KABANATA 9

853 12 0
                                    

Tatlong buwan ang lumipas simula nang tumira si Akira sa bahay ni David, nasanay na rin siya kahit papaano. Hindi pa rin ganoon kalahata na buntis siya dahil maliit pa rin ang tiyan niya. Kasama naman niyang natutulog si David ngunit gabi lang niya ito nakakasama dahil gabi na ito umuuwi. May nangyayari pa rin sa kanilang dalawa ngunit walang sila. Ginagawa lang nila iyon para sa tawag ng laman dahil binalaan na siya ni David na hindi siya nito magagawang mahalin.





Tanggap naman iyon ni Akira. Basta ba patuloy lang itong sumuporta sa kanilang magiging anak. Nagkaroon na rin siya ng bank account kung saan bigyan siya ni David ng sampung milyon at siya na ang bahalang gumastos dito.




"Paano ba 'yan, anak. Mabubuhay ka sa mundong ito na hindi buo ang pamilya. May Papa ka nga pero wala namang kami. Susuportahan lang niya tayo pero hindi kami mag-asawa…." wika ni Akira habang hinahaplos ang kaniyang tiyan.




Naisip ni Akira, na magiging malungkot ang buhay ng kanilang anak kapag lumaki na ito at magka-isip. At malamang hindi pala buo ang kaniyang pamilya. Kaya naman naisip ni Akira na gawin ang makakaya niya para siya ay mahalin ni David.

Malalim siyang huminga sabay tingin sa kaniyang tiyan. "Sana….sana magbago pa ang isip ng Papa mo. Sana…matutunan niya tayong mahalin. Na matanggap niya tayo. Kasi nakakalungkot na ganito lang ang magiging sitwasyon natin hanggang sa lumaki ka. Na tinatago lang niya tayo," bulong ni Akira sa kaniyang sarili.




"Kumusta naman po ang lagay ninyo, Ma'am Akira?" tanong sa kaniya ng kasambahay niyang si Petchay.

"Ayos naman. Medyo nahihilo at nasusuka pa rin ako pero na ganoon kalala. Mawawala na rin siguro ang morning sickness ko dahil tatlong buwan na rin si baby sa tiyan ko."

Tumango-tango naman si Petchay. "Ah ganoon. Mabuti naman po. Nga pala Ma'am may tanong ako sa inyo pero huwag po sana kayong magalit."

Kumunot ang noo ni Akira. "Ano 'yon?"


Alanganing ngumiti si Petchay sabay kamot sa ulo. "Totoo po bang nabuntis lang kayo ni Sir David pero wala talagang kayo? At kaya ka po nandito dahil kailangan ka niyang suportahan pero hindi ka talaga niya love?"


Mapait na ngumiti si Akira. "Oo. Totoo 'yon. Pero ayos lang dahil wala naman akong kakayahang bumuhay ng bata. Wala naman kasi akong pera. Mahirap lang ako. Kaya nga tinanggap ko 'yong offer niya na hindi niya kami papabayaan sa sustento basta walang makakaalam ng tungkol sa amin."

Napakamot naman ng ulo si Petchay. "Medyo sad sa part na 'yan. Kakaiba rin itong si Sir. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong ayaw niyang mapahiya sa mga taong nakakakilala sa kaniya. Alam mo naman ang mga mayayaman, lahat gagawin huwag lang silang mapahiya. Kaya nga lang, unfair sa part mo bilang babae. Parang lumalabas na ikinakahiya ka niya."

Tipid na ngumiti si Akira. "Ganoon na nga. 'Yon naman talaga ang goal niya. Ang itago kami dahil nahihiya siya sa amin. Pero hindi naman puwedeng sisihin ko siya dahil ginusto ko rin ang nangyari sa amin."


"Sabagay mahirap din talaga labanan ang tukso lalo na kung ganiyan kaguwapo ang susundot sa iyo! Kahit siguro bibigay. Eh mukhang malaki pa naman 'yang kargada ni Sir David. Solid ang pasok sa pukelya!" sabi ni Petchay sabay hagikhik.

Napakagat labi naman si Akira nang maalala niya ang kahabaan ni David. Talaga kasing mahaba at mataba ito. Punong-puno nga siya nang ipasok ni David ang kaniya sa butas niya.


"Oh? Bakit napapangiti ka, Ma'am? Mukhang bigla mong naalala ang tit* ni Sir 'no?" Panunukso ni Petchay.

Mahina niyang hinampas sa braso si Petchay. "Tumigil ka nga diyan! 'Yang bunganga mo, baka may makarinig pa sa iyo. Nakakahiya!" Natatawang sabi ni Akira.


"Sorry na, Ma'am. Gusto ko lang mapasaya ka. Kasi nakikita ko parang ang bigat ng dinadala mo. Na pasan-pasan mo ang mundo. Basta, Ma'am kung kailangan mo po ng kausap, nandito pang ako, okay? Puwedeng-puwede mo ilabas sa akin ang sama ng loob mo. Handa akong makinig sa iyo. At huwag ka pong mag-alala dahil walang makakaalam na kahit na sino. Hindi ko po iyon ipagsasabi sa iba. Pangako po." Tinaas pa ni Petchay ang kanang kamay niya na tila ba nanunumpa.


Mahinang natawa si Akira. "Oo na. Sige na. Salamat sa iyo dahil naunawaan mo ang nararamdaman ko."

Nagtawanan pa silang dalawa habang nagkukuwentuhan ng kabulastugan. Tawa naman nang tawa si Akira sa mga pinagsasabi ni Petchay. Pakiramdam niya, kausap niya ngayon si Pukengkay. Bigla niya tuloy na-miss ang kaibigan niyang 'yon.




Kinagabihan, dumating na si David. Halata sa mukha nito na para bang pagod na pagod.

"Kumusta? Bakit parang pagod na pagod ka?" sabi sa kaniya ni Akira.

"Oo…medyo kasi ang dami kong inasikaso. Pero ayos lang naman ako. Ikaw ba? Kumusta ka dito? Nabo-boring ka ba?" turan naman ni David.

Umiling si Akira. "Hindi naman. Nakakausap ko naman ang mga kasambahay namin. Nakikipagkuwentuhan ako sa kanila para malibang."

Tipid na ngumiti si David. "Mabuti naman kung ganoon."

"Ah siya nga pala, kumain ka na. Nakahanda na ang pagkain mo," sabi ni Akira sabay lakad patungong lamesa.

Hindi napansin ni Akira na may basa sa sahig kaya nadulas siya. Mabuti na lang at kaagad na nakagalaw si David at siya ay nasalo. Napahawak si Akira sa matipunong braso ni David habang nakatinging diretso sa mata ni David. Walang kurap-kurap siyang nakatingin sa lalaki sabay lunok. Hinawakan ng maigi ni David ang kaniyang baywang at saka siya inalayaan hanggang sa makatayo.

"Ayos ka lang?" tanong sa kaniya nito.

"O-Oo…a-ayos lang ako. S-Salamat," nauutal na sabi ni Akira sabay iwas ng tingin.

"Sa susunod sabihan mo ang mga kasambahay natin na tingnang maigi ang sahig. Dapat walang basa o ano pa man para hindi na maulit ito. Halika na. Sabayan mo na ako kumain."

Napatingin na lamang si Akira kay David nang maupo ito sa hapagkainan. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi upang pigilang mapangiti.

Tila kasi nalulusaw siya sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ni David nang saluhin siya nito. At sa kabilang banda…

Bumilis ang tibok ng puso niya na parang hirap na siyang makahinga.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon