba nakahinga ng maluwag. "Mabuti naman nagkakaintindihan tayo. Ihanda mo ng mga gamit mo dahil bukas aalis na tayo. Sa susunod na muna natin pag-usapan ang iba pang bagay. Marami pa akong gagawin."
Matapos 'yong sabihin ni David ay kaagad na itong umalis. Nasapo ni Akira ang kaniyang noo. Isang malaking gulo pala ang nangyari sa kanilang dalawa ni David. Hindi pa nga siya nagtatagal sa resort na ito ay aalis na kaagad siya. Hindi pa nga na matutupad ang goal niyang makabingwit ng foreigner upang yumaman. Pero wala na siyang magagawa pa dahil huli na para magsisisi. Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay alagaan ang kaniyang sarili upang hindi mapahamak ang kaniyang anak.
Kinagabihan, nagising si Akira. Kahit anong pilit naman kasi niyang bumalik sa tulog, hindi na siya nakatulog pa. Nagpalipas lamang ng ilang minuto si Akira bago nagsimulang mag-impake. Bumuntong hininga na lamang siya at saka pinahid ang mga luha isa-isang pumatak mula sa kan'yang mga mata. Naiinis siya sa kan'yang sarili dahil sa katangahang kan'yang ginawa. Pero wala na nga siyang magagawa dahil nangyari na ito.
Nagulat pa nga siya nang may kumatok sa kaniyang room, pagkabukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya si David na may dalang pagkain.
"Kumain ka na ba? May dala akong pagkain sa iyo. Kumain ka niyang mga prutas. Napakabuti raw niyan sa bata," sabi sa kaniya ni David sabay abot ng dala nito.
"Salamat," tugon ni Akira kasabay ng alanganing pagngiti.
"Kumusta naman ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa rin ba o ano?" tanong ni David habang diretsong nakatingin sa kaniyang mata.
"Ganoon pa rin. Nahihilo at nasusuka lalo na sa umaga. Hindi raw basta mawawala 'yon. Morning sickness daw ang tawag doon." Tipid na ngumiti si Akira kasabay nang paghigpit ng hawak niya sa pagkaing inabot ni David.
"Sige na. Aalis na ako. Matulog ka ng mahimbing pagkatapos mong kumain. Huwag ka ng magpupuyat pa," tipid siyang nginitian ni David bago ito tuluyang umalis.
Sinundan na lamang siya ng tingin ni Akira kasabay ng pagbuntong hininga niya. Sa loob niya, hinihiling niya na sana ay maging maayos ang lahat sa pagsama niya sa lalaki.
Isasara na sana ni Akira ang room niya nang biglang sumulpot si Pukengkay. Agad itong pumasok sa loob ng room niya.
"Kaloka ka, 'yon ba ang lalaking nakabuntis sa iyo?" Tila nananabik na tanong sa kaniya ni Pukengkay.
Nagtataka namang napatango si Akira dahil sa reaksyon nito. "Oo. Bakit?"
"Eh jackpot ka naman pala! Guwapo na, mayaman pa! Kahit hindi ka na maghanap ng foreigner, nasa mabuting kamay ka naman pala napunta! Nalaman ko na mayaman ang lalaking 'yan dahil usap-usapan siya ng mahaharot na babae doon. Ang suwerte mong babae ka!" Masayang sabi ni Pukengkay sabay hampas sa kaniyang braso.
"Kaya lang, hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa kaniya. Kinausap niya kasi ako, na parang ipinaparating niya na hindi niya ako magagawang magustuhan dahil nga sa isa lang akong janetress. Na para bang ikinakahiya niya ako," malungkot na turan ni Akira.
Ngumuso naman si Pukengkay sabay irap. "Ay 'yon lang. Sabagay, ang mga kaibigan niyan at mga taong nakakakilala sa kaniya ay kagaya niyang mayaman. Malamang mahihiya siyang masabihan na nakabuntis siya ng kagaya mo. Ano bang plano niya? Itatago niya ba kayo tapos susustentuhan?"
Nanlaki ang mata ni Akira. "Paano mo nalaman?"
Mahinang tumawa si Pukengkay. "Hay naku! Alam ko na ang mga galawan ng mga mayayamang tao kapag nakabuntis sila ng taong hindi naman nila gusto. Usong-uso 'yan sa telenovela! Pero huwag ka, lahat ng ganiyan ay nagkakatuluyan. Kaya dapat ipakita mo sa lalaking 'yon na karapat-dapat kang mahalin sa kabilang estado mo sa buhay."
Napakamot ng ulo si Akira. "Talaga ba? Baka naman sa palabas lang 'yan nangyayari pero hindi sa totoong buhay."
"Hay naku! Ang nega mo! Basta magtiwala ka sa tadhana! Huwag kang mawalan ng pag-asa. Darating ang araw na mamahalin ka ng sobra pa sa sobra ng lalaking 'yan! Oh sige na, magpahinga ka na. Matulog ka ng maigi. Good night na."
Malalim na huminga si Akira nang umalis si Pukengkay. Iniisip niya kung may posibilidad ba kayang may mabuong pag-ibig sa pagitan nila ni David.
"Hay ewan…malabong mangyari 'yon," bulong niya sa sarili bago ipinikit ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...