"Good morning, Akira. Kumain ka na. May mga pagkain na sa kusina." Masayang sabi ni David.
Nagtatakang napatingin si Akira kay David. "Bakit nandito ka pa? 'Di ba umaalis ka na kaagad bago ako magising? Wala ka bang pasok o 'di ka ba pupunta sa kompanya mo?" Bakas pa rin sa tono ni Akira ang pagtataka.
Nasanay na kasi siya na magising wala si David sa tabi niya. Nasanay na siyang mag-isa sa tuwing kakain. Kaya naman nagtataka talaga si Akira ngayong nasa harapan niya si David.
"Wala naman na kasi akong masyadong gagawin sa kompanya kaya mamaya na ako aalis pagkatapos kong kumain. Halika na. Sabay na tayong kumain para may kasabay ako," sabi ni David sabay senyas na magtungo sa kusina upang kumain.
Kahit nagtataka man ay sumunod na si Akira pababa sa kusina. Napapatingin si Akira kay David habang kumakain sila.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni David sa kaniya habang nakataas ang kilay.
Umiling si Akira. "Wala naman. Hindi lang kasi ako sanay na kasabay kang kumain ngayong umaga. Nasanay na kasi ako na ako lang ang kumakain mag-isa."
Bigla namang natahimik si David sabay tikim. Tila kasi bumakas sa boses ni Akira ang lungkot matapos niyang sabihin 'yon.
"Hayaan mo sa susunod, sabay na tayong kakain. Sadyang busy lang talaga ako," saad ni David kasabay ng pilit na ngiti.
Tumango na lang si Akira at saka nagsimula ng kumain. Sa loob niya, masaya siya dahil kasabay niyang kumain ngayon si David.
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na rin si David. Muli na namang nakaramdam ng lungkot si Akira dahil mag-isa na lang siya sa bahay. Sinundan na lang niya ng tingin ang papaalis na sasakyan ni David. At nang mawala ito sa paningin niya, nagtungo na lang siya sa kaniyang kuwarto upang matulog. Sa kabilang banda, mabilis naman ang ginawang pagpapatakbo ng sasakyan ni David. Pagkarating niya sa kan'yang opisina sinalubong kaagad siya ng kan'yang kaibigan na si Jack.
"Bakit ka nandito? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ni David sa kaibigan niya.
"Nasaan ka ba umuuwi? Nagpunta ako sa condo mo pero wala ka doon. Nakailang doorbell nga ako eh," sabi ni Ken sa kaniya.
Kumamot ng ulo si David. "Ah…kasi nandoon ako sa isang bahay ko."
Tumaas naman ang kilay ng kaibigan niya. "Oh? Akala ko ba ibebenta mo na 'yon Puwede ba tayong doon mag-inuman at magwalwal? Palagi na lang kasi sa unit ko eh. Kumbaga, change place naman tayo," sabi ni Ken sabay ngisi.
Mabilis na umiling si David. "Hindi puwede kasi nandon 'yong Tita ko eh. Doon sila nakatira."
Namilog naman ang mata ni Ken. "Talaga? Sinong Tita mo? At bakit naman sila nakatira sa bahay mo? Wala ba silang bahay?"
Bumuntong hininga si David. "Basta Tita ko. Sa side siya ng Mom ko. Hindi ko masyadong close. Hinayaan ko na lang na tumira doon para may tao sa bahay ko."
Tumango-tango si Ken. "Ah okay. Nga pala, hindi ka na katulad ng dati ah? Na talagang madaling araw inaabot tayo ng inuman. May iba ka bang pinagkakaabalahan? Bigla ko lang kasing napansin na umuuwi ka agad. Eh dati naman madaling araw ka na kung umuwi kaya madalas na pupunta ka dito sa kompanya ninyo na may hang over ka pa," mahinang natawa si Ken matapos niyang sabihin 'yon.
Tumikhim naman si David. Totoo naman kasi ang sinabi ng kaibigan niya. Wagas kasi siya kung uminom. Na para bang ginagawa ng tubig ni David ang alak. Palibhasa kasi wala naman siyang ibang iniisip ng mga panahong 'yon kun'di ang kaniyang sarili lang. Kaya naman wala siyang pakialam kung malasing siya habang nagmamaneho. At kapag hindi na nga kaya ng katawan niyang magmaneho, sa unit na lang siya ni Ken natutulog para matanggal ang kaniyang hang over.
Kumamot ng ulo si David. "Wala naman. Gusto ko lang mag bagong buhay," palusot niya.
Malakas na tumawa ang kaibigan niyang si Ken. "Ha? Ano? Bagong buhay? Kailan pa? Ikaw ang ang pinakamalakas uminom sa atin! Huwag ka ngang mag-joke ng ganiyan. Hindi kasi kapani-paniwala eh! Siya nga pala, hinahanap ka ni Lexi. One night stand daw kayo mamayang gabi. Na-miss na yata ng babaeng 'yong ang alaga mo," sabi ni Ken sabay ngisi.
Napalunok naman si David. Si Lexi ang babawng madalas niyang nakakabakbakan sa kama. Magaling kasi ito at sanay na sanay sa ganoong gawain.
"Sige kamo. Sabihin mo sa kan'ya," tugon ni David at saka nagsimula ng magbasa-basa.
Ngumuso si Ken. "Ikaw na ang magsabi! Baka nga nag-message na sa iyo eh. Hindi mo pa nare-replay-an. Bilisan mo na! Para naman matikman mo na ulit ang babaeng 'yon. Sure ako na na-miss mo rin siyang kainin."
Napailing na lang si David sa sinabi ni Ken. Kinuha ni David ang cellphone niya at nakita niya nga ang message ni Lexi. Si Lexi ay anak ng isang negosyante na kaibigan ng mga magulang niya. Ramdam niyang gusto siya ng babae pero hindi niya lang ito tipo dahil masyadong maarte. Kaya pinagbibigyan niya lang ito na makipagtalik sa kaniya.
"Okay sige. Ako na ang bahala," sabi ni David sabay tipid na ngumiti.
Kinagabihan, nakipagkita siya kay Lexi at nag-check in sila sa hotel. Niyakap siya nang mahigpit ni Lexi nang makapasok sila sa room. Ikiniskis ni Lexi ang kaniyang pagkababae sa hiya ni David at pagkatapos ay itinulak niya ito sa kama. Hinubad kaagad niya ang pang-itaas niyang damit dahil sabik na sabik na siyang maangkin ni David. Lumitaw ang kaniyang malusog na dibdib sa harapan ni David.
Pinasadahan ni David ng tingin ang magandang hubog na katawan ni Lexi. Kaagad na pumatong sa kaniya si Lexi at saka siya hinalikan. Nanindig ang balahibo ni David. Hinawakan niya ang malulusog na dibdib ni Lexi. Habang ang isang kamay naman niya ay hinihimas ang pagkababae ni Lexi. Ngunit biglang pumasok sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Akira kaya naitulak niya si Lexi.
"Aray ko naman, David! Bakit mo ako tinulak?"Inis na sabi ni Lexi.
Napatingin si David sa kaniya at saka nagmamadaling nagbihis.
"Teka lang anong ginagawa mo? Hindi pa tayo nag-uumpisa!" Galit na sigaw ni Lexi sa kaniya.
"Ayoko na, Lexi. Sa iba ka na lang," wika ni David at saka nagmamadaling lumabas ng pinto.
"Teka lang sandali!" sigaw ni Lexi pero hindi na niya ito pinakinggan pa.
Habang nasa byahe bigla niyang naisip ang mukha ni Akira na malungkot habang nakatingin sa kan'ya. Bakit kaya biglang pumasok sa kan'yang isipan si Akira? Iniisip kaya siya nito? Mabilis na napailing si David. Bakit naman siya iisipin ni Akira eh alam naman nilang dalawa na dahil lang sa magiging anak nila kaya sila nagsasama? Walang pagmamahal na namamagitan sa kanila.
Pero parang lumalala na ang nararamdaman ni David para kay Akira. Kahit na ayaw niyang aminin sa kaniyang sarili, kusa na siyang nag-aalala para sa babae. Kahit na pilit niyang ibinabaling ang atensyon niya sa iba, pumapasok pa rin sa kaniyang isipan si Akira. Nagtataka pa nga rin siya kung bakit pumapasok sa kaniyang isipan ang babae. Siguro iniisip siya nito. Siguro nag-aalala ito sa kaniya. Siguro may nararamdaman na rin si Akira para sa kaniya.
"Hay naku, David huwag kang mag-isip ng kung ano-ano,"bulong niya sa kan'yang sarili.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...